April 22, 2024
Rosehip seed oil na ginagamit sa balat at buhok dahil sa benepisyo nitong hatid.

Benepisyo ng Rosehip Oil

Sharing is Caring

Sa hindi pa nakakaalam sa langis ng rosehip, akala nila ito ay rose oil. Ang rosehip oil o rosehip seed oil ay nagmula sa ibang halaman at hindi mula sa rosas. Kagaya ng rose oil, marami rin itong mga benepisyong hatid sa balat at buhok. Ito ay sinasabing native sa mga bansa sa Europa at sa mga bansa sa Kanluran ng Asya. Maraming varieties ito at ang karaniwan na makikita mong langis na gawa sa rosehip ay ang rosa canina at rosa rubiginosa.

Prutas ng rosehip na nasa puno.

Ang Carrier oil na ito ay maaaring unrefined, partly refined o refined. Merong mga mamimiling gusto ang refined para tanggal ang amoy nito. Meron din namang gusto sa unrefined para mas marami pa o mas malakas pa ang mga compounds nito kagaya ng mga bitamina at antioxidants.

Mga benepisyo ng Rosehip Oil

Maraming benepisyong hatid ang langis ng rosehip o rosehip seed oil.

  1. Vitamin A
  2. Vitamin C
  3. Vitamin E
  4. Vitamin D
  5. Flavonoids- isang uri ng antioxidant
  6. Linoleic acid
  7. Fatty acids- kagaya ng omega 3 at omega 6
  8. Anti inflammatory properties

Saan ginagamit ang Rosehip Oil

Dahil sa mga benepisyong nabanggit sa taas, ang rosehip ay ginagamit sa balat at sa buhok.

1.Dry skin at Dry hair (& scalp)– maganda itong gamitin sa dry skin at dry hair dahil very nourishing ito sa balat at buhok kagaya ng Jojoba oil at Argan oil.

2. Mature skin, Stretch marks at Peklat– mababawasan ang kulubot o wrinkles ng mukha at makakatulong sa regeneration ng skin cells dahil sa vitamins, antioxidant at fatty acids na meron sa rosehip seed oil.

3. Psoriasis, Eczema– dahil sa anti inflammatory properties nito, maraming tao ang gumagamit sa rosehip oil para natural na lunasan ang psoriasis at eczema.

4. Pampakinis– nakakatulong din ito na pakinisin ang balat dahil meron itong brigthening & softening effect at dahil din yan sa mga bitamina at mga fatty acids nito.

5. Eyebags– dahil sa brightening effect nito, maaari itong gamiting lunas sa eyebags at iba pang problema sa under eye.

Paano gamitin ang Rosehip Oil

Napakasimple ang paggamit ng langis na ito. Ipahid lang ang langis sa mukha o katawan na nangangailangan ng lunas at ganon din sa buhok. Iapply lang ito sa anit at buhok para lunasan ang pangangati at pagkatuyot ng buhok. Maaari ring gamiting regular sa iyong skin & hair care routine.

Maaaring gumawa ng eye o face cream, body lotion o hair cream o hair oil. Gamitin itong isa sa mga sangkap sa paggawa ng mga produkto. Pero kung gusto mo ng madalian o simplehan ang paggamit nito, maaaring gumawa ng pang all around na langis para sa iyong buhok at balat.

Paano gumawa ng Skin & Hair Rosehip Oil Serum

Sa paggawa nito, dagdagan natin ng sweet almond oil at Frankincense essential oil na napakarami ring benepisyo sa balat at buhok.

Mga Sangkap

  1. Rosehip seed oil 2 tablespoon
  2. Sweet almond oil 1 tablespoon
  3. Frankincense essential oil 6-10 drops
  4. Vitamin e 1 gel capsule o 0.5gram

Paraan ng paggawa

Paghaluin ito sa bote na de color at aluging mabuti. Pwede na itong gamitin sa buhok o balat. Maaari itong gamitin bilang day & night oil serum.

ROSEHIP OIL/ROSEHIP SEED OIL

INCI: depende sa variety ng Rosehip na ginawang langis.

Usage rate– 1%-100%

Solubility– insoluble in water

Color & Texture– unprocessed oil- red orange, processed/refine- pale yellow

Ginagamit sa– skin & hair

Benepisyo– anti inflammatory, antioxidant, fatty acids, linoleic acid, vitamins

Protective measures sa Paggamit– not to be taken internally

Storage– ilagay sa ref pagkatapos buksan.

Ano ang maaaring gawin sa Rosehip

Kung meron kang access sa rosehip, marami kang maaaring gawin dito. Ang rosehip ay hindi buong taon available, kaya mag harvest ng marami kung meron. Ipatuyo para merong supply sa panahon na hindi ito available. Sa prutas nito, makukuha mo ang mga benepisyong hatid sa kalusugang panlabas at kalusugang panloob.

Rosehip fruit na maaaring gawing langis, jelly, tea at extract.
  1. Tea– ang fresh o dry na rosehip ay maaaring gawing tsaa. Magpakulo lamang nito at inumin. Sa article ng Healthline binanggit ang mga benepisyong hatid sa pag-inom ng rosehip tea. Ilan lamang dito ang, pampalakas ng immne system, maaaring makatulong sa sakit na diabetes, arthritis, pagpapapayat. Ang tea ay maaari ring gamitin sa balat o buhok.
  2. Jelly o Jam– maaari ring gawing jelly o jam. Gumamit ng palm sugar para mas healthy.
  3. Oil infusion– ang oil infusion ay maaari ring gawin sa rosehip. Magagamit mo ang rosehip infused oil sa iyong balat at buhok.
  4. Extraction– maaari ring gawin ang extraction sa rosehip. Gamitin ang extract sa paggawa ng DIY Cosmetics. Maaaring gawin itong sangkap sa paggawa ng moisturizer, lotion, serum at iba pa.

Paano gumawa ng Rosehip Extract

Gumamit ng tuyong rosehip para mas matagal ang shelf life nito. Ipadaan sa coffee grinder o mortar & pestle para mapulbos ito o kahit coarse lang na texture. Maglagay ng rosehip sa garapon at lagyan ng solvent na napili para sa extraction. Haluin at takpan. Itabi ito ng ilang linggo at alugin o haluin araw-araw.

Pag katapos ng extraction process, salain ito gamit ang cheesecloth o muslin cloth. Ilagay ang extract sa de color na bote para mas tumagal ang shelf life.

Iba't ibang uri ng bote na lalagyan ng mga DIY cosmetics.

Gusto panoorin ang video sa paggawa ng rosehip extract?

Rose extract na gawa sa rosehip fruit. Gamit sa hair and skin care formulation sa DIY cosmetics

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *