April 22, 2024
Lavender flowers na ginagawang langis o essential oil at extract.

Mga gamit sa Lavender

Sharing is Caring

Napakaraming gamit sa lavender. Maaari mo itong gawing tsaa at inumin para makuha mo ang benepisyo nito internally. Maaari rin itong gamitin sa pag aalaga ng buhok at ng iyong kutis. Sa paglanghap naman nito, magbibigay ito ng calming, soothing benefit sa ating isipan. Napaka powerful ng halamang ito kung tutuusin kahit hindi i-consider na herbal. Sa aking blog tungkol sa spices & herb, sinama ko ito sa list dahil para sa akin, isa itong natural na lunas sa mga karamdaman. Kung wala kang lavender essential oil, pero meron kang mga bulaklak nito, fresh man o tuyong bulaklak, magagamit mo ito sa paggawa ng iba’t ibang uri ng produktong DIY.

Mga bagay na maaaring gawin sa Lavender

  1. Lavender tea
  2. Lavender oil
  3. Lavender extract
  4. Body & face scrub
  5. Lavender hydrosol
  6. Potpourri

Benepisyo ng paginom ng Lavender tea

Ang paggawa ng tsaa gamit ang lavender ay ang common na gamit dito. Pakuluan ang kalahating kutsaritang lavender at isang tasang tubig. Salain at inumin. Inumin ito bago matulog, kagaya ng chamomile o manzanilla, makakatulong ito para mapahimbing ang tulog. Kung may insomia o hirap naman sa pagtulog, ito ay makakatulong din dahil meron itong sedative effect.

Gamit at benepisyo ng chamomile o manzanilla o mansanilya sa kalusugan, kutis o balat at buhok

Kung meron ka namang nararamdamang sakit sa katawan, sakit sa ulo, o menstrual cramps, ito ay magbibigay rin ng ginhawa dahil ito ay may analgesic properties.

Lavender tea na mula sa pagpapakulo ng Lavender

Ang lavender tea ay maaari ring gawing hair rinse sa buhok. Gamitin itong pang huling banlaw.

Benepisyo ng Lavender oil

Ang benepisyo ng lavender oil ay kagaya rin ng mga benepisyong makukuha mo sa lavender essential oil. Ang kaibhan lang dito ay ang potency ng dalawa. Ang essential oil ay mas potent at concentrated ang mga compounds.

Ang lavender oil ay maaari mong ipahid sa katawan bilang massage oil, makakatulong ito sa sakit na nararamdaman. Marami rin itong benepisyo sa buhok at balat. Makakatulong ito sa rejuvenation ng balat at buhok.

Para maging langis ang lavender, gagawa ka ng oil infusion.

Paano gumawa ng Lavender infused oil

Sa paggawa ng lavender infused oil, kakailanganin mo ng langis, lavender at garapon.

Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Maglagay ng lavender sa garapon, lagyan ng carrier oil na gusto. Maaaring gumamit ng extra virgin olive oil, camelina oil, sesame seed oil at iba pang langis na gusto mo. Haluin at takpan. I-infuse ito ng at least 3 weeks. Kung maaari ay haluin o alugin ito araw-araw. After 3 weeks maaari na itong salain.

Meron ka ng lavender oil.

Ilagay ang infused oil sa isang de color na bote at itabi sa lugar na hindi nasisinagan ng ilaw o araw.

Maaari mo rin itong gamiting sangkap sa paggawa ng mga DIY Cosmetic Products.

Benepisyo ng Lavender extract

Ang lavender extract naman ay isa pang paraan para makuha ang benepisyo ng lavender. Kagaya ng essential oil, ang lavender extract ay concentrated din. Hindi pa ako nakakita ng nabibiling lavender extract for oral consumption, pero extract para sa external use ay marami diyang binebenta.

Lavender extract na gawa sa Lavanda angustifolia.
Paano gumawa ng Lavender Extract VIDEO

Magagamit mo ang lavender extract sa paggawa ng skin & hair care products.

Paano gumawa ng Lavender extract

Ang paggawa ng extract ay parang paggawa ng oil infusion. Sa extraction, imbes na langis ang gagamitin, gagamit ka ng vegetable glycerin o alcohol.

MGA SANGKAP

  1. Lavender
  2. Vegetable glycerin
  3. Distilled Water

PARAAN NG PAGGAWA

1.Dikdikin ang lavender, maaaring coarse lang o fine ang texture.

2. Maglagay ng lavender sa garapon.

3. Lagyan ng 70% glycerin at 20% water.

Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

4. Haluin ito at takpan. Alugin o haluin araw araw. I-extract ito ng hindi bababa ng tatlong linggo.

5. After weeks of extraction, salain ito. Meron ka ng lavender extract.

Gusto panoorin ang video sa extraction ng Lavender?

Benepisyo ng Lavender sa Body & Face SCRUB

Ang lavender ay maaari mo ring gawing body & face scrub dahil sa soothing and calming benefits nito. Kung merong inflammation sa mukha, makakatulong ang lavender dito. Maaaring gumawa ng scrub gamit ang lavender. Ang lavender ay pulbusin gamit ang mortar & pestle o coffee grinder.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.
Coffee grinder na gamit sa pag pulbos ng mga halamang gamot o spices & herbs at iba pang mga sangkap sa paggawa ng DIY cosmetic products.

Haluan ito ng isa pang soothing na sangkap kagaya ng oatmeal o green tea leaves o chamomile. Basain ito gamit ang tubig at ito ang gamiting scrub sa katawan o sa mukha. Maaari ring gumamit ng hyrdrosols kagaya ng rose, orange blossoms, with-hazel, etc.

Napakasimple at natural na face & body scrub para sa inflamed at sensitive na balat.

Benepisyo ng Lavender hydrosol

Maaari ka ring makagawa ng hydrosol gamit ang lavender. Ang lavender hydrosol ay maaaring gamiting face spray o body spray. Magagamit mo rin ito bilang water ingredient sa DIY Cosmetics.

Kung walang equipment sa paggawa ng hydrosol kagaya ng distiller maaaring i-DIY ito kagaya ng ginawa ng wikihow.

Pero kung meron ka namang mahanap na legit at magandang quality ng lavender hydrosol , parang mas praktikal na bumili nalang kesa gumawa gamit ang DIY ng wikihow.

Benepisyo ng paggawa ng Potpourri gamit ang lavender

Paano gumawa ng DIY Potpourri sa bahay. Mga simpleng sangkap sa paggawa nito.

Ang lavender ay magagamit mo rin sa paggawa ng potpourri . Isa itong natural na paraan para pabanguhin ang loob ng bahay, cabinet o drawers. Imbes na gumamit ng mga aerosols na nakakasira sa kapaligiran at kalusugan, gumamit nalang nito. Samahan ito ng iba pang mababangong petals, bark , roots at essential oil. Hindi lang ito air freshener, para rin itong dekorasyon sa loob ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *