April 22, 2024
Balakubak at lemon. Paano gamitin ang lemon sa balakubak.

Benepisyo ng Lemon sa balakubak

Sharing is Caring

Ang lemon ay maraming benepisyo sa pangkalahatang kalusugan. At ito nga ay maaaring gamitin sa balakubak. Ang lemon ay may citric acid at anti-fungal properties na mabisang gamot sa problemang ito. Kaya ng lemon na lunasan ang sanhi ng balakubak na malassezia. Kaya rin nitong magtanggal ng sobrang sebum (langis) sa anit at buhok. At ang mga latak ng kemikal mula sa mga shampoo at conditoner, kaya ring tanggaling ng lemon yan.

Bukod dyan, kagaya ng apple cider vinegar at iba pang natural na lunas sa balakubak, ito rin ay nagno normalize ng ph level ng ating anit. Maraming iba’t-ibang paraan kung paano gamitin ang lemon. Sa katunayan, kahit lemon lang ang gamitin ay magbibigay na ito ng lunas sa problema ng dandruff.

Mga gamit at benepisyo ng lemon

Bleaching properties ng lemon sa buhok

Pero bago gamiting natural na lunas sa balakubak ang lemon, kinakailangang malaman na ang isa sa benepisyo ng lemon ay ginagamit ito para sa pagpapaputi ng balat. Ang bleaching properties ng lemon ay hindi lang sa ating balat, kundi pati na rin sa ating buhok.

Kaya kung ikaw ay may balakubak, pero ayaw mong maapektuhan ang kulay ng iyong buhok, huwag gumamit ng lemon bilang lunas. Gumamit ng ibang paraan, marami naman tayong natural na lunas sa balakubak mula sa ating kusina. Pero kung gusto mo o okey lang sayo na ma-bleach ang iyong buhok, go!

Swak ang lemon sa yo 🙂

Paano gamitin ang lemon sa balakubak

Ang paggamit ng lemon ay may iba’t ibang paraan. Maaari mo itong gamiting solo o ihalo sa iba pang sangkap na makakatulong sa pagtanggal ng balakubak sa anit.

Lemon Juice

     A. Bago paliguan ang buhok, mag-apply ng lemon juice sa anit gamit ang bulak. Imasahe ang anit at pabayaan ito ng at least 20-30 minutos. Magre-apply ng lemon juice kung kinakailangan. Pagkatapos ay paliguan.

B. Pagkatapos magshampoo at banlawan ang buhok, gamiting pang huling banlaw ang lemon water. Para sa lemon water, ihalo ang juice ng 1 lemon sa 1-2 tasa ng tubig. Ito ang gawin pang huling banlaw sa buhok.

C. Maaari rin itong ihalo sa gamit na shampoo.

Lemon Juice at Extra Virgin Coconut Oil

Mixture

Lemon juice 3 kutsara                   

EVCO (Extra Virgin Coconut Oil) 1 kutsarita                 

Paghaluin mabuti ang 2 sangkap at ipahid sa anit. Ibabad ito ng at least 30 minutes at paliguan.

Bukod sa extra virgin coconut oil, maaaring gumamit ng ibang langis na angkop sa balakubak.

Mga benepisyo at gamit sa langis na extra virgin coconut oil

Lemon juice at Baking soda

Bago paliguan ang buhok, mag-apply ng pinaghalong baking soda at lemon juice sa anit. Imasahe ang anit at pabayaan ito ng at least 10 minutes. Maligo.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

Lemon essential oil

Ang lemon essential oil ay natural na lunas rin sa problema ng balakubak. Ito ay isa lang sa mga langis na ginagamit na lunas.

Merong dalawang paraan ng paggamit.

  1. Lagyan ng 2-4 na patak ng lemon essential oil ang shampoo na gagamitin sa pagligo. Pabulain ito sa ulo. Imasahe ang anit para mapabuti ang circulation nito. Ibabad ng ilang minuto. Banlawan.
  2. Mag-dilute ng lemon essential gamit ang carrier oil o mga ginagamit na langis sa balakubak. Ipahid ito sa anit, imasahe at paliguan. Mas mabuti kung ito ay ibabad ng magdamag.

Lemon Juice and Aloe Vera

Ang kombinasyong ito ay epektibo rin sa pagtanggal ng dandruff at makakatulong ang ¨moisturizing effect¨ ng aloe vera sa dry scalp, bukod pa sa antimicrobial properties nito. 

Mga paraan ng paggamit at benepisyo ng aloe vera gel at aloe vera plant.

  Mixture:

lemon juice- 3 kutsara 

Aloe vera Gel- 1 kutsara

Paghaluing mabuti ang dalawang sangkap. I-apply ang mixture sa anit gamit ang bulak, at bahagyang imasahe ito. Balutin ng shower cap ang ulo o gumamit ng tuwalya. Pabayaan ng kahit 30 minuto. Paliguan.

Lemon juice at Luya

Mixture
Equal amount ng lemon juice at ginger juice

I-apply ang mixture sa anit, Bahagyang imasahe ang anit. Pabayaan ng 10-15 minutos at paliguan.

Mga benepisyo at gamit sa luya.

Ano ang pwedeng gamitin sa balakubak kung walang lemon

Kung walang lemon, maaaring gumamit ng ibang citrus fruits. Gumamit ng calamansi, lime o dayap. Ito ay meron ding citric acid at mga antifungal properties.

Lemon juice sa pag-aalaga ng buhok

Ang lemon juice ay hindi lamang gamit para sa balakubak, ito rin ay magandang gamitin para sa pag-aalaga ng buhok. May dandruff o wala, gawin ang isa sa mga nabanggit sa taas bilang once a week na scalp treatment. Sa ganitong paraan, masisigurado na nabibigyan ng tamang pag-aalaga ang anit. Nalilinisang mabuti mula sa mga latak ng kemikal at polusyon na hindi nakayang tanggalin ng shampoo lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *