April 22, 2024
Gamit at benepisyo sa paggamit ng activated charcoal

Gamit at benepisyo ng Activated Charcoal

Sharing is Caring

Ang paglalagay ng uling sa ref ay isang old fashioned na paraan ng pantanggal ng amoy o pang neutralize ng amoy. Hindi yan isang paniniwala. Ang uling ay totoong nag-a-absorb ng odor. Pero hindi regular na uling ang aking tatalakayin kundi ang activated charcoal. At kung ano ang gamit at benepisyo nito sa ating balat o kutis. Dahil ang activated charcoal ay hindi lang ginagamit sa E.R bilang first aid treatment sa ibang cases ng poisoning. Ito ay ginagamit rin sa balat at buhok bilang taga absorb ng toxins.

Paano ginagamit ang activated charcoal sa balat at buhok

Ang activated charcoal ay ginagamit sa balat at buhok bilang mask. Maaari mo itong ihalo sa iyong shampoo o ihalo sa facial cleanser o body wash. Maaari rin itong gamitin pag mage-exfoliate ng iyong balat dahil meron itong abilidad na balatan ang kutis sa banayad na paraan.

Mga benepisyo ng activated charcoal sa balat at buhok

  1. Toxins at chemicals– ang ating balat ay taga sala ng lahat ng polusyon na nasa ating paligid. Ang activated charcoal ay ginagamit bilang purifier o cleanser ng mga toxins at chemicals na nasa ating balat at pati na rin sa buhok.
  2. Clogged pores– sa mga dumi na nanunuot sa ating pores, ang activated charcoal ay may kakayahang i-unclog ang mga dumi na bumabara dito. Ganon din ang mga white heads at black heads sa balat.
  3. Excess oil– bukod sa kayang i-absorb ang mga toxins at chemicals, kaya rin nito ang excess oil sa ating balat. Maganda itong gamitin ng mga may oily skin at prone sa pagkakaroon ng tigyawat.
  4. Odor– dahil nga ito ay mataas o malakas ang absorbing capacity, pati ang mabahong amoy ay kaya nito. Remember ang simpleng uling sa ref? Kung kaya ng common na uling, ang activated charcoal pa kaya! Kaya meron kayong nakikitang deodorant na may ingredient na activated charcoal.
  5. Teeth whitening– ginagamit din ito sa pagpapaputi ng ngipin.

Ang activated charcoal ay maaari ninyong gamiting sangkap sa mga DIY na hair & skin care products na gagawin ninyo sa bahay.

Mga DIY products na maaaring gawin sa bahay gamit ang activated charcoal

  1. Activated charcoal face mask
  2. Activated charcoal peel off mask
  3. Activated charcoal bar soap gamit ang castile soap
  4. Activated charcoal liquid soap gamit ang castile soap
  5. Activated charcoal soap gamit ang sodium hydroxide o potassium hydroxide
  6. Activated charcoal toothpaste
  7. Activated charcoal deodorant- liquid o solid

Paano gumawa ng activated charcoal face mask

Mga sangkap para sa 50g na activated charcoal face mask

  1. Water- 40.15g
  2. Vegetable glycerine- 2.5g
  3. Xanthan gum- 0.2g
  4. Avocado oil- 2.5g
  5. Emulsifying wax- 3g
  6. Activated charcoal- 1.5g
  7. Preservative- 0.15g

Paraan ng paggawa ng activated charcoal face mask

  1. Pagsamahin ang emulsifying wax at langis. Ilagay ito sa hot water bath para matunaw.
  2. Ihalo ang xanthan gum at glycerine. Haluing mabuti hanggang maging gel. At ihalo ito dahan dahan sa tubig.
  3. Ilagay sa hot water bath.
  4. Pag natunaw na ang waxes at parehong umabot sa 75c ay tanggalin sa hot water bath.
  5. I-emulsify ito gamit ang immersion blender.
  6. Pag maayos na ang blending, antaying bumaba ang temperatura sa 40c & below para ilagay ang preservative.
  7. Ilagay na ang activated charcoal sa emulsified na face mask.

Ready na ang iyong Activated charcoal FACE MASK!

Ilagay ito sa isang garapon at takpan ng mabuti. Gumamit ng malinis na kamay o kutsara sa pagkuha. Ipahid ito sa bagong hilamos na mukha at pabayaan ng 10-15 minutos bago banlawan. Maaari mo rin itong gamitin sa buong katawan.

Paano gumawa ng activated charcoal Toothpaste

Kung gagamitin naman ito sa ngipin para sa whitening effect, maaari kayong gumawa ng activated charcoal toothpaste sa bahay.

Mga sangkap at sukat para sa 20g na activated charcoal toothpaste

  1. Water- 16g
  2. Calcium carbonate- 1.4g
  3. Vegetable glycerin- 1g
  4. Xanthan gum- 0.2g
  5. Dr. Bronner’s castile soap- 0.8g
  6. Activated charcoal- 0.6g

Paraan ng paggawa ng activated charcoal toothpaste

  1. Pagsamahin ang xanthan gum at vegetable glycerin. Haluin itong mabuti hanggang maging gel ang consistency. Itabi.
  2. Paghaluin ang tubig at calcium carbonate. Haluin hanggang sa matunaw ang pulbos.
  3. Pagsamahin at haluin ang 2 sangkap.
  4. Ilagay ang dr. Bronner’ liquid castile soap.
  5. Ilagay at ihalong mabuti ang activated charcoal.

Meron na kayong teeth whitening na toothpaste!

Paano gamitin ang activated charcoal toothpaste sa pagpapaputi ng ngipin

Gamitin ang DIY whitening toothpaste na may activated charcoal twice a week lamang for a month kung gusto ninyong magpaputi ng ngipin. The second month, pwedeng 1-2 times a month lang.

Since walang preservative na ginamit, ilagay ito sa fridge. Kung makakahanap kayo ng preservative na ginagamit sa pagkain kagaya ng potassium sorbate, maaari ninyong lagyan ito.

Kung gusto naman ninyo ng powder form lamang, maaari ring gawin ito. Paghaluin ang activated charcoal at calcium carbonate. Maaari ring gawing substitute ng calcium carbonate ang baking soda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *