April 22, 2024
Mga benepisyo ng lavender essential oil.

Gamit at Benepisyo ng Lavender essential oil

Sharing is Caring

Ang lavender essential oil ang isa sa paborito kong langis. Dahil marami akong benepisyong nakukuha dito, nirerelax nito ang aking isipan sa panahon na na-i-stress ako o anxious ako. Nagagamit ko rin ang essential oil na ito sa aking mga DIY skin & hair products at pati na rin sa household products kagaya ng mga linen spray, air spray, lahat ng spray. Nagbibigay ito ng sense of peace at parang napaka ¨welcoming¨.

Lavender essential oil

Maraming varieties ang lavender, pero ang karaniwang nakikita kong variety na ginagawang langis ay ang Lavandula angustifolia. Tinatawag din itong ¨true lavender o english lavender¨. Ang lavender buds o ang bulaklak nito ay pinapadaan sa proseso ng distillation para ma extract ang essential oils nito. Ang major producer ng essential oil na ito ay ang Bulgaria at ang France.

Lavender flowers na ginagawang langis o essential oil at extract.
Lavender buds

Saan gamit ang Lavender essential oil

Maraming gamit ang lavender essential oil;

  1. Skin care
  2. Hair care
  3. Spiritual uses
  4. Aromatherapy- ginagamit sa aromatherapy para lunasan ang iba’t ibang uri ng karamdaman.
  5. Household use- maaaring gumawa ng mga home spray kagaya ng linen spray, air freshener, toilet freshener.
  6. Cosmetic use- ginagamit itong sangkap sa paggawa ng produkto para sa skin care, hair care at perfume.
Mga benepisyo ng lavender essential oil.

Ang essential oil na ito ay ginagamit sa mga bagay na nabanggit sa taas dahil sa mga benepisyo nito.

Mga benepisyo ng Lavender essential oil

1.Analgesic– dahil sa analgesic activity nito, ang lavender essential oil ay ginagamit na pangmasahe o aromatherapy para natural na lunasan ang sakit ng katawan, sakit ng ulo at menstrual cramps. Gumawa ng massage oil gamit ang langis na ito kasama ang carrier oil. Maaari ring magdagdag o gumawa ng combination ng iba pang essential oil.

2. Viral infection– ginagamit din ito sa panahon ng may sipon o ubo. Maaari ring i combine ang iba pang essential oils kagaya ng eucalyptus o peppermint. Maaaring i-diffuse gamit ang iba’t ibang paraan, mag steam inhalation, o gumawa ng vaporub .

Ultrasonic essential oil diffuser

3. Mental health– dahil sa calming and soothing benefits ng lavender essential oil, sa aromatherapy ay ginagamit ito para sa issue ng depresyon, anxiety, stress, at insomia. Samahan ito ng masahe para ma-maximize ang benepisyo ng langis na ito.

4. Spirituality– ginagamit ang lavender oil sa meditation para magkaroon ng mental clarity at magkaroon ng mas malinaw na intuition.

5. Skin care– sa benepisyo naman sa balat, ito ay rejuvenating. Nakakatulong ito sa mga problema sa balat kagaya ng eczema, pamumula, peklat, stretch marks.

6. Hair care– meron itong antifungal properties na maaaring gamitin para lunasan ang dandruff o balakubak at iba pang sanhi ng pangangati ng anit. Bukod diyan, nakakatulong din ito na lunasan ang paglalagas ng buhok.

7. Foot care– dahil sa antifungal properties nito, gamitin ito sa pag-aalaga ng paa. Gumawa ng foot scrub, gamitin sa foot soak kasama ang epsom salt na nagbibigay rin ng maraming benepisyo.

Paano gamitin ang Lavender essential oil

Ang lavender essential oil ay maaaring i-diffuse, meron tayong iba’t ibang paraan kung paano mag diffuse ng langis. Kung gagamitin naman ito topically, i-dilute muna ito sa carrier oil bago gamitin. Kung sa household use naman, maaaring gumawa ng mga spray.

Sa paggawa ng cosmetic, gamitin itong sangkap sa cream, lotion, serum, powder, shampoo, conditioner, perfume, lipstick o lipbalm at sa iba pang make up.

Simpleng skin serum gamit ang Lavender essential oil

Maaaring gumawa ng simpleng skin serum para lunasan ang mga problema sa balat na nabanggit sa taas.

Maaaring gumamit ng carrier oil kagaya ng argan oil, jojoba oil, sweet almond oil, mga langis na maraming benepisyo sa balat.

Maaaring gamitin ang 1=1 ratio. Gumamit ng 1ml ng carrier oil at 1 drop ng lavender essential oil. Ilagay ito sa decolor na bote, alugin.

Gamitin ang DIY Lavender skin serum sa mukha o sa parte ng katawan na kinakailangan na mag rejuvenate.

Gabay sa paggamit ng Lavender essential oil

INCI– Lavandula angustifolia

Usage rate– ang usage rate ay depende kung saan mo ito gagamitin.

Notes/Accord– middle to top note

Solubility– water insoluble, soluble in oil

Uses– aromatherapy, cosmetics, massage therapy, topical application

Protective measures– haluan ng carrier oil bago ipahid sa balat. Magsagawa ng patch test bago gamitin.

Storage– ilayo sa sinag ng araw o ilaw.

Contraindications– buntis at sa mga lalakeng edad 11-15 years old para maiwasan ang disruption ng hormones.

Kung wala kang lavender essential oil pero meron kang lavender flowers o buds nito, maaari kang gumawa ng lavender oil. Bukod diyan, marami ka pang maaaring gawin gamit ang bulaklak ng lavender. Makakagawa ka ng iba’t ibang uri ng DIY cosmetics gamit ang bulaklak na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *