April 22, 2024
Eucalyptus essential oil sa isang amber o brown bottle

Benepisyo ng Eucalyptus essential oil

Sharing is Caring

Sikat ang eucalyptus essential sa mga household na naniniwala na ang essential oils ay may benepisyong hatid dahil magagamit ito bilang natural na lunas. Ang eucalyptus oil ay kadalasang ginagamit sa mga ubo o sipon. Ang langis ng eucalyptus ay mula sa steam distillation ng mga dahon ng eucalyptus tree. Sa mga aborigines ng Australia, ginagamit ang dahon ng eucalyptus panapal sa mga sugat. Bahagyang papainitin ito sa baga, didikdikin at ito ang itatapal sa sugat ng isang tao.

At ang dahon daw ng eucalyptus tree ang paboritong pagkain ng mga koala bear sa bansang Australia.

Australia noon ang main producer ng eucalyptus oil at eucalyptus essential oil. Pero kung nakabili ka ng langis ng eucalyptus na made in spain o china o iba pang bansa, huwag magtaka dahil iba´t ibang bansa na ang exporter nito. At siya rin ang dahilan kung bakit ito abot kaya sa bulsa.

Saan ginagamit ang eucalyptus essential oil

Maraming iba’t ibang gamit ang eucalyptus essential oil dahil marami itong benepisyong hatid.

  1. Skin and hair care
  2. Perfume o pabango
  3. Natural na lunas
  4. Aromatherapy
  5. Massage

Benepisyo ng Eucalyptus essential oil sa Balat at Buhok

Toning properties

Ang eucalyptus ay may toning properties. Nakakatulong ito na tanggalin ang mga dumi, dead skin cells o excess sebum na nakabara sa pores. Makakatulong din ito na matanggal ang blackheads o whiteheads sa balat.

Simple lang ang paggamit ng eucalyptus essential oil para magbenepisyo sa toning properties nito. Maaari mo itong gamitin pag nagsteam ng mukha.

Ang recipe na kadalasan kong ginagamit ay 3 drops of essential oil per cup of hot water.

Pwede ring gamitin ito kasama ng ibang sangkap na may toning properties pag gumawa ng toner.

Anti-dandruff

Dahil sa anti-fungal at anti-bacterial properties ng eucalyptus essential oil, maaari itong gamitin kung may problema sa dandruff o balakubak o kung may pangangati sa anit.

Mga balakubak sa buhok at anit

Kung may balakubak o nangangati ang anit, patakan ng eucalyptus essential oil ang gagamiting shampoo. Maaari mo itong gawin 3 beses sa isang linggo.

Kung dahon naman ng eucalyptus ang available sayo, maaari kang gumawa ng concoction o tea at ito ang gamiting pang huling banlaw sa iyong buhok.

Dahon ng eucalyptus tree na kung saan ito ay ginagawang essential oil

Paggamit ng Eucalyptus essential oil sa paggawa ng pabango

Ang eucalyptus essential oil ay ginagamit bilang middle note o top note sa paggawa ng pabango.

Ito ay may fresh, minty o menthol aroma. Kaya kung plano ninyong gumawa ng pabango na may refreshing scent, i-consider ang paggamit ng eucalyptus essential oil.

Mga DIY perfume gamit ang essential oils at spices & herbs.

Benepisyo ng Eucalyptus essential oil bilang Natural na Lunas

Magagamit mo ang eucalyptus essential oil bilang natural na lunas sa iba´t ibang uri ng karamdaman kagaya ng;

  1. Ubo at sipon
  2. Sakit sa katawan at kasukasuan
  3. Insect repellant at insect bite

Ito ay may anti-viral properties kaya ito ang essential oil na kadalasang ginagamit kung may ubo at sipon. Makakatulong din ito bilang natural na expectorant.

Maaari kang gumawa ng liniment, salve o balm. Pag tinatamad ka, haluan lamang ng 3-5 patak ng eucalyptus essential oil ang 10g ng carrier oil, at pwede na itong ipahid sa dibdib, pang masahe. Kung gusto mo ng solidong produkto, magdagdag lamang ng wax. Ang common na wax na maaaring gamitin ay ang beeswax.

Kung gagamitin ito bilang insect repellant at sa insect bite, magandang dagdagan ng citronella essential oil.

Gamit at benepisyo ng Citronella essntial oil.

Nakakatulong din daw ang eucalyptus essential oil sa pagpapalakas ng immunity ng ating katawan. Isa ito sa essential oil sa paggawa ng 4 thieves oil.

Four thieves oil blend ng mga essential oils

Benepisyo ng Eucalyptus essential oil sa Aromatherapy

Ang benepisyo naman ng eucalyptus essential oil kung gagamitin sa aromatherapy ay makakatulong daw ito sa concentration, depression at pagod. Maaari mong haluan ang iyong diffuser ng iba pang essential oil na may kaparehong benepisyo.

Essential oil diffuser para magbenepisyo ang katawan, isipan

Benepisyo ng Eucalyptus essential oil sa pagmamasahe

Ang eucalyptus essential oil ang kadalasan kong ginagamit sa aking massage oil dahil ito ay natural na analgesic. Nakakatulong na maibsan ang pananakit ng ulo o inflammation sa katawan.

Isa ito sa sangkap sa paggawa ko ng sarili kong version ng Efficascent oil gamit ang camphor oil at DIY vaporub.

Paraan ng paggawa ng homemade o DIY vaporub na parang vicks.
Paano gumawa ng Homemade Vaporub

Gabay sa paggamit ng Eucalyptus essential oil

INCI– Eucalyptus globulus

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit.

Solubility– alcohol and oil

Perfume noteNOTES: middle and top

Color & texture– white

Ginagamit sa– skin and hair care, perfume, natural na lunas, massage, aromatherapy

Spiritual & Magical uses

Protective measures/ Contraindication– i-dilute sa carrier oil bago gamitin, magsagawa ng skin test o patch test, huwag gagamitin kung buntis, may high blood pressure at hindi pwedeng gamitin ng mga bata.

Storage– brown bottle at ilayo sa sinag ng araw o ilaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *