February 23, 2024
Mga herbal at sangkap sa kusina na panlaban sa kanser

Ano ang kanser? Herbal o halaman na panlaban sa kanser

Sharing is Caring

Ang malignant neoplasm o kanser ay ang sakit na nasa number 3 ng statistic ng mortality sa Pilipinas. Siempre, nangunguna diyan ang heart diseases at sakit sa vascular system. Nakakatakot ang sakit na ito. Parang halos lahat ng nada- diagnosed ng sakit na ito ay may takot. May feeling na tapos na ang kanilang buhay. Hindi ba’t nakakamangha na karamihan parin ng tao ay naghahanap parin ng herbal para labanan ang kanilang karamdamang kanser?

Natural parin ang kanilang hinahanap para lunasan ang kanilang karamdaman? Maaaring dahil siguro sa presyo at epekto sa katawan ng conventional medicine kaya sa natural na lunas parin bumabalik balik ang mga tao. At siempre, ang mga negosyante ng mga natural health supplements ay talaga naman nagkakamal ng yaman. 😉

Importante parin na magpatingin sa doktor kung may kanser dahil pwede parin naman gumamit ng mga supplementong binibentang nagsasabing nakakagamot sa kanser.

Bahagyang talakayin natin ang kung ano ang kanser/cancer? Ano ang sanhi ng kanser? Ano ang senyales ng kanser? Ano ang mga iba’t ibang uri ng kanser? At kung ano ang mga herbal ( at spices ) na may potensyal sa paglaban ng kanser.

Ano ang kanser?

Ayon sa isang article, ang kanser ay;

Cancer is a disease in which some of the body’s cell grow uncontrollably and spread to the other parts of the body

cancer.gov

Lahat ng kanser ay nagmumula sa selula at dahil ang katawan natin ay binubuo ng cells ( trillions of cells ), ang kanser ay maaaring tumubo sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Ang pagdami at paglaki ng mga cancerous cells ay mas mabilis sa mga normal cells. Lumalaki ng lumalaki ito hanggang sa nai-invade na nito ang ibang organs ng ating katawan.

Ano ang sanhi ng kanser o risk factors

  1. Genetic/Hereditary– ang ating katawan ay may tinatawag na DNA ( deoxyribonucleic acid ) na siyang nagko kontrol sa galaw ng cells. Nagkakaroon ng damage sa ating DNA dahil sa ¨genetic mutation¨
  2. Lifestyle– ang lifestyle ay isa rin sa risk factor ng kanser. Alak, sigarilyo, sedentary lifestyle, pagkaing carcinogenic, exposure sa mga kemikal at environment.
  3. Virus– mga common na virus ay ang human papilloma virus, hepatitis b virus, epstein barr virus.
  4. Edad– habang tayo ay tumatanda, dumadami at dumadami ang mga sirang cells. Ayon sa statistic ng national cancer institute ng amerika, tumataas ang mga nada diagnosed ng kanser habang pataas ng pataas ang edad.
  5. Timbang/weight– ang taong sobra sa timbang ay maaari rin daw na maging at risk na magkaroon ng kanser dahil sa sobrang body fat.
  6. UV radiation/UV rays– ang sobrang exposure sa uv radiation o uv rays ay nakakasira sa DNA ng cells ng balat.
  7. Stress– pag stressed daw ang isang tao, tumataas ang level ng hormones kagaya ng adrenaline, cortisone at iba pang hormone. Pag parating psychologically stressed ang isang tao, hahantong ito sa chronic na mga sakit na maaaring humantong sa kanser.

Paano makaiwas sa sakit na kanser?

Para makaiwas sa kanser, tignan ang mga nabanggit na sanhi o ¨risk factors¨ng kanser sa taas. Hindi ibig sabihin na mamanahin mo ang kanser ng iyong pamilya. Ang ibig sabihin lang niyan ay at risk ka. Pero importante parin ang ¨healthy lifestyle¨ at bawasan ang stress sa buhay.

  1. Exercise at panatilihin ang tamang timbang.
  2. Huwag manigarilyo at sobrang paginom ng alak. Ang epekto ng vape ay parang epekto rin ng sigarilyo.
  3. Limitahan o umiwas sa pagkain ng mga pagkaing maaaring magdulot ng cancer o yung tinatawag na carcinogenic. Kumain ng maraming prutas at gulay. Mga pagkaing mayaman sa antioxidants para labanan ang free radicals.
  4. Basahin ang mga sangkap sa mga ginagamit ninyong skin and hair care products, lipstick at makeup. Marami sa mga sangkap ng isang produkto ay maaaring magdulot ng sakit na kanser.
  5. Limitahan ang paggamit ng mga kemikal na ginagamit na panglinis sa bahay kagaya ng disinfectants, air freshener at iba pa.
  6. Umiwas sa hindi ligtas na pakikipagtalik.
  7. Huwag sobrahan ang exposure sa sinag ng araw. Gumamit ng sun block o sun screen kung lalabas ng bahay.
  8. Umiwas sa stress. Magexercise para natural na mag release ng endorphin ang iyong katawan. You may find this ¨corny¨ pero effective ang DASAL 🙂 Philippians 4:6

Mga karaniwang uri ng kanser

  1. Carcinoma
  2. Sarcoma
  3. Leukemia
  4. Lymphoma
  5. Multiple myeloma
  6. Melanoma
  7. Brain & spinal cord tumors

Mga senyales o palatandaan ng kanser sa katawan

C- hanges in bowel or bladder habits. Ang pagbabago sa bowel habits ay maaaring diarrhea o constipation at may dugo sa dumi. Ang changes in bladder habits naman ay hindi makaihi, hindi ma kontrol ang ihi, may nararamdamang sakit pag umiihi at may dugo sa ihi. Maaaring ito ay colorectal cancer o prostate cancer.

A-

sore or lesion that does not heal. Hindi gumagaling na sugat at lalong lumalala at sumasakit. Tignan din kung ang sukat ng sugat ay lalong lumalaki. Ang senyales na ito ay maaaring oral cancer.

U- nusual bleeding or discharge from any part of the body. Ang mga halimbawa nito ay sa ari ng babae. In between menstruation ay may blood discharge. Dugo na lumalabas sa nipple. Dugo sa ihi. May sumasamang dugo pag umuubo. Dugo sa suka. Maaaring ito ay kanser sa cervix, kanser sa dibdib, kanser sa baga.

T- hickening or lump in the breast or elsewhere in the body. Yan yung tinatawag na tumor. Ito ay pagtigas ng tinatawag na tissue ( group of cells ). Ang tumor ay maaaring benign o malignant. Para malaman ng doktor kung ito ay dapat ikabahala o hindi dahil ito ay benign, iba-biopsy ang laman na nakuha. Kung may nakapa kayo sa inyong dibdib, importante na magpatingin sa doktor.

I- ndigestion or difficulty swallowing. Nakakaranas naman tayo na hindi natutunawan dahil sa dami o tipo ng pagkain. Pero kung madalas, nahihilo o nasusuka, magandang bigyan ng pansin ang senyales na ito. Meron din yung mahihirapan sa paglulon ng pagkain at pag lumulunok ay masakit. Ang hindi natutunawan at sakit sa paglunok ng pagkain ay maaaring kanser sa bunganga o bibig, kanser sa tiyan.

O-bvious change in wart or mole. May ABCDE rule na ginagamit ang mga doktor o oncologist. Ang obserbahan dito ay ang size, color and shape. Pag ito ay lumalaki, nag iiba ang kulay at nagbabago ng hugis, magandang ipatingin ito sa doktor. Ang normal na nunal ay hindi lumalaki. Pag hinaplos mo ang nunal ay dapat smooth o flat, walang umbok. Consistent ang kulay ng nunal.

N-agging cough or persistent hoarseness that last for months or more. Ito ay maaaring throat or lung cancer lalo na kung may dugo sa pag ubo. Ang matagal na ubo at pamamalat na tumatagal ng ilang linggo ay isang bagay na dapat ikabahala lalo na kung kayo ay naninigarilyo. Kadalasan pag inuubo ang naninigarilyo, sasabihin ito ay smoker’s cough. Para sigurado, magpatingin sa doktor.

U- nexplained anemia. Ang anemia naman ay ang kondisyon na kung saan ay nagkukulang ang iyong katawan ng healthy na red blood cells. Ang red blood cells ay ang responsable sa pagdala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Makakaramdam ka ng pagkahapo, panghihina, pamumutla, malamig ang kamay at paa at naninikip o masakit ang dibdib.

S-udden weight loss. Ang hindi maipaliwanag at sobrang pagbaba ng timbang ay unang senyales na naobserbahan ng karamihan sa mga diagnosed ng kanser. Kasama rin diyan ang pagkahapo at nakakaramdam ng panghihina ng buong katawan.

Dapat madaling maalala yan dahil ang magiging palatandaan ay ang salitang- CAUTION US.

Ang mga benepisyo ng mga pampalasa sa inyong kusina

Mga herbal na maaaring gamot at pang iwas sa kanser

Ang mga susunod na spices and herbs ay nakikitaan ng potential na may kakayahan na labanan ang mga cancer cells.

Disclaimer

Kung meron na kayong kanser, sundin parin ang payo ng doktor. Inumin ang dapat inumin. Gawin ang dapat gawin. Magpatingin parin sa doktor at huwag umasa sa mga herbal. Gamitin lamang ito bilang suplemento.

Sa kagaya kong walang nararamdaman, mabuti na i-incorporate ito sa araw araw na pagkain at inumin. Maaaring ihalo sa pagluluto ng ulam o gawing tea. Maraming lutuin na maaari ninyong gawin kagaya ng middle eastern at indian recipe.

  1. Allspice- kanser sa dibdib, prostate cancer
  2. Basil- kanser sa dibdib
  3. Paminta/Black pepper- kanser sa colon, kanser sa atay
  4. Cardamom- kanser sa dibdib, colorectal cancer, kanser sa atay
  5. Cinnamon– iba’t ibang uri ng kanser
  6. Clove– kanser sa baga, kanser sa dibdib
  7. Coriander- kanser sa atay
  8. Cumin- colon cancer
  9. Dill- kanser sa dibdib
  10. Garlic/Bawang– iba’t ibang uri ng kanser
  11. Ginger/Luya– gastrointestional cancer ( colorectal cancer, pancreatic cancer, etc ), kanser sa atay,
  12. Guyabano leaves- colorectal cancer, kanser sa atay, kanser sa baga, melanoma, pancreatic
  13. Mint- colon cancer
  14. Parsley- kanser sa baga
  15. Rosemary– kanser sa dibdib, endometrial cancer, cancer of the cervix, ovarian cancer, prostate cancer, kanser sa atay
  16. Thyme- kanser sa dibdib
  17. Turmeric o luyang dilaw- kanser sa dibdib, colon cancer, pancreatic cancer, prostate cancer

Again, para lang mag remind uli, hindi ito approved ng FDA kaya huwag gamitin lunas o gamot ng kanser. Ang mga herbal na ito ay gamitin bilang prevention at supplement. Ihalo sa pagluluto o gawin tea.

Remember..,

Prevention is Better than CURE 🙂 🙂 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *