April 22, 2024
Guar gum na ginagamit sa paggawa ng lotion, shampoo at conditioner at iba oang skin and hair care.

Ano ang mga gamit sa Guar Gum

Sharing is Caring

Ang guar gum ay ginagamit sa pagkain at paggawa ng mga skin and hair care products. Mula ito sa guar o guar bean na may botanical name na Cyamopsis Tetragonoloba. Sa pagkain, ito ay ginagamit bilang thickener. Mas malakas daw ang thickening power nito kung ikukumpara sa cornstarch. Kung sa skin o hair care products naman gagamitin ang guar gum, bukod sa thickener ng isang produkto, ito ay stabilizer, emulsifier, viscosity enhancer, anti-static at may whitening power din sa mga produktong gagawin.

Ang guar gum ay kagaya ng xanthan gum at acacia gum, mga natural na Polymer.

Ginagamit ito sa mga produktong ginagamit sa buhok at balat kagaya ng;

  1. Cream o lotion
  2. Deodorant
  3. Hair conditioner
  4. Liquid soap and bar soap
  5. Shampoo
  6. Shaving cream
  7. Ointment
  8. Serum at essence
  9. Toothpaste

Gabay sa Paggamit ng Guar Gum

INCI– Guar Hydroxypropyltrimonium chloride

Usage rate– depende sa manufacturer. 0.2-1%

Solubility– water

Color & texture– yellow powder

Ginagamit sa– skin and hair care products

Benepisyo– stabilizer, emulsifier, viscosity enhancer, anti-static, whitening

Protective measure sa paggamit– mask

Storage– tightly sealed container para hindi mapasukan ng tubig o moisture.

Paano gumawa ng Hair Conditioner na may Guar Gum

Mga sangkap sa paggawa ng Basic Hair conditioner na may Guar gum

  1. Water- 25g
  2. Rose water o hydrosol-15.3g
  3. Vegetable glycerin- 5g
  4. Guar gum- 0.2g
  5. Argan oil-
  6. BTMS- 1.5g
  7. Coco betaine- 0.25g
  8. Panthenol- 1g
  9. Fragrance oil- 0-5g
  10. Preservative- 0.25g

Paraan ng paggawa ng Basic Hair conditioner na may Guar gum

1.Paghaluin ang Tubig, rose water, vegetable glycerin at ang Guar gum. Itabi.

Mga iba't ibang uri ng hydrosol o floral water na ginagawa sa paggawa ng hair and skin care products

2. Sa ibang lalagyan, paghaluin ang BTMS at ang argan oil. Ang BTMS ay isang uri ng emulsifying wax.

Btms na isang uri ng emulsifying wax na ginagamit sa paggawa ng cosmetic products kagaya ng shampoo, hair conditioner at iba pa.

3. Painitin ang dalawang uri ng mga pinaghalong sangkap sa paggawa ng basic hair conditioner. Paabutin ang temperatura sa 75 degrees celcius.

4. I-emulsify ang pinainit na mga sangkap gamit ang immersion blender.

Immersion blender gamit sa pag mix o paghalo ng mga DIY cosmetics.

5. Pag blended o emulsified na ang mga sangkap, isunod na ilagay ang coco betaine, ito ay isang uri ng surfactant.

Iba't ibang uri ng surfactants na gamit sa paggawa ng sabon sa bahay

6. Lagyan ng panthenol, preservative at fragrance oil o essential oil. Ang ginamit ko sa video ay ang violet fragrance oil.

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

7. Muling i blend.

8. Kunin ang PH at i-adjust ito gamit ang acidic na sangkap. Sa formulang ito, gumamit ako ng lactic acid.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

9. Dagdagan ng asin kung ang produkto ay hindi malapot sa iyong standard.

Pwede ring gumawa ng salt brine. Lagyan ng 2grams ng sea salt ang 8g na maligamgam na tubig. Patak patak lang ang paglagay.

Pero tandaan din na ang saktong consistency ng ginagawang produkto ay makikita mo ito after 24 hours. Pero kung nakukulangan parin kayo sa lapot ng produkto, maaaring magdagdag ng konting BTMS na emulsifying wax.

Meron ka ng Hair conditioner 🙂

Basic hair conditioner na gawa sa bahay o DIY
Panoorin ang VIDEO

Bakit importante ang pag-adjust ng PH

Bukod sa importante na nasa tamang ang PH o potential of hydrogen ng conditioner sa ating buhok, ang isa pang dahilan ay ang ginamit na sangkap na guar gum. Ang Guar gum ay kinakailangan na i-adjust sa 7 ang below para maging epektibo itong emulsifier, viscosity enhancer at stabilizer.

Pwede rin kayong magdagdag ng mga extract sa hair conditioner o gumamit ng tea ng spices & herbs instead of water. Gumamit ng mga spices & herbs na makakatulong sa pagpapatibay ng buhok o tsaa ng halaman na nakakatulong sa pag-iwas ng balakubak. Halimbawa, magdagdag ng extract ng halamang gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *