April 22, 2024
Babaeng lumalanghap ng bulaklak

Benepisyo ng Essential oil at Aromatherapy

Sharing is Caring

Maraming iba’t ibang uri ng essential oils at paraan ng paggamit dito, at isa nga dito ang aromatherapy. Ang salitang AROMATHERAPY ay galing sa salitang Latin at Greek:

Latin: aroma- sweet odor, spice
           therapia- therapy

Greek: aroma- spice
            therapeia- healing,curing

Ang aromatherapy ay isang klase ng alternatibong medisina na ang paraan ng gamutan ay sa pamamagitan ng ”pang-amoy” gamit ang Essential oils. Ito ay maaaring i-diffuse sa iba’t ibang paraan at kasama rin diyan ang massage therapy.

Ang ating Sense of Smell (Pang-amoy)

Meron tayong tinatawag na 5 Senses. Bawat isa diyan ay importante sa atin dahil sa mga papel na ginagampanan.

1.Sense of sight (paningin)

2. Sense of hearing (pandinig)

3. Sense of taste (panlasa)

4. Sense of touch (pakiramdam)

5. Sense of smell (pang-amoy).

Babaeng lumalanghap ng bulaklak

Halimbawa, ang sense of smell (pang-amoy) ay nagbibigay ng BABALA. Sa ating pang-amoy, malalaman natin kung may nasusunog at kung ano ito. Binibigyan tayo ng babala kung ang ating mga kalan ay hindi nasarang mabuti dahil naaamoy natin na tumatagas ang gas nito. Sa ating sense of smell, malalaman din natin na ang pagkain ay hindi na pwedeng kainin dahil ito ay amoy panis.

May mga amoy naman na magbibigay sa atin ng pakiramdam ng kaginhawaan. Meron ding amoy na kung saan ay maaalala natin ang mga bagay, tao, o lugar. May mga amoy na maaaring ikagalit natin, ikatuwa natin o ikalungkot natin, maaari tayong mahilo o masuka. Depende sa amoy, maganda man o mabuti, magbibigay ito ng epekto sa atin sa pisikal, mental, emotional, o spiritual.

Ang relasyon ng ating sense of smell o pang amoy sa essential oil at aromatherapy

Ano ang Aromatherapy

Gamitin nating halimbawa ang amoy ng ylang-ylang para sa simpleng explanation nito;

Ang molecules ng ylang-ylang (nakukuha sa ”amoy”) ay papasok sa ilong at mananatili sa olfactory membrane na kung saan ay may mga nerve endings o ang tinatawag na olfactory receptors. Ang nerve endings naman ay magbibigay ng senyales sa iyong olfactory bulb. Si olfactory bulb naman ay magbibigay ng senyales sa cortex at limbic system (parte ng utak). Mula diyan, lalabas naman ang mga neuro chemicals at hormones. Ang ating katawan naman ay magre-react sa mga hormones at chemical na yan.   

Ang reaction ng mga hormones at chemicals sa taong depressed ay ibabalance ang mga chemicals sa ating utak.

Paraan ng paggamit ng essential oil at aromatherapy

  1. Diffuser- maraming iba’t ibang paraan kung paano i-diffuse ang essential oils para mapakinabangan ang benepisyo nito at ng aromatherapy.
  2. Massage- ang massage therapy ay sakop rin ng aromatherapy. Gamitin ito bilang pangmasahe sa katawan.
  3. Topical use- gumawa ng ointment o cream gamit ang essential oil. Ipahid ito sa parte na nangangailangan ng lunas.

Ang essential oil ay kinakailangang haluan ng carrier oil kung gagamitin ito sa balat kagaya ng massage.

Huwag kakalimutan na alamin ang mga gabay sa paggamit nito. Alamin din kung papaano malalaman kung fake ang essential oil. At lalong lalo na kung ikaw ay may allergy. Bago gumamit, magsagawa ng ”patch test”. Tandaan lamang na ang epektibo sa ibang tao ay maaaring hindi maging epektibo sayo- parang gamot rin lang yan. Minsan ang doktor ay nagkakaroon ng trial sa mga gamot na nirereseta nila sa mga pasyente. Ang epektibo sa ibang pasyente ay hindi epektibo sa iba.

Mga bulaklak at mga bote ng essential oils

 

Ano ang benepisyo ng essential oil at aromatherapy

Ang essential oil at aromatherapy ay may benepisyo sa kalusugan ng ating pag-iisip, katawan, at spiritual. Sa pamamagitan ng paglanghap at sa pagmamasahe (massage therapy) gamit ang tamang essential oil matatamasa natin ang dulot na benepisyo nito.

ISIPAN

  1. Makakatulong sa depresyon at stress.
  2. Calming at relaxing effect.
  3. Sedative effect sa mga taong di makatulog.
  4. Uplifting o energizing effect.

KALUSUGAN

  1. Binabalanse at nireregulate ang hormone.
  2. Antifungal- may kakayahan itong lunasan ang mga fungal infection kagaya ng alipunga, an-an at iba pang sakit sa balat na sanhi ng mga fungi.
  3. Anti inflammatory
  4. Antimicrobial
  5. Antiemetic- pag nahihilo at nasusuka
  6. Antioxidants
  7. Immunity booster- makakatulong na palakasin ang ating immunity para labanan ang mga sakit.
  8. Aprodisiac
  9. Anti-rheumatic at anti arthritis effect.
  10. Decongestant
  11. Digestive stimulant
  12. Deodorant, Body odor
  13. Dandruff o balakubak
  14. Warming at cooling effect
  15. Sakit ng ulo at katawan- gamit itong natural na lunas sa sakit ng ulo at katawan.

SPIRITUAL

  1. Focus at concentration
  2. Meditation
  3. Potion

Bukod sa paggamit ng essential oil sa aromatherapy dahil sa mga benepisyo nito, ang essential oil ay may gamit at benepisyo din sa ating buhok at balat.

Benepisyo at Gamit ng Essential oil sa Balat o Kutis at Buhok

KUTIS AT PERSONAL HYGIENE

  1. Wrinkles
  2. Pampaputi ng kutis
  3. Tigyawat/Pimples
  4. Skin toner
  5. Stretch marks
  6. Peklat/Scar
  7. Deodorant
  8. Dandruff (Buhok)
  9. DIY perfume
  10. Lotion- ginagamit na sangkap sa paggawa ng ”DIY lotion”
  11. Powder- ginagamit na sangkap sa paggawa ng ”DIY powder”

Benepisyo at gamit ng Essential oil Bahay

  1. Natural na disinfectant- maaaring gamitin sa paglilinis ng bahay kapalit ng mga panglinis na gawa sa mga toxic na chemicals.
  2. Natural na air freshener, deodorizer (car, toilet, room)
  3. Natural na disinfectant at fabric conditioner sa mga labahang damit.
  4. Linen spray o pampabango ng mga kobre kama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *