February 23, 2024
Ano ang tamang pag inom ng tubig para sa kalusugan ng katawan.

Ang epekto ng pag inom ng tubig sa kalusugan ng katawan

Sharing is Caring

Ang tubig ay tinatawag na universal solvent. Dahil sa lahat ng likido, ang tubig ang nakakatunaw ng maraming sangkap. At ang katawan natin ay naglalaman ng 50%-70% ng kabuuan ng ating timbang. Kulang o sobra man ang ating iniinom na tubig, meron itong epekto sa katawan. Napakaimportante ng tubig sa ating kalusugan. Ayon sa mga eksperto, mabubuhay ka ng 2-3 buwan sa hindi pagkain pero hindi sa paginom ng tubig. Pero ano nga ba ang epekto ng tubig sa kalusugan ng ating katawan panloob man o panlabas. Paano mo masasabi na kulang, sobra o tama lang ang naiinom mong tubig sa araw araw?

Maraming senyales na mangyayari sa ating katawan kung kulang o sobra ang iniinom natin.

Tignan natin ang hindi magandang mangyayari sa ating kalusugan kung ito ay kulang sa tubig.

Epekto sa kalusugan ng katawan pag kulang ang iniinom na tubig

1.Balat o kutis– maraming epekto sa kutis o balat ang kakulangan ng tubig na iniinom. Ang kakulangan ng tubig ay maaaring maging sanhi ng dry skin, dry lips, magaspang na kutis, wrinkles, fine lines, dark circles sa mata, pangangati ng balat, open pores, pagluyloy ng balat, tigyawat o acne, stretch marks, at marami pang iba.

wrinkles o kulubot sa mukha
Sanhi ng stretch marks o striae

2. Sakit sa ulo– ang sakit ng ulo ay maaaring epekto rin ng kakulangan ng iniinom na tubig lalo na sa nakatira sa mainit na lugar.

lalake na masakit ang ulo

3. Pagkahapo o fatigue– may epekto rin sa kalusugan pag kulang sa paginom ng tubig. Pag hindi kontento sa tubig ang ating katawan, mahihirapan ang sirkulasyon ng dugo dahil ang ating dugo ay may 90% tubig. Yan yung tinatawag na plasma.

4. Kulay at dami ng ihi– makikita mo rin ang kakulangan ng tubig sa kulay at dami ng ihi. Ang kulay na dark yellow ay dahil sa breakdown ng bilirubin. Ito yung yellow pigment na nakikita sa ating apdo at tumataas ang concentration nito sa ihi sa panahon na umiihi tayo ng konti dahil hindi sapat ang ating iniinom.

5. Hindi makatae o constipation– isa ang tubig ang nakakatulong sa pagpapalambot ng ating mga dumi bukod sa kinakain at lifestyle. Kaya kung mayat maya ay nahihirapan kang dumumi, maaaring kulang ang tubig na iyong iniinom. Pero kung sa tingin mo ay sapat naman ang naiinom mong tubig, mas mabuting magpatingin sa doktor.

6. Toxins– sa pag papawis at pag ihi ang paraan ng katawan sa pagtanggal ng toxins. Ito ay para mabawasan ang toxins build up. Kaya kung hindi sapat ang iniinom mong tubig, maiipon at maiipon ang toxins. At ayon sa mga eksperto, ang toxins sa katawan ay sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit.

7. Oral health– ang ating laway ay binubuo ng tubig. Pag kulang tayo sa tubig, ang epekto nito ay konti rin ang nagagawang laway. Ang laway ay importante sa kalusugan ng ating bunganga. Proteksyon ang laway mula sa sobrang acid at proteksyon sa mga bacteria na nagiging sanhi ng mga sakit sa gilagid at bunganga.

Ang tamang pagaalaga ng ngipin

Pag meron tayong dry mouth dahil kulang sa tubig, nagkakaroon din tayo ng mabahong hininga.

Sa digestion ng ating pagkain, tumutulong ang ating laway sa pagtunaw ( digestion ) ng ating kinakain at pagpapadulas ng pagkain sa ating paglulon.

8. Heat stroke– ang heat stroke ay ang pinakamalalang sakit na makukuha sa sobrang init ng katawan sanhi ng init ng panahon. Dahil sa kulang ang tubig ng katawan, wala itong paraan para magpawis. Walang paraan para ang katawan ay magpababa ng temperatura sa pamamagitan ng pagpapawis.

9. Urinary tract infection– ayon sa isang artikulo, ang kakulangan ng tubig sa katawan ay maaaring maging sanhi ng UTI o urinary tract infection. Hindi sapat ang likido para i flush ang mga bacteria sa ating urethra.

10. Sakit sa kasukasuan– ang tubig ay bahagi ng tinatawag na synovial fluid. Ang sakit sa kasukasuan, arthritis o rheumatoid arthritis ay sanhi ng kakulangan ng tubig.

Pero hindi rin maganda na uminom ng sobrang tubig.

Kaya tignan natin ang iba’t ibang senyales na ikaw ay umiinom ng sobra tubig.

Ano ang mga senyales na sobra sobra ang iniinom mong tubig

Ang sobrang pag inom ng tubig ay toxic din. Meron parin itong hindi magandang epekto sa kalusugan ng katawan. Sa sobrang tubig, nagkakaroon ng imbalance ng electrolyes sa ating katawan. Isa na diyan ang sodium. Kung sobrang diluted na ang sodium at iba pang electrolytes, maaari itong humantong sa kondisyon na tinatawag na hyponatremia.

Mga senyales na sobra ang tubig sa katawan

  1. Malinaw na ihi
  2. Sakit sa ulo
  3. Nahihilo at nasusuka
  4. Muscle weakness at muscle cramps
  5. Pagkahapo o fatigue
  6. Pamamaga ng kamay at paa
  7. Masakit na kasukasuan

At ang pinaka seryosong maaaring mangyari na sanhi ng hyponatremia ay ang

Seizure at Coma

Kaya importante na tamang dami lang ng tubig ang inumin. Dahil pag sobra o kulang hindi maganda ang epekto nito sa kalusugan ng ating katawan.

Kailangan na sapat lang.

Sa lahat ng bagay, pag kulang o sobra ay hindi maganda.

Pero paano mo nga ba malalaman ang dami ng tubig na kailangan mong inumin araw-araw?

Ano ang basehan?

Dami ng tubig na kailangang inumin araw-araw

Naririnig na natin ang>>> uminom ng 6-8 baso ng tubig araw araw para sa kalusugan ng katawan. Pero ang pag inom daw ng tubig ay hindi one size fits all. Dapat mong i calculate ang iyung timbang para malaman kung gaano kadami ng tubig ang pangangailangan ng katawan.

At kung ikaw ay nasa sumusunod na sitwayon, kailangan mo pang magdagdag ng tubig pag ikaw ay;

  1. Exercise
  2. Pag nagpapasuso
  3. Klima/climate
  4. Pag may sakit kagaya ng lagnat

Paano i calculate ang dami ng tubig na kailangang inumin ?

Sa timbang daw natin nalalaman yung dami ng tubig na kailangan nating inumin at hindi sa 6-8 glasses of water a day. Estimate lang daw yan. Kaya kung kailangan mong malaman ang dami ng tubig, kailangang kalkulahin mo ang iyong timbang.

Madali lang naman ang formula, body weight at 0.5 lamang.

Weight in pounds multiplied by 0.5 equals oz of water.

Ano ang tamang pag inom ng tubig para sa kalusugan ng katawan.

Halimbawa

1.Normal acitivty– weight in pounds x 0.5 = dami ng tubig na kailangan mong inumin.

Halimbawa: 120lbs x0.5= 60 oz ang dami ng tubig na kailangan mong inumin.

2. Exercise– pag nag e exercise naman, kailangan mong magdagdag ng 12 oz ng tubig kada 30 minutos ng exercise.

Halimbawa: 60 oz ( normal activity ) + 60 ( minutes ) / (30 minutes ) x 12 oz = 84 oz ang dami ng tubig na kailangan mong inumin.

Anong mga benepisyo sa kalusugan ng pag inom ng tubig

Pag sapat ang iniinom mong tubig, magbebenepisyo ang iyong kalusugan.

  1. Mapapanatili ang magandang kalusugan ng ating balat o kutis
  2. Maiiwasanan ang mga sakit kagaya ng kidney stones
  3. Mapapanatili ang magandang kalusugan ng ating bunganga at ngipin
  4. Nagtatanggal ng toxins sa katawan
  5. Regular ng pagdumi
  6. Maiiwasan ang sakit sa kasukasuan

Kaya importnate na pagkagising sa umaga, tubig ang kailangan na ipapasok sa ating katawan dahil marami itong benepisyong hatid sa kalusugan. Uminom ng maligamgam na tubig.

Maaari mo ring i level up ang iniinom mong tubig sa pamamagitan ng pagpiga ng lemon dito. Makakadagdag din ang lemon sa ating kalusugan dahil sa mga benepisyo nito.

Tubig o hydration para maiwasan ang stretch marks
Panoorin ang VIDEO

Para sa videos, maaaring panoorin sa diylangyan youtube channel

diylangyan logo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *