April 22, 2024
Mga benepisyo at gamit ng beeswax

Ano ang benepisyo at gamit sa beeswax

Sharing is Caring

Ang beeswax ay nanggaling sa mga bubuyog. Ito ay nagmula sa gland ng isang babaeng bubuyog na tinatawag na worker bee sa kanilang kaharian. Worker bee dahil sila ang halos taga gawa ng lahat- at isa nga diyan ang magpalabas ng wax. Dahil sila lang ang may ¨wax producing gland¨, sila lang ang may kakayahang gumawa nito.

Maraming benepisyo at gamit sa beeswax, at napakinabangan ang mga benepisyong yan noong unang panahon. Pagdating sa paggawa ng cosmetic, ang beeswax ang pinakamatandang gamit na sangkap.

Benepisyo at paggamit ng beeswax sa panahon ng Ancient Egypt

Ayon sa article ng motherearthliving, ang beeswax ay ginamit ng mga ancient egyptians sa maraming paraan. Ito raw ay isang mahalagang bagay sa kanila dahil sa napakaraming gamit nito. Ginamit ang beeswax sa mummification, pag-embalsamo ng kanilang mga yumao. Ginamit din ang beeswax para maprotektahan ang mga papel na ginamit nila sa pagsusulat, kagaya ng papyrus. Ginamit din daw ng mga ancient egyptians ang beeswax sa kanilang paggawa ng cosmetics, at isa lang dito ang paggawa ng mga pabango.

Ancient egypt pyramid sa sinaunang panahon ng ehipto

Ayon sa article ng researchnet, ginamit din ang beeswax sa larangan ng medisina. Si Galen halimbawa ay gumamit nito sa kanyang mga pangpahid. At nirekomendang isa itong medisina ng doktor sa Iran na si Avicenne.

Mahaba-haba pa ang kasaysayan ng paggamit ng beeswax ng mga taong nauna sa atin. Isa lamang itong patunay na ang beeswax ay maraming benepisyo at gamit.

Ano ang benepisyo at gamit sa beeswax

Kung ang honey ng mga bubuyog ay maraming benepisyo at gamit, ganon din ang kanilang ”wax”. Importante itong sangkap ng mga herbalist, mga taong gumagawa ng sariling beauty products at mga cosmetic companies.

At kung papansinin nyo, sa mga ointment o balm, mababasa nyo na ang isa sa mga wax na ginagamit ay beeswax. Ibig lamang sabihin nito, isa itong mahalagang sangkap.

Ang mga gamit sa beeswax

Ang beeswax ay ginagamit sa mga cosmetic products

  1. Lip balm- tignan ang simpleng paraan ng paggawa ng lipbalm sa ibaba.
  2. Lip mask– maaaring gumawa ng basic o i level up 😉
  3. Lotion
  4. Cream
  5. Sabon/soap
  6. Make-up
  7. Pomada
  8. Hair cream
  9. Foot cream
  10. Deodorant
  11. Preservative– sa paggawa ng sarili mong skin care products, makakatulong ang beeswax na mapatagal ang shelf life ng ginagawa mong produkto. Maaaring tumagal ang gawa mong produkto gamit ang mga natural na sangkap ng ilang buwan.

Ang beeswax ay ginagamit din sa paggawa ng herbal na medisina

  1. Balm
  2. Ointment/salve

Ang mga benepisyo ng beeswax

  1. Anti-inflammatory properties at antibacterial properties– kaya ito ay madalas na ginagamit sa mga ointment, balm.
  2. Humectant– ang beeswax ay humectant, ibig sabihin, ito ay may abilidad na mag-absorb ng moisture. Kaya kadalasan sa paggawa ng mga lip products, beeswax ang gamit. At ginagawang substitute din ito sa petroleum jelly.
  3. Natural na emollients– ang beeswax ay hindi lang ginagamit sa mga cosmetic products para sa pagpapatigas ng mga liquid na sangkap, ito ay ginagamit dahil ito may may natural emollient. Nagpapakinis, nagpapalambot at nagbibigay ng ginhawa kung ang balat ay may inflammation.
  4. Vitamin A– ito ay puno ng vitamin A na makakatulong sa ating balat.
  5. Protectant– ang beeswax ang nangunguna na sangkap sa paggawa ng lipbalm. Ang beeswax ay parang umaastang barrier ng iyong kutis mula sa mga pinsala. Halimbawa, sa hangin, sa sobrang init o lamig.

Mga uri ng Beeswax

May mga uri ng beeswax na makikita mong binebenta. Meron dilaw , minsan darker o lighter ang pagkadilaw, At meron ding puti ang kulay. Tanungin ang supplier o nagbebenta nito kung saan galing at kung ano ang paraan ng pag-ani ng wax. Ito ay para masiguradong hindi ka bumibili ng hindi natural o synthetic. Dahil sa panahon ngayon, halos lahat ata ng mga bagay ay nagagawan na ng paraan para maka gawa ng peke.

Paano gumawa ng simpleng lip balm gamit ang beeswax?

Ang simpleng paraan ng paggawa ng DIY lip balm gamit ang beeswax. Mga iba't ibang uri ng paggamit ng lip balm.

Gawa tayo ng simpleng (DIY) lipbalm gamit ang beeswax. Gagamit lang tayo dito ng 2-3 sangkap.

Mga kailangan sa paggawa ng lipbalm gamit ang beeswax

Beeswax 1/2 teaspoon

Coconut oil; extra virgin 1 tablespoon

Vitamin e gel cap 1

Container

Mga benepisyo at gamit sa langis na extra virgin coconut oil
Ang mga benepisyo ng vitamin e sa kutis, buhok, at kuko

Paraan ng paggawa ng lipbalm gamit ang beeswax

Step 1 – magpakulo ng tubig sa kaldero.

Step 2– habang hinahantay kumulo ang tubig, pilasin ang beeswax sa maliliit na piraso gamit ang gunting, cheese shredder o kutsilyo. Ilagay ito sa heat resistant na mangkok kasama ang extra virgin coconut oil. Pag ito ay kumulo na, ilagay ito sa improvised double boiler at antaying matunaw ang wax.

Step 3– hanguin ang beeswax at extra virgin coconut oil sa apoy pag ito ay natunaw na.

Step 4– kapag ang mangkok o bowl ay ”warm to touch” na, ihalo ang vitamin e gel capsule.

Step 5– habang ang mixture ay hindi pa nagiging solid, ilagay ito sa container. Maaaring palamigin ito sa refrigerator. Magiging solid ito ng ilang minuto lamang.

Di ba simple lang ang paggawa ng lip balm? Kung gusto mo ng level up at i-try ang iba’t ibang uri ng langis, maaari ring gawin ito. Maaari nyo ring lagyan ng kulay, scent at iba pang sangkap na makakatulong pa sa nourishment ng iyong labi.

Maaari rin kayong gumamit ng iba pang uri ng wax sa paggawa ng lipbalm. Marami kayong pagpipilian diyan.

Maaaring gumawa ng base ng lip balm tapos i customize ito.

Gabay sa paggawa ng DIY Lip Balm gamit ang beeswax

Ang dami ng beeswax ay nakadepende sa temperatura ng iyong lugar. Maaaring magbawas kung nasa malamig kang lugar, o magdagdag naman kung nasa mainit kang lugar. Nakadepende sa inyong pangangailangan ang dami ng beeswax na inyong ilalagay. O depende sa consistency na gusto mo. At uulitin ko ulit, yang ang maganda o benepisyo ng paggawa ng sariling (DIY) Beauty Products, kontrolado mo ang mga sangkap nito.

Sa paggamit naman ng oil (carrier oil), maaaring gumamit ng ibang klase depende sa iyong gusto o pangangailangan. Maaaring gumawa ng mixture ng iba’t ibang uri ng langis. Maaari ring dagdagan ng essential oils o aroma oil ito.

Ang nabanggit na paggawa ng simpleng lipbalm ay isa lamang simpleng recipe. Maaari mong laruin ang mga sangkap na gusto mong ihalo. Pero para sa isang nag-uumpisang gumawa ng sariling personal care products, mag umpisa sa mga simpleng sangkap. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *