April 22, 2024
Buhok na may balakubak o dandruff at apple cider vinegar

Paano gamitin ang Apple Cider Vinegar sa balakubak o dandruff

Sharing is Caring

Napakaraming benepisyo ng Apple cider vinegar. Merong benepisyo sa buhok, benepisyo sa kutis, pwedeng internal use. Isa pang benepisyo nito ay ang gamit nito bilang isa sa natural na lunas sa balakubak o dandruff.

Pero bago natin talakayin kung paano gamitin ang apple cider vinegar sa balakubak bilang natural na lunas, talakayin muna natin kung bakit ito epektibo sa balakubak at kati sa anit.

Bakit epektibo ang apple cider vinegar sa pagtanggal ng balakubak o dandruff?

BENEPISYO NG APPLE CIDER VINEGAR

Kagaya ng ibang suka, ang Apple Cider Vinegar o ACV ay acidic, pero ang kagandahan ng acidity nito ay ang kakayahang i-normalize ang PH level (Potential of Hydrogen) ng ating anit o scalp. Ang normal na PH level ng ating anit at buhok ay dapat nasa pagitan ng 4.5 to 5.5. Sa ph level na yan, nami maintain nito ang kaayusan at kondisyon ng anit.

Malassezia: ang mikrobyo sa inyong anit:

Bukod sa kakayahang ayusin ang ph level ng ating anit, ang apple cider vinegar ay may anti- fungal at anti-bacterial properties na kayang labanan ang sanhi ng balakubak kagaya ng Malassezia. Ito ang dahilan ng pangangati at dahilan ng iyong balakubak. Ito ay isang yeast-like fungus na kung saan sila ay sobrang dumadami.

Mga balakubak sa buhok at anit

Bukod sa kakayahan ng ACV na labanan ang mga mikrobyo at kakayahang isaayos ang ph level ng ating scalp, marami pang dulot na benepisyo ang apple cider vinegar sa buhok. Kung hindi naman available ang apple cider vinegar, wag kang mag-alala, marami ka pang pwedeng gamiting mga natural na lunas.

Paano gamitin ang Apple Cider Vinegar sa Balakubak o Dandruff

Ang paggamit ng apple cider vinegar bilang natural na lunas sa balakubak ay simple lang. Merong 2 paraan kung paano mo ito pwedeng gawin.      

1. Paghaluin ang equal parts ng apple cider vinegar at tubig. Halimbawa, 1 kutsarang apple cider vinegar, 1 kutsarang tubig. I-apply ito sa anit gamit ang cotton balls o cotton pads o di kaya ay ilipat ang mixture sa isang spray bottle.

Siguraduhing mabasa ng mixture ang anit, gamitin ang sobra sa buhok. Bahagyang imasahe ang anit. Pabayaan ng kahit 1 oras. Pagkatapos, magshampoo at banlawan. Di mo na kailangang mag-conditioner, dahil sa ACV pa lamang, ang buhok ay magiging malambot.

Paraan ng paggamit ng pinaghalong tubig at apple cider vinegar sa mangkok at cotton ball.

2. Maaari mo ring gamitin bilang pang huling banlaw sa buhok. Para sa apple cider vinegar hair rinse, kalahating tasang ( 1/2 cup) apple cider vinegar at kalahating tasang (1/2) tubig.

Dahil sa matapang ang amoy ng suka, ang ginagawa ng karamihang gumagamit ng lunas na ito, magbabanlaw ulit pagkatapos ibabad ang mixture. Pero personally, mas madaling gawin ang pinakaunang paraan.

Pinaghalong apple cider vinegar at tubig sa isang baso para gamiting pangbanlaw sa buhok

Basta sa paggawa ng mixture, equal parts ng tubig at suka. Gawin ang treatment na ito 2-3 beses lamang sa 1 linggo. Sa panahon ng rest period, maaaring gumamit ng iba pang natural na lunas sa balakubak.

Baking soda at Apple cider vinegar

Ang Baking soda ay isa ring natural na lunas sa balakubak, ito ay alkaline. Kaya mamili lang sa dalawa kung ano ang gagamitin sa isang linggo. At in between, gumamit ng ibang lunas kagaya ng mga herbal o mga langis na lunas sa balakubak.

Ang apple cider vinegar sa buhok ay maganda ring maintenance sa buhok. Dahil nililinis nito ang mga kemikals na mula sa ginagamit na shampoo at conditoner o hair cream.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *