April 22, 2024
Iba't ibang uri ng Spices & Herbs

Mga Spices & Herbs at iba’t ibang gamit nito

Sharing is Caring

Ang mga Spices & Herbs at iba’t ibang gamit nito ay sinasalamin ang kultura at maging ang lahi ng isang indibidwal. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa ating pamumuhay. Halimbawa sa ating panglasa, makikita ang ating pagkakaiba mula sa ibang lahi. Sa ating pagluluto at paggamit ng sangkap, ang bawang , sibuyas at luya ay nagbibigay ng distinction sa ibang lahi kagaya ng mga Thai. Ang mga Thai naman ay sa pag gamit ng mga sangkap na galangal, lemongrass at kaffir lime.

Ang Spices & Herbs ay may mayaman na kasaysayan. Mula sa pagbuo ng kultura ng isang lahi, kasaysayan sa larangan ng kalusugan at medisina, kasaysayan sa kalakalan at marami pang iba. Ang mga tropical na bansa ng Southeast Asia kagaya ng Pilipinas, India, mga bansa sa Africa, mga bansa sa South at North America, Middle East, at iba pang bansa na may tamang klima at temperatura ay ang pinagmulan ng karamihan sa spices & herbs. Ito nga raw ang sinasabing dahilan ng paglalakbay ng mga european explorers para bumili ng mga spices & herbs na wala sa kanilang mga bansa. Isa nga dito si Christopher Columbus.

Ang paglalakbay ni Christopher Columbus para maghanap ng Spices & Herbs

Ang Spices & Herbs ay napakahalaga noong araw at nagkaroon nga ng monopoly sa kalakalan ng mga ito. Sa kagustuhang ikontrol ang kalakalan dahil ang negosyong ito ay ”tubong-lugaw” nagkaroon ng tinawag nilang spice trade war.

Ngayon ay abot kaya na sa bulsa ang mga spices & herbs. At hindi na rin kailangang maglakbay kagaya ng mga european explorers para lang makabili ng mga sangkap na ito. Dahil kung madadako ka sa supermarket, marami ka ng makikita sa shelves.

Maraming iba’t ibang uri ng spices & herbs. Ang mga ito ay mula sa mga dahon, buto, ugat, resin, bark ng iba’t ibang uri ng halaman at punong kahoy. Iba ibang paraan din kung paano gamitin.

Iba’t ibang uri ng Spices & Herbs

Akapulko

Allspice

Aloe Vera

Mga paraan ng paggamit at benepisyo ng aloe vera gel at aloe vera plant.

Alugbati

Anise

Angelica

Annato seeds

Artemisia (Damong Maria)

Arugula

Basil- Holy basil, Thai basil

Bay leaf

Bergamot

Borage

Cardamom

Caralluma Fimbriata

Cassia

Catnip

Cayenne pepper

Celery

Celery seeds

Chamomile

Gamit at benepisyo ng chamomile o manzanilla o mansanilya sa kalusugan, kutis o balat at buhok

Chervil

Chives

Cilantro

Cinnamon

Clove

Mga clove buds isang spice na maraming gamit at benepisyo

Corn silk (Buhok ng mais)

Coriander seeds

Cumin

Curry- curry leaves & curry powder

Dandelion

Dill

Dong quai

Echinacea

Elder

Epazote

Evening Primrose

Fennel

Fenugreek

Frankincense

Galangal

Garlic (Bawang)

Mga gamit at benepisyo ng bawang.

Ginkgo

Ginseng

Green tea

Green tea sa tasa at tuyong dahon ng green tea

Guava leaves (Dahon ng Bayabas)

Gumamela (Hibiscus)

Tea o tsaa ng gumamela at tuyong dahon at bulaklak ng gumamela

Gymnema Sylvestre

Hyssop

Lagundi (Vitex Negundo L.)

Lavender

Lavender flowers na ginagawang langis o essential oil at extract.

Lemon balm

Lemongrass

Lemon verbena

Licorice

Pinatuyong ugat ng licorice

Luya/Ginger

Mga benepisyo at gamit sa luya.

Marigold

Marjoram

Milk thistle

Mint

Mustard

Myrrh

Myrtle

Neem

Dahon ng neem mula sa puno ng neem tree

Nettle

Niyog niyugan

Nutmeg

Oats

Onion (Sibuyas)

Oregano

Pandan leaves

Papaya leaves

Paprika

Paragis grass (Indian goosegrass)

Paragis na inani at pinatuyo

Parsley

Pepper- black, whitepaminta

Gamit at benepisyo ng paminta sa buhok, balat at kalusugan.

Peppermint (Yerba Buena)

Peperomia (Ulasimang bato/Pansit pansitan)

Perilla

Rose- Geranium, Otto.

Rose

Rosehips

Rosemary

Gamit at benepisyo ng Rosemary

Saffron

Sage

Sambong (Blumea Balsamifera)

Sandalwood

Sandalwood powder at sandalwood essential oil

Scallion

Sesame seeds

Shiitake Mushroom

Sichuan pepper

Star anise

Mga benepisyo ng star anise sa pagluluto at kalusugan pati narin sa kutis o balat

St. John’s Wort

Stevia

Tarragon

Tea tree, Tea Tree essential oil

Gamit at benepisyo ng tea tree essential oil sa kalusugan, balat o kutis at buhok

Thyme

Tsaang gubat

Turmeric, Luyang dilaw

Turmeric powder o luyang dilaw na maraming nutrisyon at iba pang benepisyo

Valerian

Vanilla

Wasabi

Watercress

Witch hazel

Woodruff

6 na iba’t ibang gamit sa Spices & Herbs

  1. Pagkain– sa ating pagluluto ang bawang ay isa sa mga importanteng sangkap sa ating lutuin. Pampabango at pampalasa ito sa ating ulam. Sa luya naman, ito ay kadalasang ginagamit sa mga pagkaing malansa kagaya ng isda at manok. Noong panahon ng ancient Egypt, ang mga spices & herbs ay hindi lang ginamit pampalasa ng pagkain, ginamit din ito bilang preservatives ng kanilang mga pagkain. Bukod diyan, ang mga spices & herbs ay ginamit sa pagma-mummify ng kanilang mga patay.

Spices & herbs pampalasa ng pagkain

2. Natural na lunas– kasama na rin ang iba’t ibang uri ng pagkain, ang spices & herbs ay ginagamit ng mga herbalist bilang natural na lunas sa mga karamdaman. Ang isa sa mga benepisyo ng Spices & Herbs ay ang pagkakaroon nito ng mga medicinal properties. Ang paggamit ng mga ito bilang natural na medisina ay hindi lang 100 daang taon ang tanda kundi libo libong taon na ang nakaraan. Ang Ebers Papyrus ay isang egyptian scroll na kung saan ay nakasulat ang iba’t ibang halamang gamot na ginagamit bilang medisina.

Gamit sa spices & herbs


3. Perfume– ang mga langis o essential oils at carrier oils na mula sa mga spices & herbs ay ginagamit na sangkap sa paggawa ng mga perfume o pabango.

Paggawa ng perfume o pabango gamit ang spices & herbs


4. Incense– ang incense o insenso ng simbahan ay gawa sa mga spices & herbs. Ang kadalasang ginagamit na sangkap ay myrrh, frankincense, cinnamon, sandalwood.


5. Skin care products– maaaring gamitin ang mga spices & herbs bilang
sangkap sa skin care products. Sabi nga nila, isa raw ang aloe vera ang ginagamit ni Cleopatra sa kanyang skin care routine.

Spices & herbs gamit sa paggawa ng DIY beauty products


6. Magical– ang mga halaman ay sinasabing nagtatamo ng vibrational frequencies. Sa paggamit ng magical powers nito ay makakamtan mo kung ano ang iyong ibig. Ginagamit ding pangtaboy ng masasamang espiritu o malas.

Dahil sa magical powers ng mga ito, sa witchcraft o mahika, ang mga spices & herbs ay ginagamit sa kanilang mga ritual, paggawa ng potion, spell.

Spices & herbs ay ginagamit sa ritual ng mga mangkukulam
Image credited to: Pixabay

2 thoughts on “Mga Spices & Herbs at iba’t ibang gamit nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *