April 22, 2024
Mga iba' ibang gamit at benepisyo ng apple cider vinegar

Mga benepisyo ng apple cider vinegar

Sharing is Caring

Ang Apple Cider Vinegar o ACV for short ay isa sa mga sangkap na hindi dapat mawala sa ating kusina. Bukod sa gamit nito sa pagkain, ito ay napakarami pang gamit para sa kabuuan ng ating kalusugan. Ang mga benepisyo ng apple cider vinegar ay sa kalusugang panloob at panlabas.
       Kagaya ng baking soda, essential oils, honey, Spices & Herbs, ang apple cider vinegar ay ginamit ng mga taong nauna sa atin. Ginamit ito bilang lunas sa mga sakit at naganap yan libo libong taon na ang nakaraan. Bukod diyan, ginagamit din ang suka sa personal hygiene, panglinis, at pang preserve ng pagkain. Sa panahon ni Hippocrates, pinaniniwalaan na sa kanyang mga sinulat na medical texts, ang apple cider vinegar ang ginamit bilang lunas ng mga iba’t-ibang karamdaman.

Mga pagkaing bilang lunas

Iba’t ibang klase ng suka sa supermarket

Pag pupunta ka sa mga supermarket, marami kang makikitang iba’t-ibang klase ng suka na nakahilera sa mga estante. Maraming suka na gawa sa acetic acid, may gawa sa niyog, bigas, grapes (Balsamic vinegar), apple (ACV) at marami pang iba. Pero so far, sa lahat ng klase ng suka, ang Apple Cider Vinegar ang healthiest vinegar dahil sa hatid nitong mga benepisyo.

Pero bago ang benepisyo nito sa kalusugan ng ating katawan, tignan muna natin kung anong apple cider vinegar ang dapat bilhin.

Paano tumingin ng tamang apple cider vinegar

Marami pa sa atin ang naguguluhan kung anong titignan at bibilhin na apple cider vinegar. Para magamit mo at mapakinabangang mo ang mga benepisyo ng Apple Cider Vinegar kailangan tignan mo ang 3 bagay na nakalagay sa label nito. At ika-4, pag sa ibang brand ito ay nasa brown na bote o ang tinatawag nilang AMBER GLASS.

  1. Organic
  2. Raw, unfiltered
  3. With the mother
  4. Amber glass– minsan sa ibang brand at lalong lalo na hindi sa plastic bottle.
Paano tumingin ng tamang apple cider vinegar ay ang tignan ang 3 criteria. Raw unfiltered, Organic at with the mother

Kailangan na gawa sa organic apples ang isang apple cider vinegar. Ito ay para masigurong hindi ito nalagyan ng mga inorganic fertilizers, pesticides, insecticides o herbicides. Mula sa terminong ”Filtered”, ang apple cider vinegar na filtered ay tinanggalan na ng ”mother” o yung parang latak na makikita sa suka. Ang ”UNFILTERED” na ACV ang pinaka maraming benepisyo dahil sa ”mother”, andyan pa ang mga good bacteria, mga enzymes at mga nutrisyon.

Kung titignan ang filtered apple cider vinegar, ito ay malabnaw kung ikukumpara sa unfiltered, raw at organic apple cider vinegar.

Ang pagkakaiba ng filtered apple cider vinegar at unfiltered apple cider vinegar.

Ang kulay ng bote naman ay importante rin. Ito ay para maprotektahan ang mga nutrisyon, enzymes, good bacteria na maaaring masira ng sinag ng ilaw.

Ano ang magandang brand ng Apple Cider Vinegar

Minsan tayo ay nagkakatalo pagdating sa brand. Sa grocery marami kang makikitang iba’t-ibang brand ng ACV. Iba’t-ibang presyo, may mas mura, at meron din mas mahal. Pero kung pipili ka, hindi dapat ang presyo ang iyong batayan. Gamiting batayan ang profile ng isang company, gaano na ito katagal. Dahil ang isang kumpanya ay hindi tatagal kung walang tiwala ang mga mamimili. Ang Bragg apple cider vinegar ni Paul Bragg ang isa sa mga pinakamatagal at pinakasikat na brand ng apple cider vinegar.

Pero ang brand na ito ay gumagamit narin ng plastic bottles para sa kanilang unfiltered apple cider vinegar. Pag ang available na apple cider ay nakalagay sa plastic bottles, hindi ko ito binibili. Parang iniisip ko na bumababa na ang kalidad ng kumpanyang ito 😀

Ano ang mga benepisyo ng APPLE CIDER VINEGAR

Apple cider vinegar sa baso at prutas na apple

Sa mga professionals at mga taong advocate ng Natural Medisina (Alternatibong Medisina), maraming sinasabing benepisyo ang makukuha sa paggamit ng ACV. Maaaring hindi lahat ay sinasang-ayunan ng siyensa ang mga sinasabing benepisyo nito. Pero ang mga taong gumamit o gumagamit nito ang nagpapatotoo sa bisa at mga benepisyo ng apple cider vinegar.

Mga Benepisyo at gamit ng Apple cider vinegar sa sakit at kalusugan

  1. An-an- (Benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa Kutis)
  2. Alipunga/Athlete’s foot- (Benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa Kutis)
  3. Asthma
  4. Backpain
  5. Blood Pressure
  6. Cancer
  7. Candida
  8. Kalyo/Calluses
  9. Cellulite
  10. Chicken pox
  11. Cholesterol
  12. Conjunctivitis
  13. Paninigas ng dumi/Constipation- o hindi makapagdumi
  14. Depresyon/Depression
  15. Diabetes
  16. Diarrhea
  17. Dizziness 
  18. Ear infection
  19. Edema
  20. Gallstones
  21. Sakit sa ulo/Headache
  22. Kuto/Head lice
  23. Hot flashes
  24. Insect bite
  25. Hirap makatulog/Insomnia
  26. Impetigo
  27. Jellyfish sting
  28. Had-had/Jock itch- (Basahin ang: Benepisyo ng apple cider vinegar sa kutis)
  29. Pagkahapo/Fatigue
  30. Fever/Lagnat
  31. Fibromyalgia
  32. Leg cramps/Pamumulikat
  33. Mosquito bite
  34. Nail fungus- (Benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa Kutis)
  35. PH balance
  36. Sinus congestion
  37. Skin tag, warts, corns
  38. Sore throat
  39. Pampababa ng timbang/Weight loss/Workout endurance

Mga benepisyo at gamit ng Apple cider vinegar sa Pagkain

  1. Condiments
  2. Marinade
  3. Pickling
  4. Salad dressing

Mga benepisyo at gamit ng Apple cider vinegar for Household use

  1. General cleaning
  2. Gold cleaner (Jewelry)
  3. Natural na pamuksa sa Langaw
  4. Natural na pangtanggal ng bara sa Lababo
  5. Smoke odor- pang absorb ng usok kagaya ng usok ng sigarilyo.
  6. Washer; dish washer, washing machine freshener
  7. Weed killer/Pampatay ng mga damo

Pagdating naman sa Household use, ang paggamit ng ACV o apple cider vinegar ay masyadong magastos. Personally, ang aking ginagamit bilang household use ay ang White vinegar o puting suka. Ang white vinegar ay isang alternatibo pagdating sa mga maintenance o paglilinis ng bahay.

Mga benepisyo at gamit ng Apple cider vinegar bilang Personal hygiene

  1. Balakubak/Dandruff
  2. Deodorant
  3. Facial mask
  4. Facial toner
  5. Facial wash
  6. Feminine wash
  7. Hair fall/Paglalagas ng buhok – ang ACV ay ginagamit bilang lunas sa pagkalagas ng buhok.
  8. Hair care maintenance- maaari mo rin itong gamitin bilang maintenance dahil maraming benepisyo ang apple cider vinegar sa buhok.
  9. Skin rashes
  10. Skin whitening- (Benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa Kutis)

Paano ginagawa ang homemade apple cider vinegar

Ang apple cider vinegar ay maaari ring gawin sa inyong bahay. Ang paggawa ng homemade ACV ay mangangailangan lamang ng mga simpleng sangkap at gamit sa fermentation. Kung enjoy ninyo ang home crafting o paggawa ng DIY’s maaari rin ninyo itong itry.

Paano gumawa ng apple cider vinegar sa bahay

Paggawa ng Halamang gamot gamit ang Apple cider vinegar

Paggawa ng oxymel gamit ang honey, apple cider vinegar, spices at mga halamang gamot.

Ang apple cider vinegar ay maaari ring gamitin sa pag extract ng mga halamang gamot at spices & herbs. Ito ay isang solvent para mag-extract ang mga medicinal properties, compounds at mga nutrisyon mula sa mga halaman. Kasama ng honey, halamang gamot o mga spice ay makakagawa ka ng oxymel, isang uri ng medisina o supplement sa traditional medicine.

Importante parin na kung may nararamdaman sa inyong katawan ay magpatingin sa DOKTOR. Huwag ipagsawalang bahala ang kanilang tungkulin sa paggagamot. Maganda rin ikonsulta ang pag-inom nito kung kayo ay may maintenance na gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *