April 22, 2024
Tuyong dahon ng damong paragis.

Benepisyo ng Paragis

Sharing is Caring

Napakarami palang benepisyo ng damong ito, akalain mo. Noong estudyante ako ng elementary sa pampublikong paaralan, isa sa pagdadamo ang aming gagawin bago mag flag ceremony. Ang paragis ang nakakabwisit bunutin dahil matibay ang damong ito, ang ugat ay talagang naka siksik sa loob ng lupa at ang dahon ay halos nakalapat sa lupa. Sa komunidad na kung saan ay lumaki ako, mangilan ngilan lang ang gumagamit nito noon. Pero sa mga matatandang naniniwala sa herbal medicine, isa ito sa mga ginagawa nilang extract. Ginagawa ring tsa-a at ginagawang pang tapal sa kanilang mga tuhod, paa at kung saan man ang may sakit.

Kung hindi mo alam na ito pala ay halamang gamot, iisipin mong ito ay peste sa mga halaman at eye sore sa bakuran.

Paragis na inani at pinatuyo

Ano ang Paragis

Ang paragis ay isang damo na tumutubo sa mga maiinit o tropical countries kagaya ng Pilipinas. Tinatawag din itong Indian goosegrass (Eleusine Indica) o wire grass sa ingles. Hindi lang ang Pilipinas ang gumagamit nito bilang herbal. Iba’t ibang bansa, iba iba rin ang paraan ng paggamit nila.

Mga benepisyo ng Paragis

1.Arthritis– poultice o pagtatapal ng paragis ang karaniwang gawi kung gagamitin ito sa arthritis (at iba pang pananakit sa katawan). Ginagawa daw itong parang maintenance ng kanilang mga tuhod, paa at kamay. Ang ginagawa nila ay isusugba sa apoy ng bahagya, didikdikin para mapalabas ang katas, lalagyan ng langis ng niyog at ito ang itatapal sa parte ng katawan na masakit. Babalutin ito ng tela para mapanatili ito sa balat.

2. Sugat– kung sa sugat naman, poultice din ang paraan ng paggamit. Napapabilis ang paghilom at napapahinto nito ang pagdurugo ng sugat.

3. Kidney at Liver Detox– ang simpleng pag-inom ng paragis tea ay makakatulong daw na i-detox o linisin ang kidney at liver.

4. Anthelmintic– kung problema naman sa parasite, decoction ang gagawing preparation sa paragis.

Uod sa bituka

5. Anti cancer– marami ng may testimonials na nagsasabi na ang pag inom ng paragis tea ay nakatulong sa kanilang sakit na kanser.

Pinakuluang paragis sa tasa

6. Cyst at myoma– pagdating naman sa cyst o myoma, marami na rin ang nagbibigay ng patotoo na napaliit ng paragis ang kanilang mga bukol sa pag inom ng tsaa nito.

Mga balakubak sa buhok at anit

7. Dandruff at Hairloss– makakatulong din ito sa paglalagas ng buhok at problema sa balakubak. Magpahid ng paragis oil sa anit at buhok. Ibabad ito ng few hours o overnight. Maaari ring gawin hair rinse. Magpakulo lang ng paragis, at ito ang gamitin sa huling banlaw. Maaari ring gumamit ng katas nito at ito ang ipahid sa anit.

Sobrang pagkalagas ng buhok

Paano gumawa ng Paragis Oil Infusion

Ang paraan ng paggawa ng oil infusion ay maaari mong gawin sa 2 paraan, hot or cold process. Kung gusto makita kung paano gumawa ng cold process infusion, panoorin lang ang video. Maaari ring gawin ang hot process, isang madaliang paraan ng oil infusion.

PARAGIS OIL INFUSION HOT PROCESS

Maglagay ng paragis sa kaldero o heat resistant na bowl. Lagyan ito ng langis na gusto. Gumamit ng low heat, at pabayaan ito ng at least 30 mins to an hour. Hanguin sa apoy at palamigin bago ilagay sa isang bote.

Paggawa ng paragis oil gamit ang paragis at carrier oil na olive oil.

Kung gagamitin ang paragis oil sa paglalagas ng buhok, dagdagan ng castor oil. Maganda ang castor oil na gamitin sa buhok.

Maaari ring gumawa ng paragis extract. Maaari mo itong gamiting sangkap pag gumawa ka ng hair care products. Sa article ang NCBI tungkol paragis, tinalakay dito ang antioxidant & anti-inflammatory activities ng eleusine indica o paragis.

Gusto panoorin ang paggawa ng Paragis Extract?

Paggawa ng extract gamit ang paragis na damo

Gabay sa pag ani ng Paragis

Ang paragis ay isang damo na makikita mo kung saan-saan lamang. Kailangan na i-consider ang lugar kung saan ito tumutubo at kung saan ka aani.

Huwag kumuha sa mga lugar kung saan may basura, sa lugar na madalas dinadaanan ng tao at hayop kagaya ng aso. Isa pang i-consider ay ang pagkuha sa mga rice fields dahil sa mga chemical na ginagamit sa pagtatanim ng palay.

Kumuha sa maayos ayos na lugar kagaya ng mga bakanteng lote. Kaya kung may maayos na lugar na kung saan ay may mga paragis, mag-ani ng marami. Maaari mo itong patuyuin para may gagamitin ka ng mahaba habang panahon.

Ang isang ginawa ng aking kaibigan ay nagtanim talaga ng paragis sa mga paso dahil sa takot niya sa mga chemical o mga dumi na maaaring magkontamina sa damong ito. Pero kung meron kang lupa sa bakuran, magandang maglaan ng lugar para sa paragis. Mas hygienic tignan kung ikukumpara sa mga paragis na kinukuha sa mga daanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *