April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng Citronella essntial oil.

Iba’t ibang Gamit sa Citronella Essential Oil

Sharing is Caring

Ang halamang citronella ay pinsan ng lemongrass, galing sila sa pamilya ng halamang tinatawag na poaceae. Ang pagkakaiba ng lemongrass at citronella ay ang kulay nito. Ang kulay ng stem ng citronella ay reddish.Ang halamang citronella ay pinapadaan sa prosesong distillation para makuha ang langis nito. Ang citronella essential oil ay isa sa mga abot kayang essential oil na maaaring mabili. Magagamit mo rin ang essential oil na ito sa iba’t ibang paraan.

Iba’t ibang Gamit ng Citronella Essential Oil

1.AromatherapyРmagagamit mo ito sa aromatherapy. Maaaring i-diffuse ito kung gustong gamitin sa aromatherapy. Makakatulong ito sa depresyon dahil ito ay may ¨uplifting effect¨. Sa panahon na negative ang outlook sa buhay, maaari ring gamitin ang essential oil na ito para maibsan ang negativity.

2. Natural na lunas– ang citronella essential oil ay may antibacterial, antifungal, analgesic at deodorizer. Kung meron ka nito, magagamit mo itong lunas sa sakit ng katawan, sakit ng ulo. Kung may problema naman sa acne, maaari rin itong gamitin. Magagamit din ang citronella essential oil para sa mga problema sa balat na sanhi ng fungi o bacteria.

3.Skin & hair care– sa skin and hair care, magagamit mo ito sa paggawa ng mga DIY Cosmetics. Ang citronella essential oil ay astringent, kung may problema sa pores, makakatulong ang citronella dito.

4. Insect repellant– pagdating sa natural na insect repellant, citronella ang sikat diyan at ito ang tradisyonal na gamit sa langis o ng halaman nito.

Paano gamitin ang Citronella essential oil

Ang basic sa paggamit ng mga essential oil ay ang ihalo ito sa carrier oil. Ang mixture nito ay ipapahid sa balat, anit o buhok, sa parte ng katawan na nangangailangan ng lunas.

MGA SANGKAP

  1. Langis o carrier oil na gustong gamitin 10 ml
  2. Citronella essential oil- 1-2 drops.

PARAAN NG PAGGAWA

Paghaluin ang mga sangkap sa isang de color na bote. Aluging mabuti. Maaari ng gamitin.

Para naman sa ayaw sa likido, maaari itong gawing solid.

PAANO GAWIN: Citronella Essential Oil Balm

Ilagay sa isang heat resistant na mangkok ang 10 grams castor oil, 1/2 gram beeswax sa hot water bath. Hanguin pag ito ay tunaw na. Haluing mabuti. Pag bumaba na ang temperatura, ilagay ang 1 vitamin e gel capsule at 3-5 drops ng citronella essential oil.

Kung napansin nyo, castor oil ang ginamit ko dito. Ang castor oil ay sticky o may malapot na texture. Tumatagal ito sa balat at parang a-akto itong protective barrier.

Ito ay ginagamit kong pamahid sa mga kagat ng insekto kagaya ng lamok. Nakakatulong din itong maibsan ang kati na dulot ng kagat.

Paano gawing insect repellant spray ang citronella essential oil

Gawa tayo ng simple at basic na insect spray.

Mga Sangkap para sa paggawa ng 50 ml insect spray.

  1. Distilled water 28 ml
  2. Alove vera leaf juice/extract 20 ml
  3. Vegetable glycerin 1.5 ml
  4. Citronella essential oil 10-15 drops
  5. Preservative– 2 drops

Sa isang bottle spray, ilagay ang mga sangkap. Alugin at maaari na itong gamitin. Parating alugin bago gamitin dahil walang tayong ginamit na solubilizer o emulsifier dito.

Maaari ring magdagdag ng eucalyptus essential oil. Ito ay isa ring magandang insect repellant.

Kung hindi gagamit ng preservative, ilagay ang DIY insect repellant spray sa ref para umabot ng at least 1 week.

Kung wala namang essential oil pero meron kayong halaman, pakuluan ang halamang citronella. Ilagay ang tsaa nito sa bottle spray at ito ang i-spray sa balat.

Gabay sa Paggamit ng Citronella Essential Oil

INCI– Cymbopogon nardus/Andropogon nardus

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit

Solubility– insoluble in water

Note/Accord– middle and heart notes

Color & Texture– pale, light to dark yellow

Ginagamit sa– aromatherapy, massage, perfume, DIY hair & skin care

Benepisyo– analgesic, antibacterial, antifungal, deodorizer, repels flying insect

Spiritual & Magical use– purification, love, friends, prosperity

Protective measures sa Paggamit– mag patch test bago gamitin, i-dilute sa carrier oil bago gamitin. Bawal gamitin ng buntis at may epilepsy.

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw

Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Kung walang mabiling authentic na citronella essential oil pero meron kayong halaman, maaari kayong gumawa ng citronella oil sa pamamagitan ng proseso ng oil infusion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *