February 23, 2024
Candelilla wax na ginagamit sa mga skin care products, make up, lipstick, lip balm at lip gloss.

Ano ang gamit ng Candelilla Wax

Sharing is Caring

Ang candelilla wax ay isa lamang sa maraming iba’t ibang uri ng wax na ginagamit sa medisina at personal care products including makeup at lipstick. Ang mga waxes ay may iba’t ibang characteristics kaya dapat mo ring malaman ang importansiya nito sa paggawa ng mga produkto. Sa pharmaceutical industry, ang candelilla wax ay ginagamit bilang glazing at binding agent ng mga gamot na tabletas. Kung makikita mo naman ang candelilla wax sa iyong personal care products, ito ay ginamit sa produkto para sa consistency ng ginagawang emulsion, pagpapatigas at nagbibigay ng gloss sa lipstick o lip gloss, lipbalm, balm, ointment, o salve.

Pero ang candelilla wax ay may benepisyong hatid din sa ating balat bukod sa pag enhance ng texture ng mga produktong nabanggit sa taas.

Mga benepisyo ng Candelilla wax sa balat

  1. Nagbibigay ng proteksyon sa balat
  2. Nagpapalambot ng balat
  3. Nakakatulong na mabawasan ang stretch marks
  4. Antiaging

Usage rate sa paggamit ng Candelilla wax

Ang usage rate sa paggamit ng candelilla wax ay depende sa produktong gagamitin.

HALIMBAWA

  1. Hair conditioner- 1-3 percent
  2. Hair cream- 3-8 percent
  3. Balm- 20-25 percent
  4. Cream- 5-10 percent
  5. Deodorant- 1-20 percent
  6. Eyeshadow- 3-15 percent
  7. Powdered makeup- 3-10 percent
  8. Mascara- 3-25 percent
  9. Lipstick- 20-30 percent
  10. Lip gloss- 5-10 percent

Ang percentage ay guide lamang, siempre kung gagamit ng iba pang wax o emulsifying wax sa produktong ginagawa, ang percentage na nabanggit ay bababa.

Ang candelilla wax ay paborito kong ginagamit sa paggawa ng lip gloss dahil sa nagbibigay nga ito ng shine at gloss sa produkto.

Ito ang simple, madaling gawin at basic na paggawa ng lip gloss gamit ang candelilla wax.

Paano gumawa ng BASIC LIP GLOSS gamit ang Candelilla Wax

Mga sangkap

PARA SA BASE

  1. Castor oil– 18.4 grams
  2. Cupuacu butter- 1 gram
  3. Candelilla wax- 0.4 gram
  4. Vitamin e- 0.2 gram

PARA SA KULAY: Basic Lipgloss

Colored Mica: frosted red. Gumamit ng gusto ninyong kulay para sa gagawing basic lip gloss.

Iba't ibang uri ng colored mica na ginagamit sa paggawa ng makeup

Paraan ng paggawa

1. Pagsamahin ang lahat ng sangkap na wax, butter at castor oil. Ipainit ito hanggang sa matunaw.

2. Tanggalin sa apoy at haluing mabuti.

3. Ilagay ang vitamin e pag bumaba ang temperatura sa 40 deg celsius. Haluing mabuti. Kung gagamitin agad ang base sa paggawa ng lip gloss, huwag na munang lagyan ng vitamin e.

4. Para sa LIPGLOSS

Kumuha ng 5.7 grams na nagawang base at lagyan ito ng 0.3 gram ng mica na gagamitin. Ipainit. Tanggalin sa init kung incorporated na ang kulay.

5. Lagyan ng vitamin e pag nasa 40 deg celsius na ang temperatura.

6. Ilagay sa lip gloss container ang DIY Basic Lip gloss.

Basic Lip gloss na may candelilla wax na gawa sa bahay
Panoorin ang VIDEO

Paano gumawa ng Lip balm gamit ang Candelilla Wax

Mga sangkap

  1. Candelilla wax- 1 kutsarita
  2. Shea butter- 2 kutsarita
  3. Cocoa butter- 1 kutsarita
  4. Extra virgin coconut oil– 4 na kutsarita
  5. Aroma oil- 3 drops

Paraan ng paggawa

1.Ihalo sa heat resistant container ang candelilla wax, shea butter, cocoa butter, extra virgin coconut oil.

2. Ipainit ang mga sangkap hanggang sa matunaw.

3. Tanggalin sa apoy.

4. Haluing mabuti ang mga natunaw na sangkap.

5. Ilagay ang aroma oil.

6. Ibuhos sa lip balm container na gagamitin.

Kung maglalagay ng vitamin e sa produktong DIY, siguraduhin lamang na nasa 40 degrees centigrade or below ang temperatura bago lagyan ng vitamin e bilang antioxidant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *