April 22, 2024
Mga gamit at benepisyo ng lemon

Gamit at benepisyo ng Lemon

Sharing is Caring

Sa bahay, ang lemon at calamansi ay hindi maaaring mawala sa kusina. Marami akong gamit dahil marami itong benepisyong hatid. Nagagamit ko ito sa aking pagluluto, sa natural na lunas, maintenance ng kalusugan, at sa mga DIY skin & hair care. Kung mahal o walang lemon na mabili, o kung alin man sa dalawa ang available at mura, meron at merong citrus fruit sa kitchen counter.

Amuyin mo man o inumin ang lemon , ito ay napaka-refreshing. Bukod sa refreshing ito, ito rin ay isang healthy na prutas.

Ang extract ng lemon din ang ginagamit na sangkap sa paggawa ng mga produktong gamit sa bahay. Panglinis, panglaba, air freshener, toilet freshener.

Dahil sa lahat ng citrus fruits, ang lemon ay ang prutas na may pinakamataas na citric acid (AHA) at iba pang compounds na epektibong panglinis, pampaputi at pang deodorize.

Ang extract ng lemon peels ay nagtataglay ng Limonene na sinasabing may mga taglay na benepisyo sa kalusugan.

Maaari ka ring gumawa ng extract gamit ang mga balat ng lemon sa iyong bahay. Maaari itong gamitin internally o gamitin sa paggawa ng mga DIY’s para sa hair & skin care.

Gamit at benepisyo ng lemon, balat ng lemon at extract ng lemon.

Gamit ng Lemon

Ang lemon ay ginagamit sa iba’t ibang paraan.

  1. Pagluluto, Condiments
  2. Inumin
  3. Natural na lunas sa mga karamdaman
  4. Household cleaning products
  5. DIY Hair & Skin Care

Pagluluto at Condiments– ang lemon ay parating nagagamit sa pagluluto lalo na sa pagma-marinade. Sa mga sawsawan nating mga Pinoy, naglalagay din tayo ng juice nito para mabalance ang alat ng sawsawan.

Inumin– ang lemon ay napakarefreshing kung ihahalo ito sa inumin lalo na kung sa panahon na mainit. Refreshing ito kahit hindi mo lagyan ng yelo, at maraming benepisyo ang pag inom ng tubig na may lemon.

Natural na Lunas sa karamdaman– maraming mga karamdaman na maaaring lunasan ng prutas na lemon.

Household cleaning products– ang lemon ay may limonene at citric acid na magandang gamitin sa paglilinis. bukod pa sa mga benepisyo nitong hatid sa kalusugan.

DIY Hair & Skin Care– magagamit mo rin ito sa pag-aalaga ng iyong balat at buhok.

Mga Benepisyong hatid ng Lemon

1.Antioxidant– ang lemon ay maraming taglay na Vitamin C na isang antioxidant. Dahil sa antioxidant na taglay nito, binabalanse nito ang mga free radicals sa ating mga cells. Pag antioxidants ang usapan, maraming sakit ang naiiwasan o nalulunasan dito. 😉

2. Antimicrobial– ito ay merong antibacterial at antifungal properties. Kung sa loob ng bahay, ang lemon ay magagamit mong disinfectant dahil sa antimicrobial properties nito, sa kalusugan naman ay mapapatibay nito ang immune system ng ating katawan.

Sa antifungal properties nito, makakatulong ito kung merong tayong fungal infection.

3. Detoxifier– ang lemon ay maganda ring gamiting pang detox ng ating atay o liver. Makakatulong ang lemon na i-flush out ang mga toxins sa katawan.

4. Laxative– nakakatulong ang lemon na pagandahin ang pagdumi ng isang tao. Maiiwasan ang constipation.

Tubig o hydration para maiwasan ang stretch marks

5. Alkalizing– ito rin ay alkalizer, makakatulong ito sa pagbalanse ng PH ng katawan.

6. Weight Loss– ang pag-inom ng lemon water in between meals ay appetite suppressant.

7. Kidneys– ang citric acid ng lemon ay may kapasidad daw na durugin ang namumuong kidney stones sa ating bato.

8. Deodorizer– kung may body odor, gumamit ng juice ng lemon sa kili-kili at parte ng katawang mabaho. Ibabad ng ilang minuto bago maligo.

Kung gagamitin naman itong panglinis, gumawa ng extract nito gamit ang balat ng lemon at iba pang mga citrus fruits gamit ang suka. Hindi lang ito deodorizer, mapapaputi at madi-disinfect din ang ating nililinisan.

Paano gumawa ng natural na panglinis gamit ang suka at tuyong prutas
Panoorin ang VIDEO

Paano gamitin ang Lemon

Ang simpleng paggawa at pag inom ng Lemon Water ay isang magandang paraan ng paggamit ng lemon para magbenepisyo ang kalusugan. Mas maganda pa kung ito ay iinumin na warm pagkagising sa umaga.

Sa isang maligamgam na baso ng tubig, pigain dito ang kalahating medium size ng lemon. Inumin.

Gumawa ng lemon water na iinumin sa buong araw para ito ay available parati.

Maaari ring gumawa ng infusion gamit ang honey. Ang honey ay marami ring benepisyo sa kalusugan. Isa itong praktikal na gawain para parating available ang lemon kung kinakailangan.

Gamit at benepisyo ng honey at lemon.
Panoorin ang VIDEO

Paano gamitin ang Lemon sa Balat at Buhok

Ang lemon ay maaari ring gamitin sa balat at buhok para lunasan ang mga problema. Simple lang naman ang paggamit ng lemon sa hair & skin care, ipahid lang ang juice sa anit o balat at pabayaan ng ilang minuto. Kung may balakubak, maaaring magdagdag ng iba pang spices & herbs na makakatulong sa problema ng anit.

Kung gagamitin ang lemon sa balat, i-dilute ito sa tubig para hindi masyadong matapang. Siguraduhing mag sunblock lalong lalo na sa exposed na balat. Dahil ang lemon pati na rin ang essential oil nito ay phototoxic.

Gumamit lang ng lemon sa mukha 1-2 times sa isang linggo para hindi ma-irritate ang balat lalo na kung meron kang sensitibong balat. Pero kung extra sensitive ang balat ninyo, mas maganda kung iwasan nalang ito.

Kung walang lemon, gamitin ang calamansi bilang substitute. Ang calamansi ay marami ring benepisyong hatid sa ating kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *