April 22, 2024
Massage oils gamit ang essential oils at carrier oils para pang pa relax.

Paano gumawa ng Relaxing Massage Oils

Sharing is Caring

Sino nga naman ang ayaw ng ¨masahe¨eh, nakapagbibigay ito ng ginhawa o relaxation sa katawan. Hindi lang sa physical stress kundi pati rin sa emotional o psychological stress. Para lalong mabigyan ng ginhawa, gumawa ng mga langis na gagamitin bilang relaxing massage oils. Gamitin itong pangmasahe sa panahon na stressed ang katawan sa pagtratrabaho. Makakatulong ang mga langis na essential oils at carrier oils sa paggawa nito.

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

Pumili ng akmang essential oil at carrier sa paggawa ng massage oil para sa relaxation ng katawan. Sa gagawing relaxing massage oils, para ka naring nagpa aromatherapy at nagpamasahe sa isang spa. All in one package sa loob ng bahay, isang praktikal na ideya.

Babaeng lumalanghap ng bulaklak

Mga essential oils na maaaring gamitin sa pagmamasahe

Maraming iba’t ibang uri ng essential oils kaya pumili ng akmang langis para sa pangangailangan. Pagdating sa physical stress o sakit ng katawan, marami rami ring langis ang maaaring gamitin para diyan. Pumili ng essential oil na gagamitin sa pagmamasahe na may calming benefits, muscle relaxant, magbibigay lunas ng sakit. Para lalong magbenepisyo ang katawan.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

HALIMBAWA;

  1. Basil essential oil
  2. Bergamot essential oil
  3. Cedarwood essential oil
  4. Chamomile essential oil
  5. Clary sage essential oil
  6. Eucalyptus essential oil
  7. Ginger essential oil
  8. Lavender essential oil
  9. Lemon essential oil
  10. Marjoram essential oil
  11. Mint/Spearmint essential oil
  12. Peppermint essential oil
  13. Rose essential oil
  14. Rosemary essential oil
  15. Sandalwood essential oil
  16. Thyme essential oil
  17. Ylang-ylang essential oil

Sa pagpili ng essential oil na gagamitin, siempre iko-consider natin ang availability, check mo rin kung wala ka bang allergy sa partikular na essential oil. Kaya magsagawa ng patch test sa balat.

Mga carrier oil sa paggawa ng Relaxing Massage Oils

Sa pagpili naman ng carrier oil o fixed oil na gagamitin, pumili ng langis na available at nourishing sa balat ng gagamit. Maraming ring mga langis na maaaring gamitin.

Ibat ibang uri ng carrier oils at benepisyo at gamit nito.

Halimbawa

  1. Avocado oil
  2. Argan oil
  3. Camelina oil
  4. Coconut oil, mas maganda kung ito ay extra virgin coconut oil
  5. Grapeseed oil
  6. Jojoba oil
  7. Sunflower oil

Paano gumawa ng massage oil

Simple lang ang paggawa nito, paghaluin lang ang napiling essential oil at carrier oil sa isang bote. Pumili ng bote na de color para tumagal ang shelf life nito. Aluging mabuti, READY na pangmasahe.

Iba't ibang uri ng bote na lalagyan ng mga DIY cosmetics.

Maaaring gumamit lang ng 1 klase ng essential oil kung yan lang ang available para sa yo. Pero kung bastante naman, maaaring gumawa ng mixture ng mga langis na nabanggit. Maaaring gumamit ng 3 or more na mixture.

Halimbawa sa ginawa kong relaxing massage oil.

MGA SANGKAP

Ginger infused oil 28.5 ml

Lavender essential oil 0.75 ml

Lemon essential oil 0.75 ml

Paraan ng paggawa

Sa isang de color na bote, ilagay ang ginger infused oil, lavender essential oil at lemon essential oil. Takpan at aluging mabuti. READY na ang relaxing massage oil.

Gusto panoorin ang video?

Iba pang mga relaxing massage oils na maaaring gawin

Marami ka pang maaaring gawing combinations ng essential oils. As long na mabibili mo ito at wala kang allergy, maaari kang gumawa ng mixtures para gamitin sa pagmamasahe.

Halimbawa ng mga combinations o blending ng essential oils;

  1. Lavender & Peppermint essential oils
  2. Lavender & Mint/Spearmint essential oils
  3. Chamomile & Ylang-ylang essential oils
  4. Rosemary & Ginger essential oils
  5. Ylang-ylang & Sandalwood essential oils
  6. Basil & eucalyptus essential oils
  7. Rose & Ginger essential oils
  8. Cedarwood & Peppermint essential oils
  9. Eucalyptus, Ginger & Rosemary essential oils
  10. Clary sage, Ylang-ylang & Geranium essential oils

May mga lugar na kung saan ay wala kang mabiling langis o kaya ay hindi kaya ng budget ang presyo. Isang magandang alternatibo ay ang paggawa ng oil infusion. Ang mga bulaklak ng rosas, ylang-ylang, at iba pang mga halaman ay maaaring i-infuse sa langis. Maaari mo itong gawing base oil kasama ng essential oil na meron ka.

Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *