April 22, 2024
Ang paggamit ng white vinegar o puting suka sa labahan

Iba pang pakinabang sa Suka bukod sa Pagluluto

Sharing is Caring

Common na ginagamit natin ang suka sa ating pagkain. Mahilig ang mga pinoy sa sweet and sour taste. Ang suka rin ang paborito nating gamitin bilang sawsawan. Ang suka ay hindi lang nagagamit sa pagkain o sa pagluluto, ang suka ay may pakinabang rin sa paglilinis ng bahay o sa paglalaba. Kung gusto mong mabawasan ang paggamit mo ng mga kemikal mula sa mga commercial na cleaning products, ang suka ang maaari mong substitute diyan.

Ayon sa alamat, aksidente lang daw ang pag discover sa suka libo libong taon na ang nakaraan bago pa man sinilang si Kristo. Ang ginagawa raw nilang wine ay aksidenteng hindi natakpan. At nang kanilang tikman ang pumalpak na wine, ito ay maasim na. Pero hindi naman nasayang ang pagkakamaling ito, dahil ito ay nagawa nilang gamitin para i preserve ang kanilang pagkain at gamiting sawsawan.

Ang suka ay hindi lang sa pagkain nagagamit, ito ay ginamit din ng Father of modern medicine na si Hippocrates sa paggamot sa mga sugat noong unang panahon. Kung anong uri ng suka? Hindi confirmed pero maraming nagsasabing ang ginamit na suka ay ang apple cider vinegar.

Mga pagkaing bilang lunas

Pero hindi ang pakinabang ng suka sa kalusugan o sa pagluluto ang paksa ng blog na ito kundi ang pakinabangan nito sa paglilinis ng bahay.

🙂

At hindi ang apple cider vinegar ang gagamiting suka kundi ang white o distilled vinegar lamang. Napapakinabangan ito sa paglilinis ng bahay at balada dahil sa acidic nature nito.

Iba’t ibang pakinabang ng SUKA sa Paglilinis ng bahay

Ang suka ay magagamit mong panglinis sa iba’t ibang parte ng bahay at iba’t ibang uri ng gamit ng bahay.

Halimbawa

  1. Panglinis ng prutas o gulay
  2. Pangtanggal ng bara ng DRAIN
  3. Pangtanggal ng amoy
  4. Pang disinfect- epektibo ito sa salmonella at e. coli
  5. Panglinis ng salamin, bintana at mga drinking glasses
  6. Panglinis ng mga gamit na stainless
  7. Panglinis ng tiles
  8. Panglinis ng sahig
  9. Panglinis ng coffee maker, microwave oven at oven
  10. Pantanggal ng amoy ng carpet, kutson, at sofa
  11. Labahan

Bukod sa pakinabang ng suka sa paglilinis ng bahay at paglalaba, ang white vinegar ay maaari ring gamiting panghalo sa tubig na gagamitin sa pagpapaligo ng inyong alagang aso o pusa. Hindi lang ito makakatulong sa pagtanggal ng amoy, mapapabilis din ang pagpapapatuyo ng balahibo.

Paalala

Huwag gagamitin ang suka sa paglilinis ng granite at marbles.

Simple lang ang paggamit ng suka para mapakinabangan ito sa paglilinis.

Ang kadalasang ginagamit kong mixture ay, 1/2 cup ng suka at 500ml ng suka. Ilalagay ko ito sa isang spray bottle at ito ang gagamitin kong pang all around cleaner.

Bottle sprayer gamit sa panglinis at DIY na panglinis

Pero siempre, kailangan na upgraded ang paggamit ng natural na panglinis na ito.

Para sa pag upgrade, maaari mong dagdagan ng essential oil. Pumili ng mga essential oils na may anti microbial benefits. Kung gusto lang ninyong lagyan ng amoy, maaaring gumamit ng fragrance oil. Pero tandaan, ang fragrance oil ay walang dalang benepisyo bukod sa bibigyan lamang ng bango ang ginagawang produkto.

HALIMBAWA

Mga Essential oils na maaaring gamiting pang disinfect

  1. Cinnamon essential oil
  2. Clove essential oil
  3. Eucalyptus essential oil
  4. Grapefruit essential oil
  5. Lavender essential oil
  6. Lemon essential oil
  7. Lemongrass essential oil
  8. Oregano essential oil
  9. Peppermint essential oil
  10. Pine essential oil
  11. Rosemary essential oil
  12. Tea tree essential oil
  13. Thyme essential oil

Pag nakapili ka na ng essential oil na may anti microbial benefits, maaari ka nang gumawa ng disinfectant cleaner. Ang kadalasan kong ginagamit na essential oil sa paggawa ng disinfectant ay ang thyme essential oil. Ito ay kadalasan kong ginagamit sa kusina kaya sa video, ito ay may pamagat na ¨disinfectant para sa kusina¨

Paano gumawa ng disinfectant para sa kusina gamit ang SUKA at Essential oil

Mga sangkap

  1. Water- 147.5 grams
  2. White vinegar- 40 grams
  3. Dishwashing liquid- 1 gram
  4. Thyme essential oil- 4 grams
  5. Polysorbate 20- 6 grams
  6. Preservative phenoxyethanol- 1.5 gram

Paraan ng Paggawa

1.Paghaluin ang suka ta tubig. Itabi

2. Sa isang lalagyan, ihalo ang essential oil na thyme sa polysorbate 20. Haluing mabuti.

Ano at saan ginagamit ang polysorbate a.k.a Tween

3. Isunod na ihalo ang dishwashing liquid at ang preservative. Haluing muli.

4. Pagsamahin ang mga pinaghalong sangkap.

5. Ilipat ang disinfectant cleaner sa isang spray bottle.

Panglinis sa bahay gamit ang puting suka at essential oil na may antibacterial properties.
Panoorin ang Youtube Video

Meron ka ng disinfectant cleaner na magagamit mo sa kusina o pang all around na panglinis sa bahay. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *