April 22, 2024
Magnesium stearate na ginagamit sa paggawa ng makeup at lipstick

Ano ang magnesium stearate at paano ito gamitin sa paggawa ng Makeup at Lipstick

Sharing is Caring

Ang magnesium stearate ay produkto ng dalawang sangkap, ito ay ang magnesium at stearic acid. Ginagamitan ang dalawang sangkap ng kemikal para magkaroon ng reaksyon para maging magnesium stearate. Ito ay maaaring mula sa halaman o sa hayop. Karaniwang ginagamit ang magnesium stearate sa paggawa ng medisina, sa pagkain, make-up at lipstick at skin care products. Kung sa usaping cosmetic products, ang mineral powder na ito ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng colored make up at lipstick.

Bakit ginagamit ang magnesium stearate

  1. Medisina at pagkain– ang magnesium stearate ay kadalasang ginagamit sa medisina at pagkain dahil ito ay emulsifier, thickener, binder. Sa mga tabletas, ang kadalasang pangunahing tungkulin ng magnesium ay bilang binder ng ginagawang tabletas. Kung sa pagkain naman, ito ay kadalasan mong makikita sa mga sauces ( emulsifier ), powdered products ( binder )at iba pang mga produkto.
  2. Skin care, lipstick at make-up– kung nakita mo naman ito sa cosmetic products mo, ang function nito ay kagaya rin sa nabanggit sa taas. Ito ay emulsifier, thickener, binder, filler.

4 na mahalagang benepisyo ng Magnesium Stearate

Ang 4 na mahalagang benepisyo ng magnesium stearate na nakikita ko kung bakit ito ay isang sangkap na “must have” sa paggawa ng makeup at lipstick ay;

1.Anti-caking– may mga makeup kagaya ng foundation, liquid man o powdered foundation, pag in-apply mo sa balat ay namumuo muo o magbibitak bitak. Ang magnesium stearate ay makakatulong na maiwasan ito.

2.Texture– soft and silky ang texture ng magagawang produkto gamit ang magnesium stearate.

3. Slip– magiging maganda ang slip ng produkto sa balat. Mapapadali at maganda ang pagpahid ng makeup o lipstick sa balat o labi.

4. Adhesion– pag sinabing adhesion, ito ay pinapatagal ang pagdikit ng produkto sa balat. Hindi agad natatanggal ang make up o lipstick na ginamit sa balat o labi.

Ito ay medyo opacifier din pero hindi kagaya ng titanium dioxide o zinc oxide ang bisa kung gusto mong opaque ang gagawing makeup.


Mga produkto na maaaring gawin sa bahay gamit ang Magnesium Stearate

  1. Face powder & body powder
  2. Liquid o powdered foundation
  3. Lipstick at lip balm
  4. Cream o powdered blush
  5. Eye shadow
  6. Concealer
  7. CC o BB cream
  8. Contour o bronzer
  9. Cream, lotion at moisturizer
  10. Deodorant o Antiperspirant

Gabay sa paggamit ng Magnesium Stearate

INCI– Magnesium stearate

Usage rate– common usage rate ay 3-10%. Basahin ang usage rate ng manufacturer

Solubility– warm alcohol

Color & texture– white & creamy

Ginagamit sa– makeup, lipstick and skin care products

Benepisyo– anti-caking, texture enhancer, slip & adhesion

Protective measures sa paggamit– mask

Storage– takpang mabuti para maiwasang mabasa o mapasukan ng moisture.

Basic ingredient ang magnesium stearate sa mga DIY cosmetics lalo na sa colored makeup at lipstick. Kahit simple at basic lipstick lang ang iyong gagawin, importante na meron kang magnesium stearate para present ang adhesion, slip, texture, at anti-caking. Huwag mag-alala sa presyo dahil ang magnesium stearate ay abot kaya sa bulsa.

Paano gumawa ng DIY Blush Powder na may Magnesium Stearate

Konting sangkap lang ang kakailanganin sa paggawa ng DIY blush powder na may magnesium stearate. Sa anim na sangkap meron ka ng blush powder. Maaari mo ring i-customize ang kulay kung gugustuhin mo. Ang scent o amoy ay maaari mo ring i personalize. Maaari kang gumamit ng fragrance oil o essential oil.

Mga sangkap sa paggawa ng DIY basic blush powder

  1. Zinc oxide- 1g
  2. Titanium dioxide- 1g
  3. Color- 1.5g
  4. Silk mica-2g
  5. Magnesium stearate- 1g
  6. Kaolin clay- 1g
  7. Jojoba oil– as needed
  8. Jasmine essential oil- as needed

Paraan ng paggawa ng DIY basic blush powder

1. Pagsamahin ang zin oxide at titanium dioxide sa mortal & pestle o coffee grinder. Gilingin ito.

2. Isunod na ihalo ang color na gagamitin at muling mag giling.

3. Ihalo ang silk mica at gilingin.

4. Ilagay ang magnesium stearate, kaolin clay, jojoba oil at essential oil o fragrance oil. Gilingin.

5. Pag kontento na sa uniformity ng kulay at texture ng DIY blush powder maaari na itong ilagay sa container.

Ready na ang DIY Blush Powder  😉

DIY, homemade o gawa sa bahay na loose blush powder na nasa makeup brush
Panoorin ang YOUTUBE VIDEO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *