April 22, 2024

Essential oils sa sakit ng ulo

Sharing is Caring

Ginagamit din ang essential oils at isa rin ito sa marami pang natural na lunas sa sakit ng ulo. Ang mga langis ay maaari mong gamiting pang compress, pang-masahe, i-diffuse para makuha ang benepisyo ng essential oil sa pamamagitan ng aromatherapy at massage therapy.

Mga Essential Oils sa sakit ng ulo

Mga essential oils na maaaring gamiting lunas sa sakit ng ulo
  1. Basil essential oil
  2. Citronella essential oil
  3. Chamomile essential oil
  4. Clary sage essential oil
  5. Clove essential oil
  6. Coriander essential oil
  7. Dill essential oil
  8. Eucalyptus essential oil
  9. Ginger essential oil
  10. Lavender essential oil
  11. Lemon Essential oil
  12. Marjoram essential oil
  13. Melissa essential oil
  14. Neroli essential oil
  15. Peppermint essential oil
  16. Rosemary essential oil
  17. Sandalwood essential oil
  18. Spearmint essential oil
  19. Ylang ylang essential oil

Ang mga nabanggit sa taas na iba’t-ibang uri ng essential oils ay mga langis na ginagamit sa sakit ng ulo. Maaring mag-combine ng 2 hanggang 4 na uri ng essential oils.

Kung ang mga spices & herbs kagaya ng basil, chamomile o manzanilla, coriander, dill, lavender, luya, marjoram, lemon balm at peppermint ay available, maaari nyo itong gawing tea at inumin. Isa rin itong mga natural na lunas.

Iba't ibang uri ng pampalasa na gamit sa lunas ng sakit sa ulo.

3 Paraan ng paggamit ng Essential Oils para sa sakit ng ulo

      Meron 3 paraan sa paggamit ng essential oils para sa sakit ng ulo.

1. Aromatherapy– gumamit ng diffuser. Meron tayong iba’t-ibang paraan kung papaano mag diffuse nito. Pumili ng essential oil na nabanggit sa taas at ito ay i-diffuse.

2. Pagmamasahe gamit ang essential oil– ang pagmamasahe ay isang paraan sa paggamit ng essential oil para sa lunas ng sakit ng ulo. Ang essential oil ay minamasahe sa noo, sa templo, sa gitna ng kilay, sa batok o kahit sa buong katawan.

Paano paghaluin ang essential oil at carrier oil para gamitin

Ang essential oil bago gamitin sa pagmamasahe ay dapat haluan o ihalo ito sa isang carrier oil na gusto mo o available sayo. Siguraduhin rin na wala kang allergy sa pipiliing essential oil. Kaya bago gumamit, mag perform ng patch test.

3. Hot and cold compress– pag ito naman ang gagamitin na paraan, sa kada 1 cup ng tubig (hot or cold), 2-3 patak ng essential oil. Haluin ito at ilagay ang bimbo. Pigain ng bahagya at itapal sa noo.

Spices & herbs tea compress

Kadalasan, pag masakit ang ulo, mas nagbibigay ng ginhawa sa atin ang cold compress. Maaari ring isabay ang hot and cold compress. Halimbawa, habang nagko-cold compress sa noo, isabay ang hot compress sa batok at sa balikat. Kadalasan kasi pag masakit ang ating ulo, ito ay dahil sa tension sa ating mga muscles sa balikat, sa leeg.

Tubig na pinapatakan ng lemon juice

Huwag kakalimutan ang importansya ng tubig sa katawan. Karamihan naman sa atin, ang dahilan ng sakit ng ulo ay dahil sa dehydration. Para maiwasan ito, lalong lalo na kung mainit ang panahon, uminom ng sapat na dami ng tubig araw araw.

Gabay sa paggamit ng essential oil sa sakit ng ulo

Mga gabay sa paggamit ng essential oils. Ano ang pwede at hindi

Para sa mga baguhan sa paggamit ng essential oil, alamin ang mga gabay;

  1. Pag narinig na ang essential oil ay epektibo sa iba, huwag agad agad gagamitin ito. Magsagawa muna ng patch test para malaman kung meron o wala kang allergy dito. Simple lang ang paraan ng pagsagawa ng patch test.
  2. Huwag gagamiting puro ang essential oil, parating haluan ito ng carrier oil.
  3. I-research muna ang essential oil na gustong gamitin.
  4. HUWAG bumili o gumamit ng essential oil na fake at alamin kung paano malalaman na fake ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *