April 22, 2024
Cinnamon essential oil na nasa brown bottle

Gamit at Benepisyo ng Cinnamon Essential oil

Sharing is Caring

Maraming medicinal properties ang sinasabing taglay ng cinnamon essential oil kaya marami itong gamit at hatid na benepisyo sa ating katawan. Kagaya ng cinnamon, ang langis ng cinnamon ay mula sa proseso ng paggamit steam distillation para ma extract ang langis nito. Pero huwag ring magtaka kung may makita kayong tinatawag na cinnamon leaf oil na mas mura ang presyo kung ikukumpara sa essential oil na mula sa bark nito. Kaya kung bibili ng cinnamon essential oil at wala sa info kung ito ay mula sa bark o leaf, FAKE na essential oil yan.

Naglipana ang FAKE kaya ingat sa pagbili.

Mga Benepisyo ng Cinnamon Essential oil

Ang cinnamon essential oil ay may benepisyo sa kalusugan at sa pagpapaganda ng ating balat o kutis.

  1. Nakakatulong sa depresyon o pagkabalisa
  2. Antibacterial at analgesic properties– kagaya ng clove essential oil, ang cinnamon essential oil ay isang mabisang anti bacterial dahil sa taglay nitong eugenol.
  3. Antioxidant– meron ding itong antioxidant na tinatawag na eugenol acetate.
  4. Warming– ginagamit din ito bilang warming oil sa panahon na nilalamig dahil sa chemical constituent nitong cinnamaldehyde. Ito rin ang nagbibigay ng amoy sa produkto.

Paano ginagamit ang Cinnamon Essential Oil

Ang Cinnamon essential oil ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan.

1.Aromatherapy– para mapakinabangan ang benepisyo ng cinnamon essential, gamitin mo ito sa iyong aromatherapy. Mag diffuse ng langis at magrelax sa panahon na ikaw ay depressed o anxious.

Essential oil diffuser para magbenepisyo ang katawan, isipan

Kung hindi available ang electric diffuser o humidifier, meron pang ibang paraan sa pag di-diffuse ng essential oil. Maaaring gumawa ng air freshener o maaaring gumawa ng massage oil.

Iba't ibang uri ng air freshener na maaaring gawin sa bahay gamit ang essential oil o fragrance oil
Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

2. Gamitin ito bilang anti-aging– dahil sa malakas ang antioxidant properties nito, nakakatulong daw ito sa balat para pigilan ang Glycation ( GLA) na siyang dahilan ng pagtanda ng ating balat o tinatawag na premature aging sa ingles.

Maaaring gumawa ng face oil na may cinnamon essential oil at ito ang gamitin bago matulog sa gabi. Siguraduhin lamang na wala kang allergy dito dahil ang cinnamon essential oil ay isang irritant. Huwag ring sobrahan ang paggamit. At kung gagamit nito, kagaya ng lemon essential oil, bergamot essential oil, ang langis ng cinnamon ay phototoxic.

Simpleng Face oil na may Cinnamon

Mga sangkap at paraan ng paggawa ng Cinnamon Face oil

Ilagay ang 15 grams ng langis sa isang de color na bote. Patakan ito ng 1 patak ng cinnamon essential oil. Alugin at maaari mo na itong gamitin.

Ang langis na kadalasan kong ginagamit sa paggawa ng cinnamon face oil ay ang jojoba oil o evening primrose oil. Marami ka pang pwedeng gamitin bilang carrier oil sa paggawa ng langis na gagamitin sa mukha.

Gamit at benepisyo ng langis ng jojoba o jojoba oil

3. Warming oil– kung nakatira ka sa lugar na malamig o isa kang taong lamigin, makakatulong ang cinnamon essential oil para painitin ang iyong katawan.

Paano gumawa ng BODY Warming Oil

Ang pinakasimpleng body warming oil na maaaring gawin ay ang paghahalo ng isang uri ng carrier oil at ng cinnamon essential oil. Haluan lamang ng 3-4 na patak ng cinnamon essential oil ang napiling carrier oil ( 30 grams ) na gagamitin. Maaari mo na itong gamitin para painitin ang katawan.

Iba't ibang uri ng Carrier oils o Fixed oils na ginagamit sa pag dilute ng essential oils

Maaari ka ring magdagdag pa ng ibang essential oils na may warming benefit.

MGA SANGKAP

  1. Carrier oil- 50 grams
  2. Cinnamon essential oil- 4 drops
  3. Clove essential oil- 2 drops
  4. Ginger essential oil– 2 drops

Ilagay ito sa isang de color na babasaging bote.

Pwede mo itong gamiting pangmasahe para painitin ang katawan sa panahon ng tag lamig. Ang paggamit ko sa cinnamon warming oil ay sa aking mga paa. Ia-apply ko ito at imamasahe. Pagkatapos ay magsusuot ako ng medyas.

Epektibong panglaban sa lamig ng panahon.

4. Spot treatment– ito ay maaari mo ring gamitin bilang spot treatment ng tigyawat, pangingitim ng balat o sa fine lines o wrinkles. Para ka lang gumawa ng face oil, pero this time, since pang spot treatment ang gagawing langis at hindi gagamitin sa kabuuan ng mukha, magdagdag lamang cinnamon oil. Maaaring gawing 1 drop ng essential oil sa bawat 5 grams ng langis.

Pangingitim sa mukha kagaya ng age spots, hyperpigmentation at melasma

Huwag kalimutang mag patch test bago gamitin ang cinnamon essential oil.

Allergic reaction

5. Kalusugan ng Bibig at ngipin– ang cinnamon oil ay nakakatulong din sa kalusugan ng ngipin at bibig. Dahil sa anti-microbial properties nito, mababawasan ang sobrang pagbuo ng mga bacteria sa bunganga na dahilan ng pagkasira ng ngipin, gilagid at mabahong hininga.

Ang paggamit ng cinnamon oil para sa oral care ay ang tinatawag na ¨oil pulling¨ . Para ka lang nagmumumog pero langis ang gagamitin mo at hindi tubig.

Ang tamang pagaalaga ng ngipin

Kung gagamitin ang cinnamon oil para sa oral care, gumamit ng coconut oil o virgin coconut oil.

Mga benepisyo at gamit sa langis na extra virgin coconut oil

6. Paggawa ng pabango o perfume– sa paggawa naman ng perfume o pabango, ang cinnamon essential oil leaf o bark ay ginagamit bilang top, middle o heart at base notes.

Mga DIY perfume gamit ang essential oils at spices & herbs.

Maaari bang INUMIN ang Cinnamon Essential Oil

Ang sagot ko ay OO at HINDI. OO kung makakita ka ng reputable brand, approved ng FDA. Pag may nag claim na produkto ng essential oil at sinabing maaari mo itong inumin, PLEASE, magresearch muna. Nakabili na ako ng food grade na essential oil at isa nga dito ang cinnamon essential oil. Hindi ko ito ininum na kagaya ng ginagawa ni doktora Belo 😀 :D. Instead ginagamit ko ang mga essential oil na maaaring i-ingest sa pagluluto o sa baking.

Pero hindi na ako bumibili ng mga essential oils na maaaring i consume. Gumagawa nalang ako ng cinnamon infused oil kung gusto ko itong ihalo sa aking pagkain.

Dalawang uri ng langis ang aking ginagamit, extra virgin coconut oil o ang extra virgin olive oil.

Paano gumawa ng Cinnamon oil sa BAHAY

May dalawang proseso sa paggawa ng oil infusion, hot process o cold process. Ang hot process ay ang madaliang paggawa ng infused oil at ang cold process naman ay aabutin ka ng at least 2 weeks minimum para mag infused ng langis.

MGA SANGKAP

  1. Cinnamon powder o stick ( dikdikin ang cinnamon stick )
  2. Langis o carrier oil
Gamit at benepisyo ng cinnamon sticks

PARAAN NG PAGGAWA

  1. Para sa cold process ng oil infusion– ilagay ang cinnamon sa garapon. Lagyan ng langis. Ang dami ng langis ay lagpas sa cinnamon powder. Takpan at alugin araw araw ng di bababa ng 2 linggo. Salain at ilagay sa malinis na garapon. Kung cold process ang gagamitin sa infusion ng cinnamon, gumamit ng langis na hindi tumitigas pag bumababa ang temperatura kagaya ng olive oil.
  2. Para sa hot process– lagyan ng langis ang pinainit na kawali o kaldero. Ilagay ang cinnamon. Ipainit ito ng hindi bababa sa 1 oras sa mahinang apoy. Pagkatapos ay salain at iligay ang langis sa malinis na garapon. Kung hot process ang gagamitin, maaaring gumamit ng extra virgin coconut oil.

Ang cinnamon infused oil ay hinahalo ko sa aking oatmeal sa umaga, kape, tsaa o sa mga smoothie o shakes. Gumagamit lang ako ng cinnamon infused oil ng 1 teaspoon sa araw araw.

Ang homemade cinnamon oil ay hindi kasing lakas ng essential oil nito na isang irritant sa balat kung sobra at kung may allergy ka. Pero may mga tao na sobrang sensitibo ang balat. Kung hindi ka sure kung hiyang mo ang cinnamon infused oil, magsagawa ng patch test para malaman kung ito ay safe o hindi sa iyong balat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *