April 22, 2024
Pinatuyong ugat ng licorice

Ano ang benepisyo ng Licorice root sa Buhok at Balat

Sharing is Caring

May nakita na ba kayong skin and hair care products na ang ingredient ay licorice root? Kung wala pa, huwag magugulat dahil ito ay ginagamit sa mga cosmetic products. Marami kasing benepisyo ito sa buhok at balat. Ang halamang ugat ng licorice na minsan ay hindi pinapansin, punong puno pala ng mga importanteng compounds para mapaganda ang kalusugan ng balat at buhok. Pero bago pag-usapan ang benepisyo nito sa hair & skin care, konting benepisyo muna sa kalusugang panglabas.

Benepisyo ng Licorice root sa Kalusugan

Ang ilan sa mga benepisyo ng Licorice root ay meron itong saponins, antioxidants kagaya ng flavonoids at polyphenols. Ito ay lumalaban sa free radicals para hindi maging cancerous ang mga cells sa katawan at iba pang mga sakit na maaaring idulot ng free radicals. Meron din itong bitamina kagaya ng vitamin A at vitamin C.

Benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan

Ang Licorice ay kadalasang ginagamit na halamang gamot para lunasan ang ubo, gastritis, bronchitis. Meron din itong calming & soothing properties, kaya maigi itong inumin bago matulog. Ang iba pang sinasabing gamit sa licorice bilang herbal ay sa kondisyon ng amenorrhea.

Ayon sa Mayoclinic ang amenorrhea ay ang kundisyon ng mga kababaihan kung saan ay hindi nareregla ng ilang buwan at hindi pa nagkaroon ng regla sa edad na 15.

Ang kadalasang preparation ng licorice ay ang paggawa ng tsaa. Iniinom ito tatlong beses sa isang araw. Ang sinasabing diskarte sa pag-inom ng licorice bilang supplement man o bilang lunas sa sakit ay i-take ito in moderation. Ito ay para maiwasan ang side effects ng licorice root kagaya ng pagtaas ng blood pressure at hypokalemia at iba pang side effects na maaaring dulot ng sobrang paginom ng licorice root tea o extract.

Licorice tea na gawa sa licorice root na tuyo.

Kung iinom ka ng licorice tea dahil sa ubo, para maiwasan ang side effect, mas safe siguro kung uminom lang nito ng hanggang isang linggo. Ang licorice ay sinasabing nagpapataas ng blood pressure, kaya dapat in moderation lamang. At kung may existing na high blood pressure na, mas maganda sigurong iwasan na lang ito. Although sinabi naman na maaaring uminom pero in moderation.

Huwag ring kaligtaan na ikonsulta sa inyong doktor lalo na kung meron kayong mga iniinom na gamot.

Yan ay para sa internal use. Pagdating naman sa balat o kutis, marami itong benepisyong hatid, minus ang mga side effect. Sumobra man, ok lang dahil walang negatibong epekto ito sa balat o buhok.

Mga Benepisyo ng Licorice sa Buhok at Balat

Benepisyo ng Licorice root sa buhok

Sa buhok, ang licorice ay ginagamit na natural na lunas sa paglalagas ng buhok. Dahil sa anti inflammatory properties nito, makakatulong din sa problema sa balakubak o dandruff. Dahil sa soothing properties nito, nabibigyan nito ng ginhawa ang anit na makati at may sugat dahil sa sobrang pagkamot.

Benepisyo ng Licorice sa balat

Dahil sa mga hatid nitong benepisyo, ang licorice ay makakatulong sa mga inflammation sa balat. Ito ay sinasabi ring makakatulong na protektahan ang balat sa UV rays. Maganda raw itong gamitin sa mature skin para bawasan ang mga problema sa balat kagaya ng wrinkles, dark spots. Dahil sa mga benepisyong yan ng licorice, kaya ito ay ginagamit sa mga formulation ng mga skin care products.

Paano gamitin ang Licorice sa Buhok

Maaaring gumamit ng tuyong licorice root at kung maaari tadtarin ito para mas madaling i-infuse. Gumawa ng licorice root oil infusion gamit ang castor oil at extra virgin coconut oil. Dahil sa matigas ang parte ng herbal na gagamitin, gumamit ng hot process oil infusion. Maaaring gumamit ng indirect o direct heat.

Sa isang kaldero, maglagay ng 4 na kutsarang extra virgin coconut oil, 2 kutsarang castor oil at 3 kutsaritang licorice root. Gamit ang low heat, pabayaan ito ng hindi bababa ng 1 oras.

Pagkatapos ng 1 oras, hanguin ito at palamigin. Salain at lagyan ng 3 gel capsule ng vitamin e para tumagal ang shelf life. Ilagay ito sa isang lalagyan na de color.

I-apply ito sa anit at buhok at ibabad ng ilang oras at paliguan. Mas maganda kung pabayaan overnight at paliguan kinabukasan.

Mga DIY skin care products gamit ang Licorice Root

Ang mga DIY skin care products na maaaring gawin gamit ang licorice root bilang sangkap ay;

  1. Toner
  2. Cream, Lotion o Moisturizer
  3. Serum

Paano gawing Toner ang Licorice Root

Ang paggawa ng toner ay ang pinakamadaling gawing produkto gamit ang licorice root at iba pang mga spices & herbs. Gumawa ka ng tea, salain ito ay at ilagay sa bote. Para tumagal ang shelf life, ilagay ito sa ref. Maaaring umabot ito ng 1 linggo.

Paano gamitin ang Licorice Root sa paggawa ng Cream, Lotion o Moisturizer

Pag gagamitin ang licorice root sa paggawa ng mga cream, lotion o moisturizer, kailangan mong gumawa ng extract. At ang extract ay ang gagamitin mong sangkap (active ingredient). Maaari mo ring gamitin ang licorice tea bilang water ingredient.

Paano gumawa ng Licorice root extract

Para sa extraction ng herbal, maaari mong gamitin ang hot o cold process. Pumili ng solvent na gagamitin, gumamit ng garapon na malinis.

PARAAN NG PAGGAWA

Para sa cold process extraction

1.Maglagay ng licorice root sa garapon na gagamitin sa extraction. Lagyan ito ng solvent at takpan.

Licorice sa garapon.

2. Itabi ito ng ilang linggo at alugin araw-araw sa unang linggo.

3. Pagkatapos ng ilang linggo, salain ito at ilagay sa isang malinis na bote o container.

Ang extract na ito ay maaaring tumagal ng maraming taon depende sa ginamit na solvent.

Gusto panoorin ang video sa paggawa ng Licorice root extraction?

Pag gagamitin ang extract sa formulation ng DIY Cosmetics, maaaring gumamit ng up to 5%. Ang extract ay maaari ring gamitin sa paggawa ng toner. Ihalo ito sa licorice root tea na gagamitin sa paggawa ng toner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *