April 22, 2024
Castor oil na gamit sa paggawa ng mga skin and hair car products.

Gamit at Benepisyo ng Castor oil sa kalusugan, Balat at Buhok

Sharing is Caring

Sa ancient Egypt, ang castor oil daw ay ang langis na ginagamit nila sa kanilang lampara at ginagamit sa paggawa ng mga herbal na pamahid o salve. At kung si Cleopatra naman, ginagamit daw nito ang castor oil sa kanyang mata para ang puti ( Sclera ) ay maging malinaw o pumuti. Hindi na bago ang castor oil sa atin, kilala natin ito. Pag problema sa buhok at manipis na eyelashes o eyebrow-Castor oil ang sagot dito. Marami pa itong gamit at benepisyo sa kalusugan, balat at buhok bukod sa manipis na buhok, eye lashes at eyebrow.

Ang castor oil ay mula sa buto ng halamang ricinus communis. Ang outer layer ng buto nito ay sinasabing naglalaman ng enzyme na tinatawag na RICIN isang toxin na kung nakain o nalanghap mo ay maaaring mong ikamatay. At ayon nga sa webmd, nagkaroon nga raw ng pagsusulit sa paggawa ng chemical warfare agent gamit ang ricin.

RELAX!

Sa extraction o pagkuha ng langis, tinatanggal ang outer layer ng bean na naglalaman ng ricin.

Gamit at benepisyo ng Castor oil sa Kalusugan

1. LAXATIVE– ito ay epektibo raw na laxative. Maraming nagsasabi na immediate o agaran ang epekto nito kung ginagamit nila para lunasan ang constipation. Tinatawag itong stimulant laxative dahil pinapabilis nito ang galaw ng intestine para mapalabas ang dumi.

Pero huwag maging dependent sa castor oil o iba pang mga laxative diyan para lunasan ang constipation. Isang daang % lunas parin ang pagkain ng mga gulay na mayaman sa fiber, uminom ng maraming tubig at mag exercise. Maaari ring uminom ng tsaa ng iba’t ibang uri ng spices & herbs na may laxative effect para lunasan ang constipation o hirap maka pagbawas. Ang isang halimbawa diyan ay ang luya.

2. Anti-inflammatory at antifungal properties– ito ay may ricinoleic acid, oleic acid, linoleic acid. Maraming claims na ito ay makakatulong sa problema sa balat kagaya ng psoriasis at eczema.

3. Emollient– pinapalambot nito ang dry skin. Kaya maganda itong gamitin sa labi, kamay, sakong na kung saan ay kadalasang nagiging dry at nagkakaroon ng kalyo. Kung gagawa ng lipstick o lipbalm, foot cream, hand cream, magandang gamitin ang castor oil na isa sa mga sangkap na langis.

Lipstick na gawa DIY, homemade o gawa sa bahay gamit ang simpleng paraan at simpleng mga sangkap o ingredients

DIY lip balm base na gawa sa ibat ibang uri ng langis at wax

4. Hair, eyelashes, eyebrow– may kakayahan itong patibayin ang buhok, eyelashes at eyebrow para maiwasan ang paglagas. Kaya kung mapapansin ninyo, pagdating sa mga produktong ginagamit sa buhok, eyelash at eyebrow ay meron itong sangkap na castor oil. Maaari mong gamiting parang hair mask ang castor oil sa iyong buhok para lunasan ang paglalagas o pagkapanot nito. I-apply lang ang castor oil sa anit, imasahe at pabayaan ng at least 30 minutes tapos ay maligo. Mas maganda kung ibabad ito overnight.

Sobrang pagkalagas ng buhok. Mga natural na lunas sa paglalagas o pagkapanot ng buhok.

Maaari ka ring gumawa ng eyelash o eyebrow serum para gamiting pampakapal ng eyelashes o eyebrow.

Natural na lunas sa manipis na kilay at pilik mata. Mga langis na pampakapal at pangpahaba.

Bukod diyan, ang castor oil ay isa rin sa mga langis na maaari mong gamiting isa sa mga natural na lunas sa balakubak o dandruff at may kakayahan din itong palambutin ang dry hair.

5. Soapmaking– maaari mo rin itong gamitin sa paggawa ng sabon. Ang magandang benepisyo ng castor oil sa paggawa ng sabon ay nagbibigay ito ng stable na bula at creamy. May luxurious feel- sabi nga sa ingles. Bukod diyan, very moisturizing din ang kakalabasan ng sabon na ginawa gamit ang castor oil.

6. Vaporub– kung ikaw ay kagaya ko na diskumpiyado at ayaw gumamit ng petroleum jelly, maaari kang gumawa ng homemade vaporub na parang vicks na petroleum free. Dahil sa sticky & thick ang consistency ng castor oil, maganda itong gamiting sangkap.

Paraan ng paggawa ng homemade o DIY vaporub na parang vicks.

7. Stretch marks at Peklat– dahil sa ricinoleic acid nito, makakatulong daw ito na maiwasan at mabawasan ang stretch marks at peklat. Madali lang gamitin ang castor oil sa balat. Maaari mong i-apply lang ang castor o gumawa ng mga cream o lotion na magagamit mo sa iyong kutis.

Paano gamitin ang Castor oil sa Stretch marks at Peklat

Sanhi ng stretch marks o striae

Magpainit lamang ng castor oil at ito ang ipapahid sa parte ng balat na may stretch marks o peklat. Imasahe ito ng ilang minuto. Gawin ang proseso dalawang beses sa isang araw. Gamitin ang castor oil sa sugat na patuyo na at hindi sa fresh wound. Maaari ring gumawa ng castor oil pack, o gumawa ng balm o lotion.

8. Age spots at wrinkles– marami ring gumagamit nito para lunasan, bawasan o i delay ang signs of aging kagaya ng age spots at wrinkles.

9. Castor oil pack– ang castor oil pack ay ginagamit na natural na lunas sa frozen shoulder, muscle pain, joint pain, fibroids, dysmenorrhea, tumor at cyst, sakit sa tiyan, stretch marks, peklat at pang detoxify ng liver o atay.

Ano ang CASTOR OIL PACK

Ang castor oil pack ay ginagamit para natural na lunasan ang mga sakit na nabanggit sa taas. Ang castor oil ay may 90% ricinoleic acid. Ito ay may anti inflammatory properties, analgesic properties, pinapaganda ang sirkulasyon ng katawan at may detoxifying effect din daw. Ang ricinoleic acid na meron sa castor oil ay hinihikayat daw na paganahin ang enerhiya ng kemikal sa loob at labas ng katawan na siyang dahilan ng detoxifying effect.

Paano gawin ang CASTOR OIL PACK

Mga kasangkapan ng castor oil pack

  1. Castor oil
  2. 2 Cotton flannel, at least 5 inches X 8 inches at isang mas malaking tela sa unang nabanggit.
  3. Hot water bottle/bag o electronic heating pad
Mga gamit o kasangkapan sa paggawa ng castor oil pack.

Paano gawin ang Castor oil pack

  1. Magpainit ng castor oil. Painitin ito sa temperatura na kaya ng iyong balat.
  2. Magpainit din ng tubig kung gagamit ng hot water bottle/bag.
  3. Pag mainit na ang castor oil, ibabad dito ang cotton flannel na may sukat na 5 X 8 inches. Pigain ang tela kung sobra sa langis.
  4. Ilalapat ang tela na nababad ng castor oil sa parte ng katawan na nangangailangan ng lunas.
  5. Takpan ng isa pang tela at ipatong ang hot water bottle/bag o ang electronic heating pad.
  6. Pabayaan ito ng at least 30 minutes. Mag relax 🙂

Huwag gagawin ang castor oil pack kung kayo ay buntis. Isipin rin na ito ay supplement lamang at hindi primary treatment ng inyong karamdaman. I-balanse ang natural medicine at conventional medicine. Kung may nararamdaman sa katawan, magpa konsulta sa inyong doctor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *