April 22, 2024
Iba't ibang uri ng langis, essential oils at carrier oils na lunas sa balakubak,

Mga Langis na Lunas sa Balakubak

Sharing is Caring

Maraming mga langis na maaaring gamiting lunas sa balakubak. Ang mga essential oils at carrier oils o tinatawag din fixed oils ay makakatulong sa problema ng iyong anit. Ang mga langis na ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan, at maraming benepisyong hatid sa iyo.

Benepisyo ng essential oils at carrier oils

Ang mga langis na ito na lunas sa balakubak ay may mga anti-bacterial, anti-fungal, at antiseptic properties. Bukod sa mga antimicrobial properties nila, ang isa pang benepisyo ay mamo-moisturize nito ang iyong anit. May mga abilidad din itong i-unclog ang mga dumi na nakabara sa pores (hair follicles) ng balat ng inyong ulo o anit. Dahil kapag barado ang hair follicles, maaaring ito ang umpisa at sanhi ng pagkakaroon ng balakubak. Dahil magkakaroon ng overgrowth ng fungi na tinatawag na Malassezia.

Ang mga Essential Oils na Lunas sa Balakubak

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Ang mga langis na lunas sa balakubak na mula sa ¨essential oils¨ ay;

  1. Cedarwood essential oil
  2. Citrus essential oils -kagaya ng lemon, lime, orange, mandarin, atbp
  3. Clove essential oil
  4. Geranium essential oil
  5. Ginger essential oil
  6. Juniper essential oil
  7. Lavender essential oil
  8. Lemongrass essential oil
  9. Neem essential oil
  10. Oregano essential oil
  11. Patchouli essential oil
  12. Rosemary essential oil
  13. Rose essential oil
  14. Sandalwood essential oil
  15. Spearmint essential oil
  16. Tea tree essential oil
  17. Thyme essential oil
  18. Ylang ylang essential oil

Paano gamitin ang mga essential oil sa balakubak

Mga balakubak sa buhok at anit

      Ang mga essential oils na lunas sa balakubak ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan. Maaari ka ring gumawa ng mga mixtures o combinations ng mga langis na ito para lalong mapakinabangan ang kanilang mga benepisyo.

  1. Ihalo sa shampoo– maaari mo itong ihalo sa shampoo na gamit mo. Halimbawa, patakan ng 1-2 patak ng essential oil ang shampoo na gagamitin. Imasahe ang anit at pabayaan ito ng ilang minuto. Pagkatapos ay magbanlaw.
  2. Massage oil– gumawa ng massage oil para sa balakubak. Magdilute ng essential oil at carrier oil. At ito ang gamitin sa iyong anit. Maglaan ng panahon sa pagmamasahe ng anit, ito ay para ma absorb ang taglay na benepisyo ng mga langis na ito. Pabayaan ito ng kahit 1 oras, pagkatapos ay maligo. Mainam din kung ito ay pabayaan sa buhok ng magdamag.
  3. Pwede rin itong ihalo o ipatak sa mga iba pang mga maaaring gamiting natural na lunas.

Ang mga carrier oils na lunas sa balakubak

Ibat ibang uri ng carrier oils at benepisyo at gamit nito.

Ang mga langis na lunas sa balakubak na mula sa tinatawag na carrier oils ay;

  1. Avocado oil
  2. Castor oil
  3. Coconut oil; extra virgin
  4. Evening primrose oil
  5. Jojoba oil
  6. Malunggay oil (Moringa)
  7. Mustard oil
  8. Neem oil
  9. Olive oil
  10. Sesame seed oil

Mga gamit sa carrier oils na lunas sa balakubak

  1. Ang mga nabanggit sa taas ay mga langis (carrier oils) na magandang igamot sa balakubak o dandruff. Magpahid ng isa sa mga langis na ito ilang oras bago maligo o ibabad overnight.
  2. Ito ay ang mga langis na gagamitin sa pagda-dilute ng essential oils para sa dandruff.
  3. Ang mga langis na ito ay gagamitin rin sa mga iba pang natural na lunas sa balakubak kagaya ng mga herbal.
  4. Kung wala kang uri ng essential oil na kailangan, maaari kang gumawa ng oil infusion gamit ang mga herbal na lunas sa balakubak.

Simpleng recipe ng mga langis na lunas sa balakubak

Essential oil at carrier oil– ang importanteng tandaan kung gagamit ng essential oil ay ang haluan ito ng carrier. Dahil importante na i-dilute ang essential oil bago gamitin sa balat. At importante rin na sundin ang dilution guide ng essential oil.

Dilution guide ng essential oil at carrier. Paano ito gamitin sa balat.

Kung gagawa ng maramihang langis para sa balakubak, gumamit ng brown/amber glass o kahit na anong decolor na bote. Ito ay para maprotektahan ang langis at hindi masira. Ang langis na essential oil at carrier ay taon ang aabutin kung maganda ang pagkakagawa at naprotektahan sa mga sinag ng ilaw o araw.

Ang mga langis na ito ay maaari ring maintenance ng buhok. Dapat lang na sa isang beses sa isang linggo, i-pamper natin ang ating buhok. Di ba nga, kung maganda ang buhok, nakakalakas ng confidence?

TEA TREE ESSENTIAL OIL

4 na patak ng Tee tree essential oil

4 kutsaritang carrier oil na nais gamitin o available sayo

Paghaluin sa isang bote, alugin para maghalong mabuti ang mga sangkap.

ROSEMARY ESSENTIAL OIL

4 na patak ng Rosemary essential oil

4 na kutsaritang carrier oil na nais gamitin o available sayo.

Paghaluin sa isang bote, alugin para maghalong mabuti ang mga sangkap

Maaari kang mag-formulate ng langis para lunasan ang balakubak. Sa pagmi-mix and match ng essential oil at carrier oil, tignan at alamin lang ang kanilang mga gamit at benepisyo. Sa paraang yan, malalaman mo ang pangangailangan ng iyong buhok at anit.

Isa ito sa kagandahan ng paggawa ng sariling cosmetic o beauty products, ang sangkap na gagamitin mo ay ayon sa kagustuhan mo. Ligtas pa ito mula sa mga kemikal na sa kalaunan ay makakapinsala sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *