April 22, 2024
Linen spray na gawa sa fragrance oil at essential oil

Paano gumawa ng Linen Spray sa Bahay

Sharing is Caring

Ang paggawa ng Linen Spray sa Bahay ay parang paggawa ng poopourri spray. Mga simpleng sangkap lang ang kailangan. Ginagamit ang linen spray sa mga kobre kama para ito ay panatilihing mabango. Maaari kang pumili o i-customize ito sa amoy na nais mo.

Sa paggawa ng linen spray, maaari kang gumamit ng fragrance oil o essential oil kung gusto mo ng mas natural. Isang magandang essential oil na maaaring gamitin ay ang lavender essential oil, chamomile essential kung gusto mong makakuha ng benepisyo sa pagtulog.

Paano gumawa ng pinakasimpleng linen spray

Para sa paggawa ng pinakasimpleng linen spray, gumamit lamang ng tubig, alcohol at fragrance oil o essential oil. Paghaluin lamang ito sa isang spray bottle, alugin at maaari na itong i-spray.

Mga sangkap: 100 ml

  1. Tubig 55 ml
  2. Alcohol 30 ml
  3. Fragrance oil o essential oil 15 ml

Pero kung gusto nyo ng mas magandang quality na linen spray, at mas matagalang gamit, maaari rin itong gawin gamit ang polysorbate 20 at preservative.

Paano gumawa ng linen spray sa bahay

Kung sa paggawa ng poopourri spray, doon ay gumamit tayo ng polysorbate 80, dito naman sa linen spray ay gagamit tayo ng polysorbate 20. Para tumagal ang produkto at para sa magandang quality, importante dito ang paggamit ng tween (a.k.a. polysorbate) 20 at preservative.

Mga sangkap: 100 grams

  1. Water 40.5 grams
  2. Alcohol 29.3 grams
  3. Polysorbate 20- 15 grams
  4. Fragrance oil o essential oil 15 grams
  5. Preservative phenoxyethanol 0.2 grams

Paraan ng paggawa ng linen spray sa bahay

Maaaring panoorin ang video ng paggawa ng linen spray gamit ang fragrance oil o gamit ang essential oil na lavender.

2 Paraan ng paggawa

  1. Paghaluin ang tubig at alcohol sa isang lalagyan. Haluin itong mabuti. Sa isang lalagyan, paghaluin ang polysorbate 20 at essential oil o fragrance oil. Haluing mabuti ang tween 20 at fragrance oil o essential oil. Paghaluin na ang water based at oil ingredients. Ilagay sa spray bottle. Lagyan ng preservative para. Aluging mabuti ang produkto.
  2. Sa isang spray bottle, unahing ilagay ang tween 20, isunod ang gagamiting fragrance oil o essential oil. Alugin. Lagyan ng tubig, alcohol. Alugin. Lagyan ng preservative at alugin.

Paggamit ng Fragrance oil o Essential oil

Sa paggamit ng scent sa paggawa ng linen spray, maaaring mag umpisa sa 5 % lamang. Kung papansinin ninyo, ang ginamit sa produkto ay 15 %. Ang 15 percent ng scent ay maaaring tumagal ng ilang oras. Ang 5 percent naman at tumatagal ito usually ng 30 minutes to 1 hour.

Kaya kung sa dami ng gagamitin, ito ay depende na sa inyo.

VIDEO DEMONSTRATION

  1. Linen spray gamit ang fragrance oil
  2. Before you sleep spray gamit ang lavender essential oil

Paggamit ng Polysorbate 20

Ang polysorbate naman ay maaari ring bawasan o dagdagan pa. Kung mapapansin, equal ang amount na ginamit na tween 20 sa fragrance oil o essential oil. Pero maaari nyo itong bawasan. Minsan ay gumagamit lang ako ng 2 percent nito. Maaari ring dagdagan ng +2ml o grams sa ginamit na essential oil o fragrance oil. Mas magiging clear at emulsified ang ginagawang produkto.

Pero i-consider nyo rin ang direction ng inyong manufacturer. Sundin ang guidelines sa paggamit ng polysorbate. Pero usually, ang range ng paggamit ng tween 20 ay 1% to 20%.

Paano gamitin ang DIY Linen Spray

Ang linen spray ay gamitin sa inyong kobre kama para panatilihin ang bango nito. I-spray ito sa unan, kumot o kama.

Maaari ring kayong gumawa ng iba’t ibang uri ng spray sa parte ng inyong bahay. Maaaring gumawa ng toilet spray, kitchen spray, living room spray gamit ang essential oil at fragrance oil. Pumili ng tamang scent para sa spaces na gusto nyong gawan ng spray.

Halimbawa, kung sa toilet ay something citrusy. Ang mga citrus ay ang lemon essential oil, citronella essential oil, bergamot essential oil, lime essential oil atbp. Kung sa living room, something energizing. Kung sa bedroom naman ay something calming o relaxing kagaya ng lavender, chamomile, rose at iba pa.

ENJOY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *