April 22, 2024
Dalawang uri ng castile soap. Liquid castile soap at castile soap bar na ginagamit sa mga DIY na sabon

Ano ang Castile soap

Sharing is Caring

Ang castile soap ay isang vegan friendly at sinasabing safe mula sa mga mapinsalang chemicals na meron sa mga regular na sabon. Ito ay sinasabing nagmula sa Castile region ng bansang Spain. Ang original na sangkap daw sa paggawa ng castile soap ay ang olive oil.

Ayon sa healthline, ang castile soap ay maraming gamit. Kumbaga, sa isang sabon lamang ay magagamit mo ito sa iba’t ibang uri ng bagay na lilinisan. Pwede sa buhok, katawan, sa paghuhugas ng pinggan, gawing shampoo ng mga alagang aso, panglinis ng kahit ano.

Ang castile soap, ang bar at liquid ay ang unang ginamit kong soap base sa aking mga DIY’s. Madali lang kasi ito gamitin. Mula diyan, napunta ako sa surfactants. Noong bored na ako sa paggamit ng ibang ibang uri ng surfactant, pinagaralan ko naman ang gumamit ng lye o sodium hydroxide. Ginagamit ko parin ang castile soap hanggang ngayon lalo na kung madaliang sabon ang kailangan ko.

Paano gamitin ang castile soap

Merong dalawang porma ang castile soap, liquid form at solid form. Ang castile soap bar ay madali lang tunawin at ang liquid castile soap ay madali lang palaputin.

Paano gamitin ang castile soap bar?

Bago gamitin ang castile soap bar, i customize mo muna ito. Pwede mong lagyan ng fragrance gamit ang essential o fragrance oil. Maaari mo ring lagyan ng oatmeal, powdered plants. Try mo mag experiment sa naiisip mong magpapabuti sa iyong kutis. Pero ang paborito ko sa pag customize sa sabong ito ay lagyan ng activated charcoal.

Paano gamitin ang liquid castile soap?

Maaari mo ring gawin ang customization na ginawa mo sa soap bar. Marami kang pwedeng gawin sa liquid castile soap. Maaari kang gumawa ng shampoo, face wash, body wash, hand wash at marami pang iba.

Pero kailangan mo itong palaputin gamit ang asin. Dahil ang liquid castile soap ay may tendency na mabawasan ang lapot pag nadagdagan ng ibang bagay.

Paano gumawa ng detoxifying bar soap

Makakagawa ka ng sabong na pang detox gamit ang liquid o bar castile soap. Pag pang detox ang kailangan, ang activated charcoal ang isang mabisang sangkap diyan.

Detoxifying soap gamit ang castile soap bar

Mga sangkap para sa 100g detoxifying soap bar

  1. Castile soap bar- 95g
  2. Activated charcoal- 2 g
  3. Olive oil– 2.5g
  4. Fragrance oil- 0.5g

PARAAN NG PAGGAWA

  1. Tunawin ang castile soap. Maaari nyo na ring isama dito ang 2.5g olive oil. Pero sa video sa youtube, nilagay ko ang langis after natunaw ang sabon. Tanggalin sa apoy pag tunaw na.
  2. Lagyan ng fragrance at ilagay ang activated charcoal. Maaaring gumamit ng essential oil o fragrance oil para bigyan ng amoy ang ginagawang diy soap bar.
  3. Ibuhos sa gagamiting molder.
  4. Kung meron kayong alcohol, isprayhan ito para matanggal ang bula. Optional nalang ito.
  5. Itabi at pabayaang tumigas ng kahit 24 hours.
  6. Pagkatapos ng 24 oras, tanggalin na ito sa molder.
Ang madaling paraan ng paggawa ng detoxifying na sabon gamit ang castile soap at activated charcoal.

Maaari ng gamitin ang sabon na pang detox ng katawan mula sa toxins o pollution.

Paano gumawa ng detoxifying soap gamit ang liquid castile soap

Pag gusto mo namang in liquid form ang sabong pang detox mo, gumamit naman ng liquid castile soap.

Mga sangkap para sa 50g liquid detox soap

  1. Castile soap- 48.85g
  2. Essential oil or fragrance oil- 0.15g
  3. Activated charcoal- 1g
  4. Ph

Paraan ng paggawa

  1. Halu-haluin ang 48.85g na liquid castile soap. Ginawa ko ito ng mga 2 minutes.
  2. Ilagay ang essential oil o fragrance oil na gustong gamitin. Ang ginamit ko dito ay elemi essential oil.
  3. Kunin ang PH. Ang ph goal ko dito ay PH 7.
  4. Palaputin gamit ang salt brine.
  5. Ilagay at ihalo ang activated charcoal.
Paggamit ng activated charcoal at liquid castile soap para gumawa ng detoxifying soap para sa katawan, balat o kutis.
PANOORIN ANG VIDEO

PAANO PALAPUTIN ANG LIQUID CASTILE SOAP

Para sa pagpapalapot, tunawin ang 2g ng asin sa 8g na tubig. Ipatak ito sa ginagawang produkto hanggang sa makuha ang gustong lapot. Huwag excited sa pagpatak, dahan dahan lamang.

Paano gamitin ang detoxifying soap

1. Detoxifying bar soap with activated charcoal– ang bar soap ay ginagamit ko sa aking mukha 2-3 times a week lalo na kung napapansin kong medyo overactive ang pag produce ng sebum o langis. Pero maaari mo rin itong gamitin sa iyong katawan.

2. Detoxifying liquid soap with activated charcoal– ang liquid soap naman ay mas madalas kong gamitin bilang body wash lalong lalo na sa aking likod. Nakakatulong ito na lunasan ang pagtubo ng mga pimples sa aking likod.

Huwag mag-alala sa mga uling na nagtalsikan sa dingding o lababo. Madali lang itong linisan, konting buhos lang ng tubig ay tanggal na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *