April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng paminta sa buhok, balat at kalusugan.

Gamit at Benepisyo ng Paminta

Sharing is Caring

Ang paminta o BLACK PEPPER sa ingles ay sinasabing nagmula o nag originate sa bansang India. At sa kanilang Ayurveda, marami itong gamit dahil sa dami ng benepisyo nito sa kalusugan at natural na lunas sa mga sakit sa katawan at isipan. Pero ito ay depende sa tinatawag na ¨Dosha¨

Ang paminta ang isa sa mga spices na kilala at ginagamit sa halos lahat ng lutuin sa buong mundo. Importante ito sa ating pagluluto lalo na kung karne o isda ang putahe. Ang paminta ay hindi lang pampalasa o pampasarap ng ulam, dahil ito ay may benepisyo rin sa kalusugan. Marami rin itong gamit at benepisyo sa buhok at balat pati narin sa paggawa ng perfume o pabango.

Gamit at benepisyo ng Paminta sa Kalusugan

Sa article ng healthline tungkol sa pamita o black pepper, merong 10 na binanggit na benepisyo ang paminta sa kalusugan. dahil sa compound nitong PIPERINE.

  1. Antixodant at anti cancer effect- ang paminta ay isa sa mga spices na ayon sa mga pagaaral ay may kakayahan na labanan ang kanser. Ang antioxidant sa paminta ay ang tinatawag na piperine. Ang piperine ay ang pinaka aktibong compound sa paminta. Nabanggit sa artikulo ng sagepub na limitado ang gamit sa paminta bilang medisina dahil ang piperine daw ay hindi masyadong na-a-absorb ng ating katawan. At ang sobrang concentration ng piperine ay nakakalason sa katawan. Pero huwag mag-alala sa paggamit ng paminta sa pagkain, dahil hindi kayo maooverdose nito.
  2. Anti inflammatory properties
  3. Benepisyo sa utak
  4. Pag kontrol sa blood sugar
  5. Maaaring mapababa ang cholesterol level
  6. Makakatulong sa absorption ng ibang nutrisyon
  7. Maaaring makatulong sa pagdami ng good bacteria sa tiyan
  8. Natural na analgesic o pain reliever
  9. Makakatulong na mabawasan ang gana sa pagkain

Gamit ng Paminta sa AYURVEDIC MEDICINE

Sa ayurvedic medicine naman, ang paminta ay ginagamit na lunas sa

  1. Epilepsy
  2. Insomia
  3. Pagkahilo
  4. Natural na pain reliever
  5. Problema sa tiyan pag di natunawan o may kabag.
  6. Sipon at ubo

Paano gamitin ang Paminta para magbenepisyo ang Kalusugan

GAMITIN ITO SA PAGLULUTO! Yan naman ang pinaka practical at pinakamadaling paraan para maincorporate ang paminta para makuha ang mga benepisyo nito, di ba? Ako kadalasan kahit wala sa recipe, hinahalo ko parin ito. May mga ulam tayo na wala sa sangkap ang black pepper. Lalo na kung native dish kagaya ng dinengdeng, hindi ko alam sa iba pero sa recipe ng lola ko, ang spice na ginagamit dito ay ang sibuyas. Minsan may bawang at luya.

Mga simpleng paraan ng paggamit ng PAMINTA bilang natural na Lunas

UBO

Para sa simpleng paraan ng paggamit ng paminta bilang natural na lunas sa ubo, paghaluin ang 1 kutsaritang honey at 1/8 teaspoon ng paminta o black pepper. Kainin at uminom ng warm water. Gawin ito pagkatapos kumain at hindi yung walang laman ang sikmura.

Ito ay maaari sa dry cough o productive cough o sa may sipon.

INSOMIA, DEPRESSION

Ang dalawa sa benepisyo ng turmeric o luyang dilaw ay nakakatulong ito sa insomia o hirap sa pagtulog at depression/depresyon. Para ma boost o mapalakas ang benefit nito, dagdagan lamang ng paminta.

Pakuluan ang isang tasang gatas, 1/6 teaspoon ng turmeric at 1-2 pinches ng paminta. Inumin bago matulog.

Ang paminta ay maaari ring gamiting pamahid bilang natural na lunas sa kabag, constipation, pag nilalamig, sakit sa kasukasuan. Kung meron kayong black pepper essential oil, i-dilute lamang ito sa carrier oil at ito ang gamiting pamahid sa parte ng katawan na nangangailangan ng lunas. Maaari rin kayong gumawa ng black pepper oil sa pamamagitan ng oil infusion. Ang oil infusion ng ano mang spices & herbs ay napakadaling gawin. Isa itong praktikal gawin lalo na kung walang makita o mabiling langis nito.

Meron din akong ginawang all natural na pain balm gamit ang sili at turmeric. Ang mga sangkap nito ay mula sa oil infusion. Maaari ninyong dagdagan ng paminta ang recipe.

Natural na pamahid sa sakit sa katawan o kasukasuan
PANOORIN ANG VIDEO

Benepisyo ng Paminta sa Balat at Buhok

Meron ding benepisyo ang paminta sa balat at buhok. Ang paminta ay anti-inflammatory, antibacterial at tumutulong sa sirkulasyon ng dugo.

BLACKHEADS AT WHITEHEADS

Para sa natural na pantanggal ng blackheads at whiteheads sa mukha, merong dalawang paraan kung paano gamitin ang paminta.

  1. Sa isang kutsarang yogurt lagyan ng 2-3 pinches ng durog na paminta, Haluin. Ipahid ito sa parte ng nangangailangan ng lunas kagaya ng ilong, sa may baba. I-scrub ito ng mga 1 minuto. Maghilamos at mag apply ng moisturizer o cream sa mukha. Gawin ito 1-2 beses sa isang linggo.
  2. Maaari ring gumamit ng honey kung walang yogurt.
Gamit at benepisyo ng paminta sa buhok, balat at kalusugan.
OIL INFUSION NG PAMINTA

Dandruff at napapanot na buhok

Dikdikin ang 1 kutsarang paminta. Pakuluan ng 5 minuto ( from boiling point ) sa 200ml na tubig. Gamitin itong final hair rinse sa pagligo. Maganda rin na bago ito gawin, pahiran ng langis ng paminta ang anit. Imasahe ito para mag circulate. Gawin ito 1 oras bago maligo. Mas maganda kung ibabad ito overnight.

Maaari ring gumawa ng madaliang langis ng paminta gamit ang hot process ng oil infusion. Isang kutsarang durog na paminta at langis. Maaaring gumamit ng extra virgin coconut oil oil o castor oil. I-infuse ito ng at least 5 minutes sa mahinang apoy. Ito ang gamiting pamahid sa anit sa problema sa paglalagas ng buhok o pagkapanot at problema sa balakubak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *