April 22, 2024
Mga paraan ng paggamit at benepisyo ng aloe vera gel at aloe vera plant.

Gamit at Benepisyo ng Aloe Vera sa Buhok at Balat

Sharing is Caring

Pag napag-uusapan ang benepisyo ng aloe vera sa buhok at balat, parating ginagawang example si Cleopatra. Dahil isa raw ang aloe vera ang ginagamit nya sa kanyang pagpapaganda. Ito raw ang pinapahid sa kanyang balat at buhok para panatilihing makinis, malambot at malusog. At bukod sa paggamit ng aloe vera sa pagpapaganda noong unang panahon, ito ay ginamit ding natural na lunas sa mga karamdamang pangloob at panglabas. Tinawag din itong ¨plant of immortality¨ ng mga egyptian. Ang halamang ito ay nilalagay sa bungad ng mga pyramid bilang gabay sa mga namatay nilang Pharoahs patungo sa ¨land of the dead¨.

Ito rin ay pinaniniwalaang panlaban sa mga masasamang espiritu. Ang halaman ay nilalagay sa bungad o paligid ng harap ng bahay para ang masamang espiritu ay hindi makapasok sa loob. At bukod sa paniniwalang yan, ito rin ay pinaniniwalaang nagbibigay ng ¨good luck¨.

Ancient egypt pyramid sa sinaunang panahon ng ehipto

Sa pagdaan nga ng panahon, sa patuloy na pagsisiyasat ng siyensa ay dumami pa ang mga nakitang benepisyo at gamit nito sa kalusugan ng tao.

Gamit at benepisyo ng aloe vera sa kalusugan

Sa kalusugan, ang aloe vera ay sinasabing maraming gamit at benepisyong hatid. Ang medicalnewstoday ay nagbigay ng walong (8) benepisyo ng aloe vera.

  1. Meron itong bioactive compounds, vitamins, minerals, amino acids at antioxidants.
  2. Antibacterial properties
  3. Pinapabilis ang paghilom ng sugat at sunog sa balat.
  4. Kalusugan ng gilagid at ngipin.
  5. Natural na lunas sa mouth ulcers o canker sores.
  6. Problema sa constipation- ito ay may laxative effect.
  7. Wrinkles
  8. Blood sugar levels

At kung magsisiyasat ka pa, marami pang mga gamit ang aloe vera. Ang iba ay backed-up ng siyensa ang iba naman ay traditional na gamit na ayaw tanggapin ng siyensa 😀

9. Lagnat- dahil sa ito ay may cooling effect, ginagamit din itong pampababa ng lagnat at sakit ng ulo. Tinatapal ang aloe sa noo para mapababa ang lagnat.

10. Blood pressure

11. Almoranas- gawing pampahid ang aloe vera gel.

12. Antihelminthics- sa ayurveda ng bansang India ang aloe vera ginagawang pang purga.

13. Paltos sa paa- pahiran lang ang blister o paltos ng aloe vera gel.

Mula sa gamit at benepisyo ng aloe vera sa kalusugan, dumako naman tayo sa gamit at benepisyo nito sa ating buhok at balat.

Gamit at Benepisyo ng Aloe vera sa Buhok at Balat

1.Buhok at Anit– ang aloe vera ay nakakatulong sa buhok para patibayin at palaguin. Kung problema ang paglalagas ng buhok, gawing hair mask ang aloe vera gel. Ipahid ito mula sa anit hanggang sa dulo ng buhok (hibla). Hindi lang nito mapapatibay ang buhok, matatanggal din ang mga balakubak.

Dahilan ng pagkapanot at natural na lunas dito
Mga balakubak sa buhok at anit

2.Dry skin– pag ang balat mo naman ay dry at lifeless, ibig sabihin nito ay kulang sa moisture. Mabisa itong moisturizer sa balat.

3. Wrinkles & dark spots– dahil sa meron itong mga antioxidants, makakatulong itong pigilang ang pagdami ng free radicals sa ating balat na siyang dahilan ng mga kulubot at dark spots sa mukha. Meron din itong natural na whitening effect kaya makakatulong sa pagtanggal ng mga dark spots.

Wrinkles o kulubot sa balat
Dark spots, sun spots at melasma sa mukha.

4. Stretch marks– ang aloe vera ay isa sa mga natural na lunas sa stretch marks. Ang simpleng pagpahid nito sa balat at pagbabad ng hindi bababa sa 1 oras araw araw ay makakatulong sa skin regeneration.

Sanhi ng stretch marks o striae

5. Kilay at pilik mata– kung pampakapal ang aloe vera ng buhok, ito ay maaari ring gamitin para kumapal ang kilay at pilik mata. Pero gumamit lamang ng fresh aloe vera gel kung ito ay gagamitin mata. Huwag gumamit ng mga nabibiling 92% o 99% aloe vera gel dahil ito ay may iba’t ibang uri ng kemikal.

Pero kung walang makitang fresh aloe vera gel, gumawa ng serum na pampakapal ng kilay at pilik mata gamit ang iba’t ibang uri ng langis.

6. Collagen production– nakakatulong daw itong palaguin ang production ng collagen sa ating balat.

7. Under eye– nakakatulong ito sa problema sa under eye kagaya ng eyebags, pamumugto, at pangingitim. Pahiran lamang ng aloe vera gel ang ibaba ng mata at paligid nito.

Paano gamitin ang aloe vera gel para sa kalusugan

Madali lang i-incorporate ang aloe vera para magbenepisyo ang ating kabuuang kalusugan. Mag blend ng 500 grams (o depende sa gusto mong timpla o lapot) ng gel at 1 litrong tubig. Meron ka ng aloe vera juice. Lagyan ito (optional) ng fresh mint (spearmint), peppermint, basil o ibang herbal na nais mo. Maaaring inuming maligamgam o lagyan ng konting yelo para mapalamig konti ang katawan sa mainit na panahon.

Paano gamitin ang aloe vera gel sa buhok at balat

Kung sa buhok at balat naman gagamitin ang aloe vera gel, ipapahid mo lang ito. Maaari mo itong ipahid at ibabad sa parte ng katawan o buhok ilang oras bago hugasan o pabayaan overnight. Kung sa mga DIY cosmetics naman, maaari mo rin itong gamitin sa formulations ng cosmetics.

Ano ang Aloe latex

Sa pagkuha ng gel, huwag isasama ang aloe latex o yung kulay dilaw na malapit sa balat para maiwasan ang mga negatibong epekto o side effects nito sa kalusugan. At bago gamitin, siguraduhing banlawan muna ito para siguradong hindi kontaminado ng aloe latex

Alternatibo para sa walang fresh aloe vera gel

Para naman sa walang access sa fresh aloe, maraming nabibiling aloe vera juice sa mga groceries. Maaaring hindi ito as natural sa fresh aloe, meron parin itong benepisyo sa kalusugan. Pero paratiang i-check ang label para makita talaga kung totoong aloe vera ang sangkap dito at hindi flavoring lamang.

Kung sa paggamit naman sa beauty regimen at walang fresh aloe vera, accessible naman ang mga nabebentang aloe vera gel na nasa 92 percent o 99 percent. Maaari mo itong gamitin sa buhok at balat o gamiting sangkap sa paggawa ng mga cosmetics. Pero kung gusto mong mas natural para makaiwas o mabawasan ang mga kemikal sa inyong mga ginagamit sa inyong hair and skin care routine, maghanap ng aloe vera powder. Marami kang maaaring gawin gamit ang aloe vera powder at madali lang ito i-incorporate sa paggawa ng DIY cosmetics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *