April 22, 2024
Mga iba't ibang paraan kung paano gamitin ang honey at mga halamang gamot.

Paano gamitin ang Honey sa mga halamang gamot

Sharing is Caring

Ang herb infused honey ay isa pa sa mga paraan para ma-maximize ang mga benepisyo ng honey at mga spices & herbs. Sa honey infusion, maaari mong gamitin ang iba’t ibang uri ng spices & herbs. Mga spices kagaya ng bawang, sibuyas, luya, turmeric. Maaari rin ang mga herbs kagaya ng basil, oregano, lavender, thyme, rosemary, at iba pa. Maaari ka ring gumawa ng combination ng mga ito.

Ang herb infused honey ay isa ring magandang paraan para mapainom ang mga bata ng halamang gamot bilang suplemento o lunas sa karamdaman. Pero siempre, maaari lang silang magtake ng honey pag 12 months old na sila. Huwag bibigyan ng honey ang batang below 1 year old dahil at risk sila sa botulism.

Paano gumawa ng infusion gamit ang honey at Spices & Herbs

Sa paggawa ng spices & herbs infused honey, kailangan mo ng garapon at siguraduhing ito ay malinis.

Mga benepisyo at gamit ng honey sa kalusugan , buhok at balat.
Mga spices & herbs na maaaring ihalo sa honey at apple cider vinegar.

Honey at Spices

Madali lang gumawa ng spice infused honey. Hiwain ng maliliit o maninipis (maaari ring i grate) ang spice na gagamitin. Pagkatapos ay ilagay ang honey. Gumamit ng garapon na sakto lang ang laki sa dami ng spice (o herb) at honey na gagamitin.

Pag fresh na spice ang ginamit, lagyan ng mga kulang kulang 3/4 ang garapon. Para maiwasan na mag-float yung spices. Kaya saktong laki ng garapon lamang ang paglagyan.

Itabi ito ng tatlong araw, pagkatapos ay maaari ng gamitin. Ang sibuyas syrup ay madali lang ma-infuse, in few hours maaari na itong gamitin. Maaaring tumagal ang infusion na ito ng mga ilang buwan.

Halimbawa ng mga spices na maaaring i-infuse sa honey ay ang mga;

  1. Honey at sibuyas- sibuyas syrup
  2. Honey at lemon
  3. Honey at bawang
  4. Honey, lemon at luya

Honey at Herbs

Pareho lang ang procedure sa paggawa ng herbs infused honey pag gagamit ng dried herbs o pinatuyong mga herbal. At ang shelf life nito ay mas matagal dahil ito ay maaaring umabot ng taon.

Maglagay ng halamang gamot sa garapong malinis, lagyan ng honey at itabi ng 2-3 linggo. Alugin araw-araw. Pagkaraan ng ilang linggo, salain at ilipat sa ibang garapon. Maaari na itong gamitin.

Paano gamitin ang Spices & Herbs Infused Honey

Sa paggamit ng honey infusion, maaari mong i-take ng solo. Maaari ring ihalo sa maligamgam na tubig at inumin na parang tea.

Tea o tsaa na gawa sa spice-infused honey

Maaaring gumawa ng honey-lemon water. Kung gusto ng parang ¨soda¨, instead na tubig ang gamitin, lagyan ito ng carbonated water. Magandang substitute sa mga taong gustong makaiwas sa not-so healthy contents ng mga softdrinks.

Honey-lemon drink

Ang isang pang paraan na maaaring gawin ay ang tinatawag na OXYMEL.

Ano ang OXYMEL?

Ayon sa wikipedia, ang oxymel ay ang paghahalo ng honey at suka para gawing medisina. Sa madaling sabi, isa parin itong paraan ng paggawa ng extracts ng mga halamang gamot. At ito ay hindi na bago dahil matagal na itong ginagawa ng mga sinaunang tao. At ito ay ipinasa sa mga sumunod na henerasyon.

Ang oxymel ay isa ring alternatibo para sa mga taong ayaw sa extracts na gawa kung saan ang solvent na ginamit ay alcohol at hindi makakita ng glycerin na food grade.

At para naman sa sukang gagamitin, siempre ang gagamitin dito ay ang apple cider vinegar with the mother. Kaya sa OXYMEL, kuha mo ang benepisyo ng apple cider vinegar, benepisyo ng honey at ng spices & herbs na gagamitin.

Apple cider vinegar na gamit sa paggawa ng oxymel

Paano gumawa ng oxymel?

Para sa recipe na ito, gumamit ako ng mint o spearmint. Nilagay ko ang mint sa isang garapon, at nilagay ko ang honey at apple cider vinegar. Nilagyan ko ng baking paper at tinakpan. Itinabi ko ito sa isang cabinet. Inaalog ko ito araw-araw para lalong mapaganda ang extraction o infusion ng herbal na nagamit. After 2 weeks, sinala ko ito at nilagay sa isang malinis na garapon.

Paggawa ng oxymel gamit ang honey, apple cider vinegar, spices at mga halamang gamot.

Umiinom ako nito ng mga 2-3 kutsara sa isang araw.

Dami ng honey at apple cider vinegar na gagamitin

Ideally, ang dami ng honey at apple cider vinegar na gagamitin ay equal amount. Pero maaari namang magdagdag ng suka o honey, o magbawas ng honey o suka. Depende na ito sa panglasa mo.

At kung sa dami naman ng herbal o spice, 1/4 ng garapon hanggang 1/2 ng garapon lamang. Dahil kung tuyong herbal ang gagamitin, pag ito ay nalagyan na ng likido, ito ay mare-rehydrate ulit at magbu-bulge.

Gusto panoorin ang video ng paggawa ng Oxymel?

Subukang mag infuse o gumawa ng oxymel gamit ang iba’t ibang uri ng mga spices & herbs. Maghanap sa inyong komunidad. Kung wala man makitang gustong i try na herbal, meron ng internet na magagamit para makabili sa ibang lugar. Marami ng nagbebenta ngayon ng mga herbal. Maaari ring makabili ng mga spices & herbs na binebenta sa groceries na gamit sa pagluluto.

Para sa mga kababayan na nasa ibang bansa naman, mainam na pumasyal sa mga middle eastern o asian groceries o tumingin sa mga Health Food Store. Kadalasan ay dito ka makakakita ng mga herbal na mahirap mahanap sa mga regular na groceries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *