April 22, 2024
Iba't ibang uri ng surfactants na gamit sa paggawa ng sabon sa bahay

Ano at saan ginagamit ang Surfactant

Sharing is Caring

Ang surfactants ay ang pangunahing sangkap sa paggawa cleaning products at personal cleaning products. Noong nag uumpisa ako sa paggawa ng mga DIY na sabon, castile soap muna ang aking pinaglaruan. Noong nabored na ako, surfactants naman ang next kong binili at pinag aralan kung paano ito iformulate o gamitin. Marami kang pang gagamitan ng sangkap na ito. Makakagawa ka ng shampoo, conditioner, emulsify wax, hand soap, body soap o body wash, facial wash, face cleanser o foaming face wash, makeup remover at mga leave on products. Nakakatuwa sa pakiramdam pag gumagamit ka ng produktong sarili mong gawa. Isa ito sa enjoy gawin.

Pero bago ang recipe, surfactant 101 muna. Dapat matutunan kung paano magformulate, kilalanin ang characteristics ng bawat surfactant, paano mag calculate ng ASM nito.

Ano ang surfactant

Ang surfactant ay ang pina-ikling salita na ¨surface active agent¨. Ito ay mga sangkap sa paggawa ng mga produktong panglinis. Kung paano ito nakakalinis ng dumi ay, isipin mo na parang isang TALI ang molecules ng surfactant. Ang isang dulo ng tali ay may ulo at ang isang dulo ay may buntot.

Sa isang dulo ng tali ay si HYDROPHILIC ( ulo ), isang water loving na molecule. At ang kabilang dulo ng tali ay si HYDROPHOBIC ( buntot ), isang fat loving molecule at takot sa tubig. Pag gagamitin mo na ang sabon, lalagyan mo ng tubig para bumula, si hydrophobic ay iiwas sa tubig dahil TAKOT. Didikit ito sa paligid ng dumi o langis.

Isipin mo ngayon ang isang bola. Sa gitna ng bola ay ang dumi o langis. Nakadikit ang hydrophobic end ng isang tali. At sa outer part ng bola ay yung isang dulo ng tali na hydrophilic. Sa pormang yan ay nagkaroon ng tinatawag na micelle. Na trap na ang dumi at magkakaroon na ng proseso ng paglilinis.

HIRAP ako sa chemistry mga friends! 😀 😀

Basta yun na yun! Ang importanteng tandaan nalang ay, kung lalabhan mo lang sa tubig ang maduming damit, hindi matatanggal ang dumi.

Kaya importanteng sangkap ang surfactants sa mga sabon.

Ang surfactant ay may may iba’t ibang uri rin. Kailangan mo rin itong intindihin para makapag formulate ng produktong panglinis.

Iba’t ibang uri ng SURFACTANTS

Ang surfactants ay may 4 na uri

  1. Anionic surfactant- negative charge ( – )
  2. Nonionic surfactant- no charge
  3. Cationic surfactant- positve charge ( + )
  4. Amphoteric surfactant- postive or negative charge ( + / – )

ANIONIC SURFACTANTS

Ang anionic surfactant ay may high foaming ability kung ikukumpara sa tatlo pang uri ng surfactant. Pero mataas din ang tendency o risk na magkaroon ng iritasyon sa balat. Kaya kadalasan kung gagamitin sa paggawa ng personal care products, hinahaluan ito ng secondary surfactant kagaya ng amphoteric surfactant.

Halimbawa ng anionic surfactants

  1. Ammonium lauryl sulfate
  2. Sodium lauryl sulfate
  3. Sodium lauroyl sarcosinate
  4. Sodium cocoyl isethionate ( SCI )
  5. Sodium laureth sulfate ( SLES )
  6. Sodium stearate
  7. Potassium cocoate

NONIONIC SURFACTANTS

Since no charge and nonionic surfactant, ito ay sinasabing neutral. Ang nonionic surfactants ay low foaming, dahil sa characteristic na yan hindi ito nagcre create ng tinatawag sa ingles na ¨scum¨ kung ang uri ng tubig na gamit ay hard water. Ginagamit din ito bilang secondary surfactant ng anionic surfactant dahil nga ito ay milder. Para maiwasan ang potensyal na magkaroon ng iritasyon.

Halimbawa ng nonionic surfactants

  1. Decyl glucoside
  2. Coco glucoside
  3. Cocamide monoethanolamine ( MEA )
  4. Cocamide diethanolamine ( DEA)

CATIONIC SURFACTANTS

Ang cationic naman kadalasang ginagamit kung ang gustong gawing produkto ay may anti static effect kagaya ng fabric conditioner. Ito rin daw ay ginagamit dahil sa bactericidal effect nito. Kung compatibility naman, ang cationic surfactant ay compatible sa nonionic surfactant at amphoteric surfactant pero hindi sa anionic surfactant.

Halimbawa ng cationic surfactant

  1. Alkyl ammonium chloride

AMPHOTERIC SURFACTANTS

Ang amphoteric ( Zwitterionic ) surfactant naman ay pinapalakas ang cleaning at foaming capacity ng anionic at nonionic surfactants. Kaya ito ay kadalasang hinahalo sa paggawa ng mga body wash, shampoo at iba pang cleaning products.

Halimbawa ng amphoteric surfactants

  1. Cocamidopropyl betain
  2. Lauryl betaine

Ilan lang yan sa mga uri ng surfactant na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang uri ng sabon. Ilan lang ang nabanggit ko dahil ang ibang surfactants ay hindi accessible sa mga pribadong indibidwal.

Next naman na kailangang alamin ay ang ASM ng surfactant na gagamitin sa formulation ng gagawing cleaning products.

Ano ASM ng surfactants

Ang ASM/Active Surfactant Matter ay ang concentration ng actives na meron sa isang produkto. Bumili ka halimbawa ng isang nonionic na produkto. Ang isang bote ng coco glucoside ay hindi purong 1 bote ng coco glucoside yan. Ito ay maaaring 50/50, 50% coco glucoside na hinaluan ng 50% water.

Pag bibili ng produkto, dapat nakalabel ang ASM ng produkto. Para alam mo kung paano mo ica-calculate at malaman mo ang concentration na gagamiting surfactants sa mga gagawing mong handwash, face wash, shampoo o ano pa man.

Paano mag calculate ng ASM ng surfactant

Madali lang magcalculate ng asm ng surfactant. Alamin mo ang ASM ng ng produktong surfactant na binili mo.

HALIMBAWA

Gusto kong gumawa ng Liquid hand wash. Gagamit ako ng coco glucoside at coco betaine. Ang gusto kong concentration ng aking DIY liquid hand wash ay 18%.

Idi-distribute mo ngayon ang 18% sa 2 surfactants na gagamitin.

Coco glucoside- 10%

Coco betaine- 8%

Pagkatapos mong idistribute ang concentration ng ASM, idi-divide mo ito sa ASM ng surfactants.

Halimbawa

Coco glucoside- 10/50%= 20

Coco betaine- 8/30%= 26.6

Yan ngayon ang gagamitin mong dami ng surfactant sa gagawing mong liquid handwash.

Pero huwag mo ng intindihin ang asm calculation na yan. Dahil sa bawat uri ng surfactants, meron silang tinatawag na usage rate.

Halimbawa, ang coco glucoside ay maaari mong gamitin hanggang 50%. Pero kung yan ang percentage na gagamitin mo, malamang harsh ang magagawa mong sabon sa kamay.

Ang ginagawa ko, naglalaan ako ng percentage sa sabon at depende kung saan gagamitin.

Halimbawa

  1. Face- 3-15%
  2. Shampoo- 8-25%
  3. Body- 18-30%
  4. Hand- 10-25%
  5. Baby- 8-20%

Kagaya ng ginawa kong sabon para sa kamay, gumamit ako dito ng coco glucoside 10% at coco betaine 8%. Total ng surfactant na ginamit ko ay 18%.

Paano gumawa ng BASIC liquid Handwash

MGA SANGKAP O INGREDIENTS

  1. Water- 207.60
  2. Coco glucoside 30
  3. Vegetable glycerine- 30
  4. Xanthan gum- 0.9
  5. Coco betaine- 24
  6. Color yellow- q,s
  7. Fragrance oil– 6
  8. Preservative- 1.5
  9. Salt- q.s

Paraan ng paggawa ng Basic liquid handwash

  1. Paghaluin ang vegetable glycerin at xanthan gum. Haluin hanggang sa maging gel like ang consistency nito.
  2. Ihalo ang #1 sa distilled water. Haluing mabuti hanggang incorporated ang mga sangkap.
  3. Ipainit ng bahagya kung kinakailangan.
  4. Ihalo ang surfactant na coco glucoside sa #3. Haluin. Huwag masyadong mabilis para hindi makagawa ng sobrang bula.
  5. Lagyan ng fragrance oil o essential oil. Ang ginamit ko dito ay honey fragrance oil.
  6. Ilagay ang coco betaine. Haluin.
  7. Lagyan ng asin o salt brine para lumapot ng bahagya. Tandaan rin na ang texture o consistency ng ginagawang produkto ay makikita mo after 24 hours, kaya chill sa pagpapalapot.
  8. Ilagay ang gagamiting preservative.
  9. I check ang PH at i-adjust ito.
  10. Lagyan ng kulay kung gusto. Dahil sa honey scent ang fragrance oil na ginamit ko dito, nilagyan ko ito ng kulay dilaw.

Ready na ang liquid hand wash na DIY 🙂

DIY o homemade na liquid handwasd sa pump bottle. Gamit ang surfactant
Panoorin ang YOUTUBE Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *