April 22, 2024
Mga benepisyo at gamit sa luya.

Mga benepisyo at gamit sa luya

Sharing is Caring

Kagaya ng turmeric, ang luya ay isa ring rhizome. Ito ay importanteng recado sa ating mga asyano. Bukod sa gamit sa pagluluto, marami pa itong benepisyo at gamit sa kalusugan at pati narin sa ating balat, buhok at kuko.

Sa China, ito ay palagiang recado sa kanilang mga stir fried na lutuin. Sa India, Bangladesh, Sri lanka, ang luya ay importanteng recado sa kanilang mga curry dishes. Pag ang sushi ng mga Hapon ang pag-uusapan, hindi mawawala ang pickled ginger ma tinatawag nilang ¨Gari¨ sa lamesa.

Iba’t ibang gamit sa luya ng mga Pinoy dahil sa benepisyo nito

Marami rami ring benepisyo at gamit sa luya sa Pilipinas. At ang sikat na pag gamit dito ay;

  1. Sa bagong panganak
  2. Sa pagpapaganda ng boses
  3. Panapal sa rayuma at arthritis.

Ang luya sa mga bagong panganak na babae ay pinaniniwalaang may benepisyo sa produksyon ng gatas ng ina. Kaya ang pinakaunang ulam na ihahanda sa isang kapapanganak na babae ay TINOLA na may halong malunggay. Number 1 ito sa listahan na ihahanda dahil ito ay may recadong luya. Sabi nila, hindi daw ito backed-up ng siyensa, pero acknowledged nila na maaaring nakakatulong nga ito sa pagpapalabas at pagpaparami ng gatas ng ina.

Marami sa mga magagaling na singers natin, ang sikreto daw nila sa magandang boses ay ang pag-inom ng nilagang luya.  

At sa folk medicine, panapal sa masakit na katawan o kung merong mga inflammation, kagaya ng rayuma.

Paggamit ng luya bilang tradisyonal na medisina

Ang luya ay hindi lamang pampasarap ng pagkain o pang-alis ng lansa. Ang pampalasang (Spice) ito ay ginamit na natural na gamot libong taon na ang nakaraan sa ancient India, China, Japan.

Ayurveda medicine at Traditional medicine

Sa Ayurveda Medicine ng bansang India, tinawag na ”Universal Medicine” ang luya dahil sa mga benepisyong dulot nito. Sa TCM/Traditional Chinese Medicine ng bansang China, hindi mawawala ang luya sa mga ginagawa nilang Herbal Medicine.

      Sa dami ng benepisyo  ng pampalasang ito at sa dami ng tao na ang nais ay magkaroon ng natural na lunas sa karamdaman, dumami ang nagsilabasang supplement sa merkado na gawa sa luya.

Ang mga benepisyo at gamit sa Luya

Benepisyo sa KALUSUGAN

1.Bitamina at Mineral– Ayon sa Everydayhealth, ang luya ay mayaman sa Vitamins and Minerals. Kagaya ng, Vit B3, Vit B6, Iron, Potassium, Vitamin C, Magnesium, Phosphorus, Zinc, Folate, Riboflavin, at Niacin.    

2. Essential Amino acids– ang luya daw ay may mga essential amino acids na hindi kayang gawin ng ating katawan. Ayon sa Researchgate, may 9 na essential amino acids ang makukuha sa pagkunsumo ng luya. Ito ay ang mga, Methionine, Isoluecine, Phenylalanine, Lysine, Histidine, Valine, Arginine, Threonine, and Leucine. 

3. Nahihilo at naduduwal (Nausea and vomiting) – ang luya ay isang mabisang lunas sa pagkahilo at pagduduwal. Sa mga buntis na karaniwang nakakaranas ng ganito, makapag bibigay ng ginhawa ang luya.

Sa mga pasyente na nagche-chemotherapy na kung saan ang nausea and vomiting ang karaniwang side effect ng gamutan, makakatulong daw ang luya sa nararamdamang ito, ayun sa article ng mayoclinic.

Maaari ring itong kapalit ng gamot na iniinom kagaya ng bonamine bago magbiyahe. Maghiwa lamang ng luya at gawing parang kendi 1 oras bago ang biyahe. Maaari ring gumawa ng kending luya.  

4. Sipon at Ubo (colds and cough)– dahil sa anti-inflammatory properties nito, makakatulong rin and luya sa sipon at ubo. Makakatulong itong magpalabas ng plema sa mga may ubo. Sa simpleng pag-inom ng ginger tea na may honey at lemon juice, meron itong hatid na ginhawa. Pwede ring gumawa ng kendi na gawa sa luya o throat lozenges na gawa rin dito.

Ginger tea o salabat at fresh ginger

5. Constipation/di makatae– ang luya ay isang natural at ligtas na laxative kung ikukumpara sa mga laxative tea kagaya ng biguerlai. Ang simpleng pag-inom ng tsaa nito ay makakatulong sa bowel movements mo. At siempre importante din na kumain ng mga mayaman sa fiber na pagkain kagaya ng mga gulay at mag exercise.

6. Kabag/Utot ng Utot/di matunawan– ang luya ay ginagamit na carminative sa Ayurveda Medicine libo-libong taon na ang nakaraan bilang lunas. Pwede mo itong gawin sa 3 paraan; 

a. Uminom ng ginger tea.  

Ginger tea o salabat at fresh ginger

b. Gumawa ng ginger tea at gawin itong warm compress sa tiyan   

Spices & herbs tea compress
Spices & Herbs Compress

c. magpahid ng ginger oil (infused) o ginger essential oil sa tiyan at imasahe ito paikot.

7. Weight loss/Pampapayat– ang luya ay nagpapabilis ng metabolismo. Pag mabilis ang metabolism, mas maraming calories ang nagagamit  o nasusunog ng katawan. Gumawa ng ginger water at ito ang iinumin mo sa proseso ng iyong pagpapapayat.

Pero kung gusto mo namang tumaba, ito ay maaari mo ring gamitin. Uminom ng salabat 30mins bago kumain.

Sa tamang pagkain, exercise, at ginger water, mababawasan ka ng timbang sa tamang paraan. Malayo sa mga side effects na nakukuha sa mga synthetic na weight loss supplements.

8. Bad breath (Halitosis)– ayon sa Sciencedaily ang 6-gingerols (ang nagbibigay ng amoy ng luya) ng luya ay ini-stimulate nito ang enzyme sa ating laway para tunawin ang mabahong amoy sa ating bunganga.

Mag balat at maghiwa ng luya at gawin itong parang kendi. 

9. Hypertension– Ayon sa sa article ng NCBI, ang luya raw ay nakakatulong na mag pababa ng dugo. Pagkatapos kumain, uminom ng ginger tea na may lemon at honey.

10. Osteoarthritis at Rheumatoid arthritis– ayon sa article ng Versusarthritis, ang luya daw ay may abilidad na patigilin ang produksyon ng mga kemikal na dahilan ng mga inflammation. Meron ding itong salicylates na kung ating nakunsumo ay prinoproseso ng ating katawan at ito ay nagiging salicylic acid.

Ang salicylic acid (sangkap sa mga pain medication) ay nagpapagaan at nagbibigay lunas sa sakit na nararamdaman. Maaaring uminom ng ginger tea, magpahid ng ginger oinment/balm, ginger compress, o gumamit ng ginger infused oil o ginger essential oil.

11. Sakit sa katawan– bukod sa osteoarthritis at rheumatoid arthritis, ang luya ay mainam din gamitin kung masakit ang katawan. Uminom ng salabat. Pwede rin na gumamit ng langis para gamitin sa pagmamasahe.

Para sa sakit sa katawan dahil sa pagod o kung ano man, maaaring lunasan ito sa pamamagitan ng masahe o aromatherapy gamit ang ginger essential oil. Kung walang ginger essential oil, gumawa ng oil infusion o ointment nito.

12. Sakit sa ulo– ang luya ay ang rekadong makukuha mo sa kusina para sa natural na lunas sa sakit ng ulo. 

13. Sore Throat/Pamamaga ng lalamunan– pagdating sa namamagang lalamunan, ang luya ay may anti-microbial properties na kayang lunasan ang pamamaga.

Maaring gumawa ng ginger tea at inumin, damihan ang luya para mas matapang ito. Maaari ring gawing parang kendi ang fresh na luya o gumawa ng parang kendi gamit ang luya. Ito ay mas mainam kung ikukumpara sa mga lozenges o mga kendi. Pero, pwede ring gumawa ng ginger lozenges 😉

14. Cancer– Ayon sa article ng NCBI, sa mga ginawang pag-aaral sa luya, ito raw ay epektibo sa pancreatic cancer, liver cancer, colorectal cancer, at cholangiocarcinoma.

Sa ginawang pag-aaral ni Rajiv Gandhi ng Centre for Biotechnology sa India, ang 6- shogaol compound ng luya raw ay 10,000 mas malakas na panlaban sa cancer kung ikukumpara sa chemotherapy. Bukod sa mas malakas ito kumpara sa chemotherapy, ito raw ay ligtas mula sa mga negatibong epekto na nakukuha sa chemotherapy na kung saan pati ang healthy cells ay nasisira at namamatay.

15. Balakubak o dandruff– ang luya ay sa isa mga herbal na lunas sa balakubak. Sa pagkakaroon nito ng antifungal properties, isa itong epektibong pampalasa na maaaring gamiting lunas.

Mga balakubak sa buhok at anit

16. Menstrual Cramps (Dysmennorhea)- marami sa mga kababaihan na kapagka dinadatnan o bago datnan ay masakit ang ulo at puson. Ang luya ay may natural na anti-inflammatory properties at may natural na analgesic na makakatulong sa karamdaman. Simpleng pag-inom ng tsaa nito 3-4 na beses sa isang araw, at hot compress ng luya sa may puson ay magbibigay ng ginhawa sa nararamdaman. Maaari ring gumamit ng ginger essential oil na pang masahe sa may puson.

17. Maintenance at natural na lunas sa paglalagas ng buhok– dahil ang luya ay nagpapaganda ng sirkulasyon, ginagamit ito para lunasan ang problema sa naglalagas na buhok.

Benepisyo ng Luya sa Balat at buhok

  1. Peklat/Scar
  2. Tigyawat/Acne
  3. Mabisa itong moisturizer ng balat at buhok
  4. Pampalago ng buhok
  5. Gamit sa balakubak

Ang luya ay maraming benepisyo sa kutis, buhok at kuko. Maaari nyong gamitin ang katas nito at direktang ipahid. Sa paggawa ng skin o hair care products, maaaring mag-formulate gamit ang ginger essential oil o gumawa ng infusion.

4 thoughts on “Mga benepisyo at gamit sa luya

  1. thank u so much.. since lockdown i try to make a ginger tea. nakakatuwa magaan sa tiyan pansin ko lagi akong na otot haha lam nyo na kasunod?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *