April 22, 2024
Iba't ibang gamit ng asukal sa pagpapaganda ng balat o kutis

Paano gamitin ang Asukal sa pagpapaganda ng Kutis

Sharing is Caring

Marami sa ating mga Pilipino ay mahilig sa matamis o ¨sweet tooth¨ eka nga sa ingles. Sa kasamaang palad, ang asukal ay tinatawag na lason at nakakamatay dahil sa epekto nito sa kalusugan. Ang refined sugar daw ang dahilan ng diabetes, sakit sa puso, bacterial infection, nagpapahina ng immune system, nagdudulot ng CANCER at iba pang mga sakit. Marami ng reseach ang ginawa diyan, isa itong lason na dahan dahang sumisira sa ating kalusugan. PERO hindi sa ating balat 🙂 dahil marami itong benepisyong hatid kahit sobrahan mo pa ang gamit.

Kung sa skin care, ang asukal ang pinakamadaling gamiting natural na skin care product na makikita sa kusina. Dagdagan mo lang ito ng langis, meron ka ng pang all around scrub. Kagaya ng ASIN, ang asukal ay pwedeng gawing lip scrub, face scrub, body scrub, hand scrub o foot scrub. Maaari ninyong gamitin ang sukal na pula, asukal na puti, at kung nakaka luwag luwag, pwede rin ang muscovado.

4 na Benepisyo ng paggamit ng Asukal sa kutis o balat

  1. Mild exfoliator– banayad nitong tinutuklap ang mga old skin at pinapalitan ng panibagong balat.
  2. Humectant– nakakatulong ito na panatilihing ang moisture ng balat. Sa paraang yan maiiwasan na maging dry ito.
  3. Softening– nagpapalambot ito ng balat, nakakatanggal ng kalyo sa palad o paa.
  4. Whitening– dahil sa may abilidad itong i-exfoliate ang balat, natatanggal nito ang old skin cells. Sa paraang yan, nagkakaroon ng cell renewal.

Paano gamitin ang asukal sa pagpapaganda ng kutis o balat

Ang pinaka simpleng paraan ng paggamit ng asukal para gamitin sa iyong skin care ay ang paghahalo lang ng langis dito.

Mga sangkap

  1. Asukal ( brown o white ) 2 kutsara
  2. Langis 2 teaspoon ( tamang langis lamang at hindi masyadong basa )

Pagsamahin ang dalawang sangkap at ilagay sa container.

Magagamit mo itong pang scrub sa buong katawan, pati na sa labi. Kung sa tingin nyo ay masyadong magaspang ang asukal kung gagamitin sa mukha, i grind mo lang ito para mabawasan ang gaspang. Maaari nyo ring lagyan ng kulay ang puting asukal. Pwede ring lagyan ng fragrance, gamit ang essential oil o fragrance oil.

Iba pang Scrubs na maaaring gawin gamit ang ASUKAL

Paano gumawa ng sugar body scrub

Ito naman ay ginamitan ng castile soap bar para medyo may bula pag ito ay kinukuskos sa balat.

MGA SANGKAP

  1. Castile soap- 20g
  2. White sugar- 30g. Maaari ring bawasan ang sukat.
  3. Carrier oil- 20g
  4. Fragrance oil- at least 5 drops

PARAAN NG PAGGAWA

  1. Paghaluin ang castile soap bar at ang langis. Pumili ng carrier oil na gustong gamitin. Ang ginamit ko sa video ay sweet almond oil.
  2. Tunawin ito gamit ang hot water bath.
  3. Hanguin sa init pag ito ay tunaw na.
  4. Ilagay ang pang kulay, fragrance oil at ang asukal.
  5. Haluing mabuti at ilagay sa molder.

Mag-antay ng kahit 6 na oras bago tanggalin sa molder. After 6 hours, ilagay ang finished product sa isang garapon.

Paano gamitin ang sugar body scrub sa kutis?

Bago gamitin, basahin muna ito ng tubig. Ikuskos ito sa parte ng katawan na gustong i-exfoliate. Siguraduhing hindi mapasukan ng tubig ang sisidlan ng sugar body scrub para mapatagal ang shelf life nito.

Paano gumawa ng Anti-Acne Sugar Face Scrub

Mga sangkap sa paggawa ng anti-acne sugar face scrub

  1. Sugar 3 tablespoon
  2. Carrier oil 1 tablespoon
  3. 1 green tea bag powdered
  4. Tea tree essential oil 3-5 drops

Paraan ng Paggawa ng anti-acne sugar face scrub

1.Sa isang mangkok, pagsamahin ang asukal, powdered green tea at haluing mabuti.

2. Paghaluin ang carrier oil na gagamitin at tea tree essential oil.

3. Paghaluin ang powdered ingredients at oil ingredients.

4. Ilagay sa isang container.

5. Maaari na itong gamitin. Gumamit ng tuyong kutsara o spatula sa pagkuha.

Lemony Lip Scrub gamit ang Asukal

Mga Sangkap sa paggawa ng lemony lip scrub

  1. Asukal 3 tablespoon
  2. Lemon infused oil 1 tablespoon
  3. Lemon zest 1 teaspoon

Paraan ng paggawa ng lemony lip scrub

Paghaluin ang 3 sangkap, haluing mabuti. Ilagay sa garapon. Gamitin itong pang scrub sa labi 2-3 beses sa isang linggo. Pagkatapos mag scrub, maglagay ng lip balm o lip mask para ma moisturize ang labi. Iwasang mabasa ang DIY lip scrub para tumagal ang shelf life nito.

Ang oil infusion ng lemon ay ang pagbababad ng balat ng lemon sa langis. Ang prosesong ito ay maaaring gawin sa bahay.

Iba pang DIY skin care gamit ang ASUKAL

Marami pa kayong maaaring gawin gamit ang asukal para gamitin sa inyong kutis. Maaari kayong gumawa ng emulsified body scrub, lip scrub stick.

Sa paggawa ng lip scrub maaari ninyong lagyan ng iba’t ibang kulay o flavor. Gumamit ng flavor at pang kulay na safe kung gagamitin sa labi. Kung flavor, gumamit ng aroma oil. Kung kulay, maaaring food coloring o colored mica.

EMULSIFIED BODY SCRUB- kung emulsified body scrub ang gagawin, ibig sabihin ay gagamit kayo ng emulsifying wax sa paggawa dito.

LIP SCRUB STICK- sa paggawa naman ng lip scrub stick sa bahay, gagamit ng wax para magkaroon ng pormang stick ang lip scrub at ilalagay ito sa isang lipbalm tube.

Maaari kayong maglagay ng iba pang sangkap kagaya ng mga sumusunod;

  1. Cinnamon– konti lamang ang gamitin sa recipe.
  2. Cocoa
  3. Lemon zest
  4. Coffee
  5. Honey
  6. Mga infused oils na ginamitan ng iba’t ibang uri ng Spices & Herbs.

Gaano kadalas ang paggamit ng SUGAR SCRUBS

Ang scrubs ay maaaring gamitin 2-3 beses sa isang linggo. Kung extra sensitive ang balat, safe ang pag scrub ng balat 1 beses sa isang linggo.

Pagkatapos mag scrub, maglagay ng moisturizer kagaya ng lotion o cream sa mukha at katawan. Sa lips naman, maglagay ng lip balm o lip mask.

Sleeping lip mask na gawa sa bahay. May sangkap na lanolin, mica, honey at iba pang mga natural na sangkap.
Panoorin ang VIDEO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *