April 22, 2024
Paano gamitin ang apple cider vinegar sa kutis o balat para maging maganda ang kutis.

Benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa kutis

Sharing is Caring

Ang benepisyo ng apple cider vinegar sa kutis ay mula sa pagpapakinis, pagpapaganda at natural na lunas sa mga problema sa balat. Meron itong antimicrobial properties, vitamins, minerals at iba pang mga sangkap na kayang paputiin, lunasan ang mga problema sa ating balat.

Benepisyo ng apple cider vinegar sa kutis

1.Vitamins & Minerals– ang apple cider vinegar ay punong puno ng bitamina, mineral, at enzymes. Mabibigyan ng tamang nutrisyon na kailangan ng balat.

2. Antimicrobial properties– meron din itong anti-fungal properties, anti-bacterial properties, anti viral properties at antioxidant properties na tumutulong sa detoxification ng mga kemikal, polusyon na pumasok sa ating katawan sa pamamagitan ng ¨pores¨. Sa mga antimicrobial properties ng apple cider vinegar, may kakayahan itong sugpuin ang mga mikrobyo at linisin ang mga dumi na nanunuot sa ating mga balat.

3. PH balance– meron din itong abilidad na i balanse ang PH ng ating kutis para maiwasan ang sobrang langis o sebum o maiwasan ang sobrang panunuyo nito.

3. Glycol– ang apple cider vinegar ayun sa article ng beautyglimpse ay may Glycol. Ito raw ay may tamang level ng acidity na makakatulong na maayos ang mga depekto ng ating kutis sa pamamagitan ng ”exfoliation” habang namimintina ang natural oil nito.

Gamit at Benepisyo ng apple cider vinegar sa balat o kutis

  1. Skin detox
  2. Sunburn
  3. Tone pores
  4. Tigyawat/Pimples/Acne
  5. Oily/dry skin
  6. Blackheads at whiteheads
  7. Age spots, sunspots, melasma, wrinkles

Skin detox

May dalawang paraan kung paano gamitin ang apple cider vinegar bilang skin detox:

  1. Inumin– sa isang basong maligamgam na tubig, haluan ito 1 kutsarang apple cider vinegar. Maaari ring dagdagan ng kutsaritang honey ang mixture. Kung meron kayong inflammation sa tiyan, iwasan ang pag-inom ng apple cider vinegar.
Apple cider vinegar sa baso at prutas na apple

2. I-spray sa katawan– kung gagamitin naman ito sa kutis bilang pang detox, gumawa ng mixture ng apple cider vinegar at tubig. Ilagay ito sa spray bottle. I-spray sa buong katawan, mula sa ulo, kasama anit at buhok, hanggang sa paa. Maligo pagkatapos ng 30 minutos. Maaari ring i-apply ito sa kutis gamit ang bulak.

Pinaghalong apple cider vinegar sa isang spray bottle
Gabay sa paghahalo ng apple cider vinegar at tubig
Dilution guide para sa kutis

Sunburn

Para sa sunburn, sundin ang dilution guide sa paghahalo ng apple cider vinegar. Maaaring ilagay sa spray bottle ang mixture at i-spray ito sa balat na may sunburn. Maaari rin namang gumamit ng bimpo o face towel. Ito ang itapal sa balat na may sunburn.

Face towel o bimpo gamit sa personal na kalinisan

Apple cider vinegar toner

Para sa problema sa open pores, tigyawat o pimples, oily o dry skin, whiteheads at blackheads, makakatulong ang apple cider vinegar toner. Sundan lamang ang dilution guide sa paghahalo ng tubig at ng suka.

Apple cider vinegar para sa age spots, sunspots, melasma at wrinkles

Para naman sa problema sa kutis sa mukha, kagaya ng ages pots, sunspots, melasma, wrinkles, maaaring gumamit ng apple cider vinegar toner. Pwede ring gamitin ang toner bilang spot treatment. Maaari ring gumawa ng DIY apple cider vinegar cream o DIY apple cider vinegar soap. Gamitin ito bilang natural na skin care.

Benepisyo ng apple cider vinegar sa mga problema sa balat dulot ng mga mikrobyo

  1. Alipunga
  2. An-an/Tinea Versicolor
  3. Had-had/Jock itch
  4. Nail fungus

Apple cider vinegar foot soak

Ang ¨foot soak¨ o ang pagbababad sa paa sa tubig na maligamgam ay maraming benepisyong hatid. Ang foot soak gamit ang apple cider vinegar ay isang natural na lunas sa alipunga, nail infection, sakit sa ulo at iba pa.

Ang mga nakukuhang benepisyo sa pagbababad ng paa sa palanggana na may maligamgam na tubig

An-an at had-had

Pag ito ay gagamitin naman sa an-an o had-had, lagyan lamang ng purong apple cider vinegar ang parte na may an-an o had-had. Ibabad ito ng 30 minutos at banlawan ng maligamgam na tubig. Pagkatapos ay pahiran ng extra virgin coconut oil o iba pang langis na may anti-microbial properties.

Pag hindi kaya ang purong apple cider vinegar, haluan ng tubig. Sundin ang dilution guide.

Benepisyo ng apple cider vinegar sa mga kagat ng insekto

1. Skin rashes
2. Kagat ng insekto, lamok

Para naman sa skin rashes, sundin ang dilution guide na nabanggit sa taas. I-apply ito sa balat na may rashes. Kung kagat naman ng insekto at lamok, maaaring gumamit ng purong apple cider vinegar.

Gabay sa paggamit ng apple cider vinegar sa balat o kutis bilang skin care

Ang gabay sa paggamit ng apple cider vinegar sa balat ay kagaya rin sa paggamit ng baking soda. Kung ang baking soda ay highly alkaline, ang apple cider vinegar naman ay highly acidic, nasa 2-3 ang PH. Moderate ang paggamit ng mga sangkap na highly acidic o highly alkaline sa balat para hindi madisrupt ang ideal na PH nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *