April 22, 2024
Benepisyo ng evening primrose oil

Mga Benepisyo Evening Primrose oil sa Balat at Buhok

Sharing is Caring

Maraming benepisyong hatid ang evening primrose oil sa kalusugang panloob at panlabas. Dahil diyan kaya marami kang makikitang mga oral supplement ng langis na ito at mga produktong gamit sa balat at buhok na may sangkap na evening primrose oil. Ito nga raw ay tinatawag na ¨king’s cure oil¨ dahil sa mga benepisyong hatid. Mga benepisyong hatid na nararapat sa mga hari at reyna.

Sa tradisyon, maraming pinanggagamitan ang halamang evening primrose dahil sa benepisyo nitong hatid. Ang bulaklak, dahon, ugat, at buto raw nito ay ginagamit bilang natural na lunas sa mga nararamdamang sakit. Halimbawa, ginagawang panapal ang mga dahon o bulaklak nito para sa rayuma. Meron din gumagamit ng tsaa ng ugat para sa menopause o sakit sa tiyan at iba pa.

At kung ang langis naman ang pag-uusapan, marami kayong makikitang oral supplement niyan dahil sa magandang benepisyo nito sa katawan. Ginagamit itong alternatibo sa lunas ng mga sakit. Pero ayon sa ncbi, ang mga claims ng produktong ito na makakalunas ng iba’t ibang uri ng sakit sa katawan ay kulang pa raw sa ebidensya kung ito ay epektibo nga ba.

Pero pag-usapan natin ang benepisyo ng evening primrose oil sa balat at kutis. Bakit nga ba ito ginagamit sa paggawa ng skin and hair care products ng mga kumpanya sa mundo ng beauty industry.

Benepisyo ng Evening Primrose Oil sa Balat at Buhok

Ang sinasabing pangunahing constituents ng evening primrose oil ay meron itong omega 6 at omega 9, stearic acid at palmitic acid. Ito ay makakatulong sa kalusugan at kagandahan ng ating balat at kutis.

1.Benepisyo ng Linoleic acid at Gamma linoleic acid o Omega 6 sa Balat at Buhok

a. Meron itong anti-inflammatory properties– mainam daw ito sa may acne, eczema, dermatitis at iba pang sakit sa balat. Sa anit naman, kung nakakaramdam ng pangangati dahil sa balakubak, makakatulong ang pagpapahid ng langis sa inyong anit.

b. Moisturize– may abilidad itong i-moisturize ang balat at buhok.

c. Anti-aging– nakakatulong sa elasticity at pagpapalambot ng balat

d. Hair growth– nakakatulong din ito sa pagpapatibay at pagpapatubo ng buhok. Maaari mong pahiran ng evening primrose oil ang iyong anit sa gabi bago matulog para maiwasan ang paglalagas ng buhok . Maaaring makayanan nitong natural na lunasan ang problema sa pagkapanot.

2. Benepisyo ng Palmitic acid sa balat at buhok

Ang palmitic acid ay meron din emollient properties na nakakatulong na palambutin ang dry hair, dry scalp at dry skin.

3. Benepisyo ng Oleic acid sa balat at buhok

a. Benepisyo ng oleic acid sa balat– dahil sa antioxidant properties ng oleic acid, nakakatulong ito sa balat na idelay ang signs of aging kagaya ng wrinkles o kulubot, age spots o dark spots.

b. Benepisyo ng oleic acid sa buhok– may kakayahan ito sa pagtanggal ng dandruff o balakubak sa anit.

4. Benepisyo ng Stearic acid sa balat at buhok

Ang stearic acid ay may cleansing properties. Nakakatulong ito sa pagtanggal ng dumi at sobrang sebum sa balat at buhok. At bukod sa cleansing properties nito, meron din itong conditioning properties na nakakatulong na palambutin ang dry skin o dry hair. Kaya sa paggawa ng sabon gamit ang sodium o potassium hydroxide, magandang magdagdag ng stearic acid sa mga sangkap na gagamitin.

Ang evening primrose oil ay magandang gamitin sa formulation ng mga skin care products para sa mature skin. Kadalasan mong makikita sa packaging ng mga face cream, nilalagay nila sa label ay “rejuvenating”. Meron ding mga oil serum na may sangkap na evening primrose oil at isa yan sa mga napakadaling skin care product na maaaring gawin sa bahay. Ang kadalasan kong ginagawang oil serum ay may 4 na sangkap lamang.

Paano gumawa ng Evening primrose oil Serum

Mga sangkap sa paggawa ng evening primrose oil serum:

  1. Fractionated coconut oil- 20g
  2. Evening primrose oil- 7.5g
  3. Coco caprylate- 0.9g
  4. Vitamin e- 0.6g

Paraan ng paggawa ng evening primrose oil serum:

1.Sa isang brown bottle, paghaluin ang fractionated coconut oil, evening primrose oil, coco caprylate at vitamin e.

2. Alugin o haluing mabuti para masigurong incorporated ang lahat ng mga sangkap lalo na ang vitamin e na medyo malapot ang consistency.

3. Meron ka ng DIY evening primrose oil serum.

Panoorin ang Youtube video

Ganyan kasimple 🙂

Maaaring gumamit ng ibang langis. Kung wala kayong fractionated coconut oil o kaya ay hindi ninyo hiyang ang langis na ito, gumamit ng ibang langis na hiyang sa inyong balat. Maraming iba’t ibang uri ng carrier oil diyan na pagpipilian. Pwede rin ninyong mas damihan yung sukat ng evening primrose oil.

Iba't ibang uri ng Carrier oils o Fixed oils na ginagamit sa pag dilute ng essential oils

Maaari rin kayong magdagdag ng essential oil. Kung kayo ay nasa 40 anyos pataas na, pumili ng mga essential oil na kagaya ng ginger essential oil, frankincense essential oil, rose essential oil, elemi essential oil at iba pang essential oil na bagay sa may matured skin.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *