April 22, 2024
Oatmeal na natural na gamit sa pag aalaga ng kutis o balat

Paano ginagamit ang Oatmeal sa Balat

Sharing is Caring

Hindi lang pagkain ang oatmeal. Ito ay maaari mo ring gamitin sa iyong balat dahil ito ay maraming benepisyong hatid. Maraming iba’t ibang gamit sa oatmeal kung pag-uusapan ang pag aalaga sa iyong kutis. Ito ay banayad sa balat kaya maganda itong gamitin sa may sensitive skin o yung prone sa acne o tigyawat.

Tignan natin ang benepisyo ng oatmeal kung ito ay gagamitin topically.

Benepisyo ng Oatmeal sa balat

  1. Sentibong balat– ang oatmeal ay maaaring gamitin kahit sa anong skin types. Dahil sa banayad ito at soothing, ito ay isang bagay na makikita mo sa kusina na magandang gamitin ng may sensitibong balat.
  2. PH o potential of hydrogen– ito ay sinasabi ring may kakayahang i-normalize ang ph ng balat.
  3. Anti-inflammatory– meron itong anti-inflammatory properties na tinatawag na avenanthramides. Nakakatulong ito sa sakit sa balat kagaya ng psoriasis, eczema o pangangati.

Iba’t ibang uri ng paggamit ng Oatmeal sa Balat

1. Scrub– maaari mo itong gamiting pang scrub sa balat ng mukha o katawan.

2. Sabon na may oatmeal– maaari ka ring gumawa ng sabon na may oatmeal. Ang isang napakasimple at madaling paraan ng paggawa ng sabon na may oatmeal ay ang paggamit ng castile soap bar. Kung gusto mong i-level up ang iyong oatmeal soap, maaaring gumamit ng sodium hydroxide sa paggawa ng sabon.

Dalawang uri ng castile soap. Liquid castile soap at castile soap bar na ginagamit sa mga DIY na sabon

3. Lotion, cream o moisturizer– maaari ka ring gumawa ng lotion, cream o moisturizer na may halong oatmeal. Maaari kang gumawa ng oil infusion o water infusion nito at ito ang gamiting isa sa mga sangkap.

Paggawa ng spices & herbs oil infusion

Ang oatmeal lotion ay ang kauna unahang lotion na aking ginawa sa aking pag-uumpisa sa pag DIY ko ng aking personal skin care products. Simple itong gawin dahil sa mga simpleng sangkap na ginamit.

Paggawa ng oatmeal lotion

Paano gamitin ang oatmeal bilang SCRUB

Ang oatmeal ay maaaring gamiting scrub para sa mukha o buong katawan. Lalo na kung meron kang sensitibong balat o prone ka sa acne, ang oatmeal ang maaari mong gamitin para sa iyong skin care routine.

Iba’t ibang uri ng SCRUB gamit ang Oatmeal

Oatmeal and Honey scrub

Paghaluin ang oatmeal at honey. Gawin itong paste like consistency. Ito ang gamiting pang scrub sa mukha o katawan. Pagkatapos hilamusan ang mukha, gamitin itong pang scrub.

Mga benepisyo at gamit sa honey

Oatmeal Body scrub

Paghaluin ang 4 na kutsara ng brown sugar at 4 na kutsara ng oatmeal. Dikdikin ito gamit ang mortar and pestle o coffee grinder. Ang texture ay depende sa gusto mo. Lagyan ng honey at olive oil. Gumawa ng may consistency na ¨paste like¨

Iba't ibang gamit ng asukal sa pagpapaganda ng balat o kutis

Gamitin itong pang scrub sa katawan.

Oatmeal whitening scrub

Haluan ng lemon juice, katas ng kamatis at honey ang isa hanggang dalawang kutsara ng oatmeal. Gamitin itong pang scrub sa dark spots sa mukha.

Mga gamit at benepisyo ng lemon
Paggamit ng kamatis sa mga gagawing diy o homemade skin and hair care products

Ang isa pang facial scrub na maaaring gawin at gamitin gamit ang oatmeal ay ang paghahalo ng chamomile at gatas. Maganda itong gamitin ng may sensitibong balat.

Facial Scrub para sa sensitibong balat

Mga Sangkap

  1. Oatmeal 1 kutsara
  2. Chamomile flowers 1 kutsara. Maaaring gumamit ng chamomile na nasa tea bag.
Gamit at benepisyo ng chamomile o manzanilla o mansanilya sa kalusugan, kutis o balat at buhok

Pulbusin ang equal amount ( 2 kutsara ) ng oatmeal at chamomile flowers o manzanilla ( maaaring gumamit ng chamomile tea ) gamit ang mortar and pestle o coffee grinder. Haluan ito ng 1/2 kutsara ng gatas na pulbos. Ilagay ang mixture sa isang container.

Youtube video coming soon

Pag maghihilamos ng mukha, maglagay ng 1-2 kutsarita sa palad at basain ito ng tubig. Maaari ring gumamit ng hydrosol. Gamitin itong substitute sa iyong regular na facial scrub.

Paano gamitin ang Oatmeal bilang Facial mask

Simple rin ang recipe sa paggamit ng oatmeal bilang facial mask. Ang mga sangkap ay natural at makikita mo lang sa iyong kusina.

Iba’t ibang paraan ng paggamit sa Oatmeal bilang Facial mask

Banana & Oatmeal facial mask

Paghaluin ang equal amount ng mashed na saging at oatmeal. Lagyan ng yogurt o fresh milk. I-apply ito sa bagong hilamos na mukha. Banlawan ang mukha pagkatapos ng 10 minuto.

Ang banana & oatmeal facial mask ay magandang gamitin ng may dry skin.

Kaolin clay & Oatmeal facial mask

Paghaluin ang 2 kutsara ng kaolin clay at 1 kutsara ng oatmeal. Lagyan ng fresh milk. I-apply ang mixture sa mukha na bagong hilamos. Banlawan.

Mga gamit at benepisyo ng kaolin clay sa balat o kutis at buhok. Ibat ibang paraan ng paggamit ng kaolin clay

Ang isa pang maaaring gawin para mapakinabangan ang benepisyo ng oatmeal sa balat ay ang paggamit dito sa pagligo.

Paano gamitin ang oatmeal sa Pagligo

Ang oatmeal ay maaaring gamitin sa iyong pagligo lalo na kung meron kang karamdaman sa balat kagaya ng eczema, psoriasis, pangangati at pati na rin kung ang iyong balat ay na sun burned.

Lagyan ng 1 tasang oatmeal ang 2 galon ng tubig ang timbang gagamitin. Haluin ito at ibabad ng mga 20-30 minutes. I-strain ang tubig para matanggal ang oatmeal. Ang water infusion ay gamiting panghuling banlaw sa iyong buong katawan.

Kung ikaw naman ay may bathtub, ilagay lamang ang oatmeal sa cheese cloth o muslin bag na manipis. Itali ito. Ilalagay mo lang ito sa bath tub na may tubig. Magbabad dito ng ilang minuto.

Benepisyo ng paggamit ng bathtub

Ang paraang ito ay nakakatulong sa inflammed na balat. Isang paraang makaluma pero epektibo.

Paano gumawa ng oatmeal soap gamit ang castile soap bar

Napakadaling gumawa ng oatmeal soap, lalo na kung ang gagamitin mong base ay ang castile soap. Noong nag uumpisang bumulusok ang kasikatan ng DIY/do it yourself, isa ang oatmeal soap bar ang talagang mabili sa merkado.

Napakasimple ng paggawa nito at ilang sangkap lang ang kailangan.

Mga sangkap sa paggawa ng Oatmeal soap bar

  1. Castile soap bar 160 grams
  2. Oatmeal 15 grams, pulbusin
  3. Fragrance oil o Essential oil 3.5 grams

Paraan ng paggawa ng oatmeal soap bar

Tunawin ang castile soap bar na 160 grams. Hanguin ito mula sa hot water bath pag wala ng natitirang solidong sabon. Haluin. Isunod na ihalo ang essential oil o fragrance oil. Ang ginamit ko dito ay ang fragrance oil. Isunod na ihalo ang pinulbos na oatmeal. Haluin mabuti at ilagay sa silicon mould.

Oatmeal soap bar na gawa sa bahay gamit ang oatmeal, fragrance oil at castile soap

Maaari na itong gamitin pagkaraan ng 24 oras.

Para sa videos, maaaring panoorin sa diylangyan youtube channel

diylangyan logo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *