April 22, 2024
Paano gumawa ng natural na panglinis gamit ang suka at tuyong prutas

Gumawa ng natural na panglinis gamit ang suka

Sharing is Caring

Pag napunta ka sa supermarket sa section ng mga panglinis, maraming iba’t ibang uri ang makikita. At pag binasa mo ang mga ingredients na nakapaloob dito, mauutal ka sa pagbabasa at hindi mo alam kung ano ang mga kemikal na naihalo dito.

May mga simbolo ang nilalagay sa mga panglinis para malaman ng mga consumers kung ano ang maaaring mangyari dito. Meron din itong safety precaution para sa mga bata at may nilalagay na first aid treatment incase natalsikan sa mata o ano pa man.

In other words, ang mga kemikal na sangkap dito ay hindi maganda. At hindi pa nabanggit dito ang pinsala na dulot through ¨inhalation¨.

Tayo ay exposed sa napakaraming mga kemikal na sa kalaunan ay namiminsala sa ating katawan o kalusugan. Hindi mo nararamdaman ngayon dahil ang immune system, mga antioxidants ay patuloy na lumalaban sa mga kemikal na ito. Pero pag hindi na kaya ng katawan at sobra na sa free radicals, doon na natin mararamdaman. Tayo ay magkakasakit.

Sa labas ka man ng bahay mo o sa loob nito, wala kang kawala. Sa paggamit palang ng sabon, mga ginagamit sa panglinis ng kubeta, mga pangtanggal ng mantsa kagaya ng chlorine o sa tawag natin ay klorox ay unti unti na nitong nagbibigay ng pinsala sa ating kalusugan.

Unfortunately ang mga ito ay hindi natin kayang iwasan. Pero kung gugustuhin, ito ay kaya nating bawasan.

Sa araw araw nating pamumuhay, idagdag natin ang paggamit ng mga natural na bagay o produkto na maaari nating gawin at gamitin.

Maraming mga bagay ang ating maaaring gamiting substitute sa mga panglinis na nabibili sa tindahan. Ang isa diyan ay ang paggamit ng baking soda. Isang produkto na dapat ay hindi nawawala sa inyong kusina dahil sa napakaraming benepisyo nito. Isa pa ay ang white vinegar, isang non-toxic sa kalusugan at sa ating kalikasan.

Benepisyo ng SUKA at Citrus fruits

Maraming benepisyo ang SUKA at cirus fruits sa paglilinis. Ang white vinegar ay maaaring gawin all around cleaner. Pag dinagdagan mo pa ito ng mga balat ng citrus fruits kagaya ng lemon, orange, kalamansi, lime ay lalong mapapalakas ang ¨cleaning ability nito¨. Dahil ang mga citrus fruits ay may d-limonene na may abilidad magtanggal ng dumi, mantika atbp.

Kung hilig nyong magbasa ng mga ingredients sa mga produkto, maaaring napansin nyo na kadalasan meron itong nakalagay na D-LIMONENE sa mga ingredients. At yan ay dahil sa maganda at epektibo itong gamiting panglinis. Pero ang hindi sure kung ang ginamit na d-limonene ay natural ba o synthetic ang pagkagawa.

Kaya kung gusto mong umiwas at ng mabawasan naman ang exposure mo at ng mga mahal mo sa buhay sa mga kemikal na nasa mga produkto, mag infuse ng mga balat ng citrus fruits at suka.

Paano gumawa ng natural na panglinis gamit ang suka

Mga kailangan:

  1. Tuyong balat ng mga citrus fruits
  2. Suka
  3. Garapon

Simple lang ang paraan ng paggawa ng natural na panglinis gamit ang suka at mga tuyong balat ng mga citrus fruits.

  1. Ilagay ang tuyong balat sa garapon.

2. Lagyan ito ng suka at takpan.

3. Itabi ito ng 3-5 araw.

4. Alugin ito araw araw para siguraduhing nakababad ang mga balat sa suka.

5. Pagkatapos ng extraction process, pwede na itong salain.

6. Ilagay ang likido sa isang babasaging sisidlan.

Paano ito gamitin ang extract ng lemon

At para sa paggamit ng natural na panglinis na ginawa;

  1. I dilute ang likido sa tubig. Ito ay dedepende sa consistency ng kinalabasan ng tincture mo. Pero kadalasan 1 tablespoon sa dalawang cups ng tubig ay pwede na. Gumawa ka ng iba’t ibang dilution method mo at tignan mo kung ano ang swak sa tingin mo.
  2. Gamitin ito bilang all around cleaner, sa counter tops, sink ng kusina o kubeta, tables, etc.
  3. Kung gagamitin ito sa mga tiles o toilet bowl, mainam na dagdagan ng baking soda o citric acid at sabon ng. Sa isang litrong tubig, maglagay ng kalahating cup, 1 kutsarang baking soda at sabon. Gamitin itong pang linis sa kubeta. Ibabad ito ng ilang minuto at i-scrub muli at banlawan.

Para sa akin ang advantage ng panlinis na ito ay yung feeling na pag ginamit mo lalong lalo na sa kusina ay wala kang nerbyos na baka makontaminate ang mga pagkain o magiwan ng mga kemikal ng makakasama sa kalusugan. Walang pag-aalinlangan sa paggamit dahil alam mong ito ay natural, malanghap mo man o matalsikan man ang pagkain- okay lang!

Hindi kailangan bumili ng sandamakmak na prutas para makagawa ng natural na panlinis na ito. Ang kailangan mo ay ang salitang tiyaga.

Pagtiyagaan na pag may binalatang orange o gumawa ng calamansi juice, kahit ilang piraso man yan, patuyuin ito. At pag tuyo na sya, ilagay sa isang bote. At kung may sapat kang sangkap, maaari ka ng gumawa.

Kung mapapansin nyo ang kinalabasan ng tincture na aking ginawa ay maitim, yan ay dahil sa nasunog ko ang ibang mga balat. Kadalasan kasi, sa oven ko ito nilalagay, sinasabay sa mga pagkaing niluluto o bini-bake.

Kaya maganda na ito ay natural na patuyuin para medyo maganda ang kulay ng kalalabasan 🙂

Gustong panoorin ang video kung paano gumawa ng panlinis gamit ang suka at citrus fruits? Visit lang ang youtube channel. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *