April 22, 2024
Iba't ibang porma ng luya, fresh, powder, oil

Gamitin ang luya sa sakit ng ulo

Sharing is Caring

Ang luya ay ang common na spice na makikita natin sa mga kusina ng mga Pilipino. Kadalasan din ay hindi ito nagagamit bilang natural na lunas ng karamdaman kagaya ng, sakit sa ulo, ubo o sipon. Ito ay isa lamang sa mga natural na lunas na makikita nyo sa inyong kusina. At isa lamang ito sa mga benepisyo na makukuha natin mula sa mga simpleng pampalasa sa kusina.

Paano gamitin ang luya sa sakit ng ulo

Maaaring gumamit ng fresh ginger/luya, pulbos, pinatuyong luya, at meron ding langis na luya o ginger essential oil. Ang mga ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan.

1. Salabat o Ginger Tea– para sa ginger tea, maaaring gumamit ng powder o fresh o dry na luya. Ang fresh na luya ay maaari mong gamitan ng grater para mas madaling lumabas ang katas pag pinakuluan.
    Dagdagan ng lemon juice o calamansi juice at honey ang ginger tea. Maaring inumin na medyo mainit pa o antayin na lumamig bago inumin.

Ginger tea o salabat at fresh ginger

2.  Ginger Tea Compress– ang luya ay maaari ring gawing compress para sa sakit ng ulo. Pakuluan ang 2-3 kutsarang grated na luya sa 1 tasang tubig ng 5-10 minutos. Salain ang napakuluang luya. Palamigin ang ginger tea. Pag ito ay malamig na, gamitin itong cold compress. Maaari ring gamitin ito bilang hot compress. Depende sa pangangailangan mo o kung anong temperatura ang mabisa sayo.

Spices & herbs tea compress
Spices & herbs tea compress method

3. Ginger Essential Oil– ang ginger essential oil ay isa lang sa mga essential oils na maaaring gamiting lunas sa sakit ng ulo. Ito ay maaari mong gawin sa tatlong paraan:

a. Compress (hot or cold)

Essential oil compress para sa sakit ng ulo

b. I-diffuse ang ginger essential oil. Maaring gumamit ng ultrasonic essential oil diffuser, nebulizer essential oil diffuser at iba pang paraan ng pag-diffuse ng essential oils.

mga ibat ibang paraan ng pagdiffuse ng essential na gamit sa aromatherapy

c. I-masahemag-dilute ng essential oil gamit ang carrier oil. At ito ang gamitin sa pagmamasahe sa ulo pati na rin sa katawan. Ito ay para lalong marelax ang taong nakakaranas ng pananakit.

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil


4. Ginger poultice– maaari ring magtapal ng luya sa noo. Ang paraan ay simple lamang, ibalot sa isang tela ang 2-3 kutsaritang nadikdik na luya at itapal ito sa noo. Talian ng bandana o retaso ng tela para mapanatili ang poultice sa noo. Banlawan ng maligamgam na tubig pagkaraan ng 1 oras.       

Ang isa pang maaaring gawin ay paghaluin ang grated na luya at dried clove. Paghaluin ito hanggang makabuo ng paste-like consistency. Itapal ito sa noo gamit ang bandana o piraso ng tela. Banlawan pagkatapos ng trenta minutos o 1 oras. Kung may sensitibong balat, ang cinnamon ay maaaring hindi pwede sa inyo.

Luya at clove na dinikdik hanggang maging paste

Ang isa pa sa benepisyo ng luya ay isa itong immunity booster. Maganda kung sa araw araw na naghahanda tayo ng pagkain, naglalagay tayo ng luya sa ating lutuin. Kung ito ay imposibleng magawa, maaari naman gumawa ng ginger water o uminom ng 1 tasang ginger tea o salabat sa araw araw.

Maraming dahilan ng sakit ng ulo, at marami rin naman paraan para maiwasan natin ito. Maglaan ng panahon para isipin at i-assess ang lifestyle o kung ano ang mga triggers kung bakit sumasakit ang ulo mo. Sa paraang ito, magagawan mo ng paraan para makaiwas dito.

Ginger ointment/Balm

Ang ginger ointment/balm o pamahid na luya sa ating wikang tagalog ay isang paraan na mas mapapadali ang paggamit nito. Kung ikaw ay paratiang may sakit na nararamdaman, ang ginger ointment o balm ay magandang gamitin. Dahil ito ay available agad agad.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *