April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng rosemary essential oil

Gamit at Benepisyo ng Rosemary Essential Oil

Sharing is Caring

Ang rosemary essential oil ay mula sa halamang Rosmarinus officinalis. Ito ay mula sa mint family kagaya ng spearmint, peppermint, basil, sage, etc. Ang karaniwang paraan ng pagkuha ng langis ng halamang ito ay, steam distillation. Ang rosemary essential oil ay isa sa mga essential oils na abot kaya. Bukod sa affordable ang langis na ito, marami ka pang maaaring pang gamitan at maraming hatid na benepisyo.

Ang rosemary essential oil ay isa sa sangkap sa paggawa ng four thieves oil blend. Dahil ito ay maraming benepisyong hatid lalo na sa pagpapalakas ng ating immune system.

Rosemary essential oil

Gamit at benepisyo ng Rosemary na herb.

Kagaya ng rosemary herb, ang rosemary essential oil ay maraming properties na makakatulong sa ating kalusugan. Ito ay may antioxidants, anti inflammatory, antibacterial, antifungal, astringent at stimulant.

Gamit at Benepisyo ng Rosemary essential oil

1.Aromatherapy– ang benepisyo ng rosemary essential oil sa aromatherapy ay sa mental focus. Sa mga Greek noong unang panahon, ang rosemary oil pati na ang halaman nito ay sinusunog para ma improve ang memory. Ginagamit ito ng mga estudyante bago mag exam. Makakatulong din ito na ma destress ang katawan at marelax ang isipan.

Ultrasonic essential oil diffuser

Sa pamamagitan rin ng aromatherapy, maganda rin ito kung ikaw ay inaatake ng migraine o masakit ang ulo.

Ito ay decongestant at ito ay may camphor na maaaring makatulong sa ubo, sipon at makakatulong na expel o mapalabas ang plema.

Kung sa aromatherapy gagamitin ang rosemary essential oil, magpatak lamang ng langis nito sa diffuser at mag relax. Maaari rin na habang nagdi-diffuse ay magpamasahe gamit ang langis.

2. Natural na Lunas– ito ay analgesic na makakatulong sa sakit sa katawan, sakit sa ulo o migraine. Sa anti inflammatory properties nito, maganda itong gamitin sa inflammation sa balat kagaya ng eczema.

Sa anti fungal properties nito, magagamit mo ito sa mga sakit na sanhi ng fungi kagaya ng alipunga, an-an at iba pang skin diseases.

Gumawa ng diluted na rosemary essential oil gamit ang carrier oil. Gamitin itong pamahid sa mga sakit o parte ng katawan na nangangailangan ng lunas. Maaari ring magcombine ng ibang essential oil.

3. Skin care– ang rosemary essential oil ay maganda sa balat na oily. Ito ay natural na antibacterial na makakatulong sa acne na sanhi ng bacteria. Makakatulong din ito sa open pores dahil ito ay may astringent properties.

Ang isa pang benepisyo ng rosemary essential oil sa balat ay maganda itong gamitin ng mature skin o sa mga taong may edad na.

Ang balat ay magbebenepisyo rin sa rosemary essential oil kung meron kang cellulite dahil ito ay stimulating.

Ang pinaka simpleng paggamit ng langis na ito ay ang pagdilute sa carrier oil at ito ang ipapahid sa iyong mukha o sa cellulite. Kung gumagawa ka ng DIY skin care products, maaari mong gamitin itong isa sa mga sangkap.

Gamitin rin ito sa pag steam ng mukha para ma-unclog ang baradong pores at mapigilan ang pagdami ng bacteria.

4. Hair care– kung sa buhok naman, ang benepisyo nito ay ang pagpapatibay ng buhok para maiwasan o malunasan ang paglagas at balakubak.

Gamitin ang rosemary essential para natural na lunasan ang mga problema sa buhok at anit.

Ang rosemary essential oil ay makakatulong sa circulation ng anit. Dahil ang kadalasang problema o sanhi ng paglalagas ng buhok ay kulang ito sa sirkulasyon.

Tamang pag-aalaga sa buhok para maiwasan ang pagkalagas at pagkapanot

Sa balakubak naman, dahil ito ay anti inflammatory at antifungal kaya ito ay kadalasang gamit bilang natural na lunas.

GABAY SA PAGGAMIT NG ROSEMARY ESSENTIAL OIL

Gamit at benepisyo ng rosemary essential oil

INCIRosmarinus Officinalis

Usage rate– depende sa paraan at saan gagamitin

Solubility– water insoluble

Note/Accordnotes middle o heart pag gagamitin sa paggawa ng pabango.

Color & Texture– clear, pale

Ginagamit sa– aromatherapy, meditation, natural na lunas, perfume, DIY skin & hair care

Benepisyo– antioxidants, anti inflammatory, astringent, antibacterial, antifungal, stimulant

Spiritual & Magical use– cleansing, memory, protection

Protective measures/Contraindicationspatch test, i-dilute sa carrier oil bago i-apply sa balat. Buntis

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw, gumamit ng brown o de color na bote.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *