April 22, 2024
Apple cider vinegar at sakit ng ulo

Apple Cider Vinegar sa sakit ng ulo

Sharing is Caring

Maraming paraan kung gagamitin ang apple cider vinegar sa sakit ng ulo. Isa ito sa napakaraming benepisyo ng apple cider vinegar bilang natural na lunas. Pagdating sa sakit ng ulo, maraming iba’t ibang paraan kung paano gamitin ang Apple Cider Vinegar, simple at ligtas na paraan.

Apple Cider Vinegar lunas sa Sakit ng Ulo

Ang apple cider vinegar sa sakit ng ulo ay may limang paraan ng paggamit. Piliin kung ano ang pwede mong gawin o kung ano ang mas convenient sayo.

1. Apple Cider Vinegar Steam inhalation– ang steam inhalation ay isang lumang pamamaraan na lunas sa mga sakit kagaya ng ubo, sipon at sakit ng ulo. May 2 paraan kung paano gawin ang prosesong ito.

a. Magpakulo ng 2 tasang tubig sa takure. Pag ito ay nag-umpisang kumulo, haluan ito ng dalawang kutsarang apple cider vinegar. Magtalukbong gamit ang tuwalya o kumot at huminga dito ng banayad at malilim. Huminga sa ilong na nakatikom ang bibig at exhale sa bibig. Patayin o tanggalin sa apoy kung masyado na itong mainit.

Takure o kettle sa tagalog na gamit sa steam inhalation o pagpapakulo ng tubig.

b. Sa wash basin (palanggana) o sa mixing bowl, maglagay dito ng 2 tasang bagong kulong tubig, at 2 kutsarang apple cider vinegar. Magtalukbong gamit ang tuwalya o kumot at huminga dito ng banayad at malalim na nakatikom ang bibig. Huminga sa ilong at exhale sa bibig.

Pag gagamit ng steam inhalation, dobleng pag-iingat ang gawin.

2. Apple cider Vinegar Cold Compress– para naman sa cold compress gamit ang apple cider vinegar para sa sakit ng ulo, lagyan ng 1-2 kutsarang apple cider vinegar ang 1 tasang malamig na tubig. Basain dito ang bimbo at itapal sa ulo. Para naman sa batok, gumamit ng mainit na tubig para sa hot compress.

3. Drink– para sa inumin, lagyan ng isang kutsarang apple cider vinegar at honey ang 1 basong maligamgam na tubig. Kung meron kayong ulcer, inflammation sa tiyan, ang pag inom ng apple cider vinegar ay hindi para sa inyo. Lalo nitong palalalain ang sitwasyon. Kumonsulta sa inyong doktor.

Apple cider vinegar sa baso at prutas na apple
Tubig, apple cider vinegar at honey.

4. Foot soak– para naman sa foot soak, sa kada 1 litrong tubig (mainit) sa palanggana lagyan ng 1/2 cup ng apple cider vinegar. Ibabad dito ang paa 20-30 minutes. Habang nakababad ang paa, maglagay ng cold compress sa batok, likod ng leeg. Ang init ng tubig ay depende sa kayang tiisin ng isang tao.

Gamit ang baking soda sa pagbababad ng paa sa maligamgam na tubig para sa natural na lunas sa alipunga

5. Bath– kung kayo naman ay may bathtub, maaring lagyan ng 3-5 cups ng apple cider vinegar ang paligo at dito magbabad ng at least 30 minutes. Maaari ring maglagay ng compress sa noo. Maaari ring gamiting alternatibo ang epsom salt na mayaman sa mineral na magnesium.

Benepisyo ng paggamit ng bathtub

Paano gamitin ang apple cider vinegar bilang lunas sa sakit ng ulo

Kung gagamiting lunas ang apple cider vinegar, maaring gumamit ng 2-3 klase ng pamamaraan.

Halimbawa

  1. Ang pinakaunang paraan na gawin ay uminom ng tubig na may halong apple cider vinegar. Dehydration ang madalas na dahilan ng sakit ng ulo, lalo na sa panahon na sobrang init. At ganon din sa mga lugar na malamig. Dahil hindi nakakaramdam ng init, nakakaligtaan ang uminom ng sapat na dami ng tubig.
  2. Pagkatapos ay maaaring gawin ang isa sa tatlo (#1, #4, #5)
  3. Pagkatapos nyan, humiga at magpahinga habang may cold o hot compress sa noo o ulo.
     

Maaari rin na habang nagco-compress at nakahiga sa kama, magdiffuse ng essential oil na kadalasang ginagamit bilang lunas kung masakit ang ulo.

Maraming natural na paraan na maaaring gamitin bilang lunas sa nararamdaman. Pero kadalasan, pag nakakaramdamdam na nito, mas pinipili natin ang mabilisang lunas, ang uminom ng over the counter drugs kagaya ng mefenamic acid, paracetmaol at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *