April 22, 2024
Paggamit ng kamatis sa mga gagawing diy o homemade skin and hair care products

Mga benepisyo ng kamatis sa Balat o kutis

Sharing is Caring

Kainin mo man o ipahid ng direkta sa balat, makukuha mo ang benepisyo ng kamatis. Marami tayong mga putahe na may sangkap na kamatis. Sa ating pinoy style vegetable salad, dapat may kamatis. Bukod sa nagpapasarap ang kamatis sa ulam, napakarami pa nitong mga properties na nakakatulong sa ating kalusugan. Sinasamantala ko pag panahon ng kamatis dahil ito ay mura. Pag maraming kamatis, ang spaghetti, imbes na ready made spaghetti sauce ang gagamitin, gumagamit ako ng fresh tomatoes. Highly valued ko ang prutas na ito noon pa man. Kainin mo man o ipahid sa balat, may mga benepisyong hatid ito.

Naaalala nyo si Maritoni Fernandez? Na diagnosed siya ng breast cancer halos dalawang dekada na ang nakaraan. Noong gumaling siya o naging breast cancer survivor siya, nainterview siya ng isang tv program. Isa sa mga shinare niyang diet ay ang pagkain ng kamatis. From then on, sinigurado ko na may kamatis sa diet ko at siempre sinasama sa pag-aalaga sa balat.

Maraming mga benepisyong hatid ang kamatis sa kalusugan at napatunayan na yan ng siyensiya o agham. Sa artikulo ng healthline, sinabi dito na ang kamatis ay mayaman sa bitamina at mineral. Mataas din ito sa vitamin c na isang antioxidant. Ang iba pang compound na binanggit sa article ay mga antioxidant gaya ng lycopene, betacarotene, naringenin at chlorogenic acid.

Sa pagkain ng kamatis, hindi lang ang kalusugang internal ang magbebenepisyo. Magbebenepisyo rin ang panlabas mong kalusugan- ang iyong balat, buhok, isama mo na rin ang iyong mga kuko.

Maaari mo ring gamitin ang kamatis sa iyong skin care routine, meron din itong benepipsyo kung gagamitin topically.

Mga benepisyo ng Kamatis sa Balat o Kutis

  1. Vitamin C– mataas sa vitamin c ang kamatis. Ang vitamin c ay isang antioxidant. Nilalabanan nito ang mga free radicals na dahilan ng mga kulubot at dark spots na namumuo sa balat. Nakakatulong din ang vitamin c sa production ng collagen.
  2. Antioxidant properties– dahil sa antioxidant properties nito maaaring maprotektahan ang balat mula sa mga epekto ng free radicals kagaya ng wrinkles at age spots.
  3. Enzymes– ang enzymes sa kamatis ay nakakatulong sa exfoliation ng mga dead and old skin cells sa balat. Natural nitong babalatan ang kutis para mag rejuvenate at mag regenerate.

Paano gamitin ang Kamatis sa Balat

1.Face mask– ang paggawa ng tomato face mask ay isang paraan sa paggamit ng kamatis sa balat.

2. Juice– maaari ring ipahid ang napigang katas ng kamatis sa mukha. Maaari ring maghiwa ng kamatis at ito ang ipahid sa bagong hilamos na mukha.

3. DIY skin care products– maaari ring gamitin itong sangkap kung gumagawa kayo ng inyong sariling skin care products sa bahay.

Paano gumawa ng face mask gamit ang kamatis

Face mask na may Kamatis

Recipe #1

Mga sangkap

  1. Gram flour- 1 kutsarita
  2. Kamatis- 1 small size
  3. Extra virgin olive oil- 1 kutsarita

Paraan ng paggawa ng face mask na may kamatis

1. Tanggalin ang balat ng kamatis. Banlian ito ng mainit na tubig o pakuluan.

2. I mash ang kamatis gamit ang tinidor.

3. Ihalo ang gram flour, extra virgin olive oil sa na mashed na kamatis.

4. Haluing mabuti ang mga sangkap. Maaari pang magdagdag ng gram flour kung hindi nakagawa ng malapot na consistency.

I-apply sa mukha ang kamatis face mask sa bagong hilamos na mukha at ibabad ng at least 5 minutes. Tanggalin ang mask sa mukha in scrubbing motion para ma exfoliate ang balat. Mag hilamos ng maligamgam na tubig. Maglagay ng moisturizer sa iyong bagong scrub na balat.

Ang recipe na ito ay pwede sa all skin types 🙂

Recipe #2

Mga sangkap

  1. Kamatis- 1 small size
  2. Aloe vera gel- 2 kutsara
  3. Fresh milk o yogurt- 3 kutsara
  4. Oatmeal– 1 kutsara

Paraan ng paggawa

  1. Banlian ng mainit na tubig ang kamatis para matanggal ang balat.
  2. Pagsama samahin ang lahat ng sangkap, kamatis, aloe vera, gatas at oatmeal.
  3. I blend ito o gumamit ng mortar and pestle para mapalapot ang mga sangkap.
  4. Magdagdag lamang ng yogurt o fresh milk kung sa tingin mo ay kulang sa likido.
  5. Ilagay ang nagawang face mask sa isang container na may takip. Pwede itong tumagal sa fridge ng ilang araw.

2-3 na kutsara lamang ang kakailangin mo para gamiting mask sa bagong hilamos na mukha. After 5 minutes ( at least ), tanggalin ito in scrubbing motion pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig. Mag-apply ng moisturizer.

Maganda itong gamitin ng may oily skin o acne prone skin. Magbebenepisyo ang may acne prone skin sa oatmeal dahil ito ay soothing sa balat. At ang isa pang benepisyo ng oatmeal ay may kakayahan itong i-absorb ang sobrang langis sa balat.

Paano gamitin ang kamatis sa paggawa ng DIY skin care products sa bahay

Tuyong pulbos ng prutas ng kamatis ang ginagamit ko sa aking mga ginagawang DIY skin care products sa bahay. Ginagamit ko ito sa paggawa ng toner, sabon gamit ang sodium o potassium hydroxide o surfactant, at sa mga creams o lotion.

Kung ihahalo ko naman ang kamatis sa mga creams, gumagawa ako ng extract.

Extracts and tinctures ng spices and herbs.

Paano gumawa ng Face wash na may Kamatis extract

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG BASIC FACE WASH NA MAY KAMATIS EXTRACT

  1. Water- 69g
  2. Olive oil- 5g
  3. Fluid lecithin-0.7g
  4. Vegetable glycerin- 5g
  5. Xanthan gum- 0.3g
  6. Coco glucoside- 8g
  7. D-panthenol- 0.5g
  8. Kamatis-extract- 5g
  9. Essential oils- 1g
  10. Cocamidopropyl betaine- 5g
  11. Preservative- 0.5g
  12. Color- optional

PARAAN NG PAGGAWA NG BASIC FACE WASH NA MAY KAMATIS EXTRACT

1. Ihalo ang extra virgin olive oil sa tubig. Haluin. Ilagay ang fluid lecithin.

extra virgin olive oil na gamit sa pagkain at hair and skin care products.
Iba't ibang gamit ng fluid lecithin sa paggawa ng skin at hair care products sa bahay.

2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang vegetable glycerin at xanthan gum hanggang maging gel-like ang consistency. Ihalo ito sa pinagsamang tubig, olive oil at lecithin.

3. Ipainit sa hot water bath hanggang sa matunaw at incorporated ang lahat ng sangkap.

4. Tanggalin sa apoy. Ilagay ang coco glucoside na surfactant. Haluin.

5. Siguraduhing bumaba ang temperatura sa 40 degrees bago ihalo ang

a. D-panthenol

b. Tomato extract

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

c. Essential oils- ang ginamit kong sukat ng essential oils ay 1g. Tatlong uri ng essential oil ang ginamit ko dito, marjoram, lavender at tea tree essential oil.

d.Preservative

6. Ihalo ang coco betaine.

7. Kunin ang ph at i-adjust ito.

8. Maaaring lagyan ng kulay, pero ito ay optional.

9. Ilagay sa gagamiting container ang basic face wash na may kamatis extract.

Ang Face wash ay maaari ng gamitin.

Liquid face wash na gawa sa kamatis at dalawang uri ng surfactants
Panoorin ang YOUTUBE Video

Kung hindi kayo kontento sa consistency, maaaring gumawa ng salt brine para lumapot ito. Lagyan ng 2grams ng sea salt ang 8g na maligamgam na tubig. Haluin ito hanggang matunaw ang asin. Palaputin ang ginagawang liquid soap gamit ang salt brine. Ipatak ang salt brine sa face wash, haluin. Gawin ito hanggang makuha ang lapot na nais.

Paggamit ng Olive oil

Maraming benepisyo ang olive oil pero sa kasamaang palad ang langis na ito ay comedogenic sa iba lalo na sa may sensitibong balat. Kaya kung nagkakaroon ng break out ang iyong balat, maaaring gumamit ng ibang langis.

Paggamit ng essential oils

Iba't ibang uri ng essential oils sa brown bottles

Tatlong uri ng essential oils ang ginamit ko dito. Herbaceous aroma ang amoy ng basic face wash na ginawa ko. Hindi ko nagustuhan ang amoy pero nakatulong sa pangangati at dryness ng aking balat. Pumili ng essential oil na nais ninyong gamitin. Kung walang essential oil, maaaring gumamit ng fragrance oil. Maaaring walang benepisyo ang fragrance oil sa balat pero magagawa nitong exciting ang DIY face wash.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *