April 22, 2024
DIY lip balm base na gawa sa ibat ibang uri ng langis at wax

Paano gumawa ng Base ng Lip Balm

Sharing is Caring

Ang lip balm ay ginagamit para bigyan ng nourishment o protection ang ating labi mula sa hangin, lamig at pati rin sa araw. Napakadali lang kung paano gumawa nito. Ang aking tinatawag na base ng lip balm ay lip balm na mismo. Pwede na ninyong ilagay ito sa container. Pero kung gusto nyong i-customize para mas exciting ang lip care products nyo, ito ang gawing base sa mga gagawing lip balm.

Ang lip balm base na aking ginawa ay ginamitan ng iba’t ibang uri ng langis at beeswax. Ang mga langis na ito ay makakatulong sa nourishment ng labi at tumatayo rin proteksyon mula sa sinag ng araw, hangin o lamig.

Sangkap sa paggawa ng base ng lip balm

  1. Castor oil 25 grams
  2. Shea butter 5 grams
  3. Extra virgin coconut oil 5 grams
  4. Extra virgin olive oil 4 grams
  5. Camelina oil 4 grams
  6. Beeswax 7 grams

Paraan ng paggawa ng base ng lip balm

  1. Paghaluin ang lahat ng langis at beeswax at tunawin ito. Siguraduhin na ang beeswax ay tuluyang tunaw bago hanguin sa apoy.
  2. Pag ito ay tunaw na, haluin itong mabuti hanggang sa ito ay nasa room temprature na.
  3. Ilipat ang diy lip balm base sa isang container.

Paano gamitin ang base ng lip balm

Meron ka ng lip balm base na maaaring gamitin pag gumawa ng DIY lip balm. Maaari mo itong i-customize sa nais mo. Halimbawa; maaari mo itong lagyan ng flavorings at kulay. Pag gagamit ng essential oil, gumamit ng safe sa labi. Pwedeng gumamit ng peppermint, spearmint, orange, at iba pang essential oils. Pwede ring gamitin ang aroma oil. Kung kulay naman, maaaring gumamit ng mica, o ibang klase ng kulay na safe na gamitin sa labi.

VITAMIN E maaari mo ring idagdag sa iyong sangkap ang vitamin e para lalong pang magbigyan ng nourishment ang iyong labi. Bukod diyan, ang vitamin e ay makakatulong na tumagal ang shelf life ng ginawang produkto dahil ito ay antioxidant.

Paano ang pag customize ng lip balm gamit ang LIP BALM BASE

Kung meron ka ng base ng lip balm, maaari mo na itong i-customize ayon sa gusto mo.

Halimbawa: sa bawat 5 grams ng lip balm maaari mo itong dagdagan ng;

  1. Color- mica o pigment- maaaring maglagay ng 0.1 gram
  2. Essential oil– 1 drop ng essential oil na maaaring gamitin sa labi.
  3. Vitamin e- 1-3 drops

PARAAN NG PAGGAWA:

  1. Ilagay ang 5 grams ng base at kulay sa isang heat resistant na container. Ilagay sa hot water bath para matunaw ulit ang base at maihalong mabuti ang kulay na gagamitin. Haluin.
  2. Hanguin mula sa apoy kung ito ay tunaw na.
  3. Pababain ang temperatura hanggang sa room temperature.
  4. Ipatak ang essential oil na gagamitin at vitamin e at haluin.
  5. Ilipat sa container na gagamitin.

READY NA ANG DIY LIP BALM

Mga Langis na ginagamit sa paggawa ng base LIP BALM

Pagdating naman sa mga langis na ginamit, maaari kang gumamit ng kahit na anong langis na available sayo. Pumili ng langis na magbebenepisyo at kailangan ng iyong labi.

Beeswax sa paggawa ng base ng LIP BALM

Pagdating naman sa beeswax, maaari kang magdagdag o magbawas ng beeswax na gagamitin. Depende ito sa consistency na gusto mo. Maaari ring gumamit ng ibang uri wax kagaya ng candelilla wax o carnauba wax o gumawa ng mixture ng mga waxes.

Maaari mo ring panoorin ang video demonstration ng paggawa ng LIP BALM BASE sa Youtube.

Ang isa pang maaaring ilagay o ihalong sangkap ay ang zinc oxide. Magbebenepisyo rin ang labi mo sa zinc oxide. Kung nagbibitak bitak, very dry, may sugat ang lips, magandang gumamit ng lipbalm na may zinc oxide.

Paano gumawa ng LIPBALM na may ZINC OXIDE

MGA SANGKAP NG LIPBALM na may ZINC OXIDE

  1. Lipbalm base- 6g
  2. Zinc oxide- 0.25g
  3. Vitamin e- 0.5g
  4. Mica
  5. Peppermint essential oil

PARAAN NG PAGGAWA NG lIPBALM na may ZINC OXIDE

1. Paghaluin ang base, zinc oxide, mica at ilagay ito sa hot water bath.

2. Haluing mabuti para maincorporate ang zinc oxide.

3. Ready na itong tanggalin sa apoy kung wala ka ng makitang puting gumuguhit guhit sa bottom part.

4. Pababain ang temperatura, ilagay ang vitamin e at peppermint.

5. Ilagay sa napiling lalagyan.

Ready na ang Lipbalm with Zinc Oxide!

Lipbalm na may zinc oxide para sa dry to super dry lips, cracked lips.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *