April 22, 2024
Paano gumawa ng apple cider vinegar sa bahay

Paano gumawa ng Homemade Apple Cider Vinegar

Sharing is Caring

Ang apple cider vinegar ay maraming hatid na benepisyo sa ating katawan at kalusugan. At kagaya ng karaniwang suka, maaari mo rin itong gamiting panglinis kung nakakaluwag luwag 😀 Kung curious ka kung paano gumawa ng homemade apple cider vinegar, napaka simple lang ang paggawa nito. Maaari mo itong gawin sa inyong bahay.

Kung sa tingin mo na mas economical ang homemade na suka kesa bumili ng ready made na ACV. O dahil ikaw ay kagaya ko na nage-enjoy sa homecrafting, easy lang ang paggawa nito. Kayang kaya!

At pagdating naman sa mga gamit at sangkap, simple rin lang ang mga kailangan. Kung meron kang garapon, mansanas, asukal at tubig, maaari mo ng umpisahan ang diy apple cider vinegar.

Paano gumawa ng homemade apple cider vinegar

Para sa paggawa ng apple cider vinegar, kailangan mo ng babasaging garapon. Ang laki nito ay depende sa dami ng mansanas na gagamitin sa iyong fermentation. At para naman sa mga sangkap, apple, asukal at distilled o boiled water ang iyong kakailanganin.

Pag meron ka nyan, maaari ka ng gumawa ng homemade apple cider vinegar.

Step 1. Hugasan ang mga mansanas na gagamitin. Mas mainam kung gawin ang tamang paghuhugas ng prutas at gulay. Basahin ang blog na ginawa ko o panoorin ang video demo nito.

Pagkatapos mahugasang mabuti, ito ay hiwain sa gusto mong style ng paghihiwa. Pwedeng mas maliit, mas manipis. Maaari mong isama ang lahat ng parte ng mansanas, tangkay, buto, balat. Again, depende ulit sayo. Pwede rin na gamitin lamang ang balat ng mansanas.

Step 2. Ilagay sa garapon. Lagyan ng mansanas ang garapon hanggang 3/4 ng sisidlang gagamitin.

Step 3. Lagyan ng asukal at tubig. Ang tubig ay mga 1 inch higher sa mga mansanas. Sa dami naman ng asukal, sa aking ginawang video, gumamit ako ng less than 1/2 cup ng asukal sa 6 pieces medium size apples. Sa mga unang ginawa kong homemade apple cider vinegar, sa 1 medium size na mansanas ay naglagay ako 1 teaspoon. Ngayon naman ay try ko ang mas maraming asukal.

Step 4. Takpan ang garapon ng coffee filter o cheese cloth at talian ng rubber band. O gamitin ang mismong takip ng garapon pero hindi mo ito hihigpitan, loose lamang. Parang pinatong mo lang ang takip sa garapon. Sa video na aking ginawa, coffee filter at takip ng garapon ang aking mga ginamit.

Pagkatapos ay itabi ito ng 4 na linggo.

Step 5. Ang paghahalo at pagtutulak sa mga mansanas. Sa unang linggo ng fermentation, haluin ito araw araw at itulak ang mansanas pababa. Ang paraang ito ay ginagawa para masiguradong nakababad ang prutas sa likido. Sa mga susunod na linggo, maaari namang hindi na araw arawing gawin. Tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo ay OK na.

Kung concern ka na ang mga mansanas ay hindi nakababad sa likido, OK lang yan. Dahil sa ikatlo o ika apat na araw, lulubog din ang mga mansanas.

Step 6. Unang pagsala o filtration.

After 4 weeks ay maaari na itong salain. Salain ito ng cheese cloth, pigain para makakuha ng maraming katas.

Muling ibalik ang nasalang likido sa isang garapon. Takpan at i ferment ulit ng dalawang linggo.

Sa video na aking ginawa ay gumamit ako ng stainless na strainer. WRONG po ito! Gumamit ng cheesecloth at hindi steel. Sa araw kasi na yan, nauna kong nafilter ang mga herbal at spices. Nakulayan na ang iba at mamantika na ang mga cheese cloth 🙂

Step 7. After 2 weeks, i filter ulit ito. Your homemade apple cider vinegar is ready. Ilagay ito sa isang bote o garapon.

Patnubay sa paggawa ng homemade apple cider vinegar

  1. Gumamit ng kahoy o plastik na panghalo. Huwag gumamit ng stainless.
  2. Lahat ng parte ng mansanas ay maaaring gamitin.
  3. Hugasang mabuti ang mansanas para siguradong tanggal ang dumi at iba pang kemikal na nagamit sa pagtatanim o transportation nito.
  4. Gumamit lamang ng earthen jar o glass jar.
  5. Ang cheese cloth ay ang pinakamagandang gamit sa pagsasala.
  6. Kung makakahanap ng organic na mansanas ay mas mabuti.
  7. From time to time sa ikalawang fermentation process ay tikman ito. Pag sa panahon na ito ay lasang vinegar o suka na at kontento ka na, maaari mo na itong i filter. Kung hindi pa ay ituloy lang ang proseso.
  8. Ang bula na makikita ay isang senyales naguumpisa ng mag ferment ang iyong mga mansanas.

Mga iba’t ibang paraan ng paggawa ng Apple Cider Vinegar

Maraming iba’t ibang paraan ng paggawa ng apple cider vinegar. Sa iba, sa unang fermentation ay 2, 3, 5, 6 hanggang 8 linggo ang gagawing haba ng panahon.

Meron ding gagawa ng mas matagal ang second process ng fermentation. Halimbawa, sa unang proseso ay 2 linggo at sa pangalawa at final na fermentation ay 4 na linggo o mas higit pa. Meron ding hindi gagamit ng asukal, merong gagamit ng ”mother” ng apple cider vinegar o magdadagdag ng white vinegar.

Iba’t ibang tao, iba’t ibang paraan. Maaari kang mag experiment para makita kung anong style o paraan ang sa tingin mo ang pinakamaganda.

Marami tayong maaaring itry na ibang style sa paggawa ng homemade ACV. Hindi kailangan ma pressure sa paggawa, dapat i enjoy ang homecrafting o ang mga DIY’s.

2 thoughts on “Paano gumawa ng Homemade Apple Cider Vinegar

  1. hello po,first time ko po itatry itong pag gawa ng diy apple cider.ano pa po ang iba pang pwedeng gamitin na pang filter bukod po sa cheese cloth at coffee filter?
    salamat po in advance sa reply. God bless ??❤

    1. Hi, Maricel. Gumagamit din ako ng white cotton cloth noon. Pwede yan. Salamat din and God bless you too. Sending you an abundance of light, love, & peace. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *