April 22, 2024
Essential oil na nagmula sa pilipinas na may ibat ibang gamit at benepisyo

Gamit at Benepisyo ng Elemi Essential Oil

Sharing is Caring

Ang puno ng Canarium Luzonicum ay sinasabing nagmula sa ating bansa- Pilipinas. Mula sa pangalan niyang Canarium Luzonicum, maiintindihan nating nag mula ito sa Luzon. Sa dagta o sap ng puno ng canarium luzonicum nagmula ang elemi. Ang elemi essential oil ay maraming gamit at benepisyo. Ang essential oil na ito ay umaani na rin ng popularidad sa iba’t ibang bansa. Sa mga produktong pang skin care, ginagamit ang elemi essential oil sa paggawa ng pagpapaganda sa balat. Sa perfume industry, ginagamit din ito ng mga sikat na kumpanya sa kanilang mga pabango. Sabi nga raw, ang estee lauder, chanel at iba pang branded perfume companies ay gumagamit ng elemi essential oil.

Ang elemi essential oil ay mula sa gum o resin gamit ang steam distillation. Para makagawa ng resin, susugat sugatan ang puno ( o bark ) para palabasin ang dagta o katas. Patutuyuin at ito na ang iproproseso gamit ang steam distillation.

Gamit ng Elemi essential oil

  1. Skin
  2. Perfume o pabango
  3. Natural na lunas
  4. Aromatherapy
  5. Massage
  6. Meditation

Benepisyo ng Elemi Essential oil sa Balat

  1. Anti-aging– dahil sa anti-aging properties nito, makakatulong ito sa pagbabawas ng wrinkles o pagkulubot ng balat, mga tinatawag na dark spots sa ingles, ginagawa nitong firm o pinapatibay ang balat.
  2. Dry o oily skin– kung dry o oily skin naman ang iyong balat, nakakatulong ang elemi essential oil para i balanse ito at gawing normal skin type ang iyong balat.
  3. Scar o peklat– sa middle east at europe, ang elemi essential oil ay tradisyunal daw na ginagamit bilang lunas sa mga problema sa balat dahil sa anti-inflammatory properties nito at nakakatulong na mabawasan o maiwasan ang peklat.

Kung gumagawa ka ng sarili mong skin care products, pwede mo itong gawing sangkap sa paggawa ng;

  1. Lotion, cream, moisturizer
  2. Serum o face oil
  3. Deodorant
  4. Hair care products
  5. Salve o balm

Paggamit ng Elemi essential oil sa paggawa ng pabango o perfume

Ang elemi essential oil ay ginagamit sa paggawa ng pabango. Kung notes sa paggawa ng pabango, ito ay nasa middle note at pwede rin base note. Maganda itong ihalo sa ibang essential oil gaya ng lemon, rose, lavender, rosemary, sage, cedarwood.

Mga DIY perfume gamit ang essential oils at spices & herbs.

Kung curious ka kung anong amoy ng elemi essential oil, lemony at peppery at medyo woody.

Paggamit ng Elemi essential oil bilang natural na lunas

Ang mga essential oils ay ginagamit bilang natural na lunas sa mga karamdaman dahil sa medicinal properties nito. Ang elemi essential oil ay sinasabing may antifungal properties, analgesic properties, antibacterial properties at expectorant din. Pwede mo itong i-apply sa balat kung may fungal infection. Kung may lagnat o sipon o ubo naman, maaaring mag steam inhalation o mag hot compress.

Benepisyo ng Elemi essential oil sa aromatherapy

Sa aromatherapy, and elemi essential oil ay ginagamit dahil sa calming benefit nito. Mahahalintulad ito sa lavender essential oil na kadalasang ginagamit para mabawasan o maiwasan ang anxiety na nararamdaman ng isang tao. Hindi mo na kailangan pang pumuntang spa para makapag aromatherapy gamit ang elemi essential oil. I-diffuse mo ito at magrelax sa panahon na nakakaramdam ng stress sa buhay.

Essential oil diffuser na humidifier para sa aromatherapy na maaaring gawin sa bahay para mag relax

Benepisyo ng Elemi essential sa pagmamasahe

Pwede mo ring magamit sa pagmamasahe ang langis na ito para magbenepisyo ang katawan at isipan sa elemi essential oil. Ihalo ito sa langis o carrier oil na gustong gamitin at gamitin ito sa pagmamasahe. Nakakatulong ito na mapawi ang sakit ng katawan at kasukasuan.

Benepisyo ng Elemi essential oil sa Meditation

Sa meditation, ginagamit ang elemi essential oil para sa root at crown chakra. Pinaniniwalaang ito ay magbibigay ng clarity sa iyong isipan at gamit din for grounding.

Maaari mo itong i-diffuse bago mag meditate o habang nagme-meditate.

Paano gumawa ng face oil gamit ang Elemi essential oil

Ang pinakasimpleng produktong maaari mong gawin ay ang paggawa ng face oil o serum.

Mga sangkap sa paggawa ng simpleng Elemi Face Oil

  1. Jojoba oil- 5g
  2. Elemi essential oil- 2 drops

Paraan ng paggawa ng Elemi face oil.

1.Sa isang brown bottle, lagyan ito ng 5 grams ng jojoba oil.

2. Lagyan ng dalawang patak.

3. Takpan at alugin.

Maaari mo ring dagdagan ng vitamin e ang face oil for added benefits sa balat at bilang anti-oxidant narin kung maramihan ang gagawin. Hindi ko na nilagyan ng vitamin e ang face oil dahil ito ay nasa 5 grams lang naman.

Kung sa iyong pandama ay mabigat ang nagawang elemi face oil sa mukha, o ito ay oily, maaari mong lagyan ng coco caprylate o isopropyl myristate. Pero sa tingin ko ay hindi na ito kakailanganin pa dahil ang jojoba oil ay madaling ma-absorb ng balat. I-assess mo ang balat baka kailangan mo lang mag scrub. Maaaring maraming dead skin cells kaya nahihirapang mag absorb ng pinahid na face oil.

Ready na ang Elemi Face Oil

Homemade o DIY na face oil gawa sa jojoba oil at elemi essential oil.
YOUTUBE VIDEO coming soon

Ang essential oil ay hindi pinapahid sa balat na undiluted o hindi hinaluan ng carrier oil o fixed oil o vegetable oil. Kaya bago ipahid ang elemi essential oil o ano mang essential oil, i-dilute muna ito. At bago gamitin ito, magsagawa muna ng patch test o skin test para malaman kung ikaw ay allergic ito o hindi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *