April 22, 2024
Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang Essential Oil

Sharing is Caring

Maraming hatid na benepisyo ang pagmamasahe gamit ang essential oil. Pero bago dyan, naaalala nyo pa ba noong mga bata pa kayo? Kapag tayo ay may dinaramdam, ang masahe ay hindi na iba sa atin. Kapag may lagnat, sipon, o ubo, siguradong mabibigyan tayo ng masahe sa likod, dibdib, talampakan ni nanay o lola kasama ang langis ng niyog. Sa haplos ng kanilang mga kamay gamit ang mga langis, napaparamdam nila sa atin ang kanilang pagmamahal at nalulunasan ang ating karamdaman.

          At nung tayo nga ay naging isang ina, ganon din ang gawain na binigay o binibigay natin sa ating mga supling. 2 o 3 buwan bago ang inaasahan buwan ng kapanganakan, pinaghahandaan natin ang kanilang gagamitin. Sinisiguradong bagong laba ang mga damit, nag ge-general cleaning sa loob ng bahay at syempre nakatabi narin ang Aceite de manzanilla ( chamomile oil ) at langis ng niyog. Mga bagay na hindi kinakalimutang ibilin ng mga nakakatanda sa mga magiging ina sa unang pagkakataon.

Ang manzanilla ay may sangkap na chamomile oil at citronella oil. Ito ay ang ating pinapahid sa tiyan ng mga sanggol para malunasan o para di madapuan ng kabag.

Ang langis naman ng niyog ay pinapahid bago at pagkatapos maligo o bago patulugin sa gabi. Pinapahid ito sa mga talampakan, likod, sa dibdib o sa buong katawan para hindi malamigan si baby.

Ang langis ng niyog din ang ginagamit ng mga bagong panganak sa buong katawan. Sabi ng mga matatanda, ito raw ay para hindi mapasukan ng lamig. Dahil ang katawan ng isang babae ay dumaan sa hirap ng panganganak.

Ang langis ng niyog ay hindi essential oil, kundi ito ay isang carrier oil o vegetable oil. Gayunpaman, ito ay may hatid na lunas sa ating katawan. Ibig sabihin lang nito, ang pagmamasahe gamit ang sangkap na natural na nakukuha sa kapaligiran ay may mga benepisyo sa ating kalusugan. At kung ang pagmamasahe ay gagamitan mo ng essential oils na may mas malakas na compounds o medicinal properties, lalong mas maraming benepisyo ang makukuha mo dito.

       Ang pagmamasahe ay nagsimula pa sa ating mga ninuno na ipinamana sa mga sumunod na henerasyon. Sa isang simpleng langis at haplos ng kamay, nagbibigay ng kaginhawaan.

At sabi nga ni Hippocrates;

” The way to health is to have an aromatic bath and scented massage.”

Sabi ni hippocrates sa benepisyo ng pagmamasahe ng katawan gamit ang essential oil at iba pang langis.

Ano ang benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil.

Maraming benepisyong hatid ang pagmamasahe gamit ang essential oil. Sa pagmamasahe gamit ang langis, ang medicinal properties nito ay naaabsorb ng ating balat. Bukod dyan, nagkakaroon din ng absorption sa pamamagitan ng ating ”pang-amoy/sense of smell”.

Ang benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil ay hindi lang sa kalusugan ng katawan, meron din itong benepisyo sa kalusugan ng ating pag-iisip.

Paano paghaluin ang essential oil at carrier oil para gamitin

Sa kombinasyon ng essential oil at carrier oil tayo ay makakagawa ng massage oil. Ang essential oil ay magbibigay ng lunas at kaginhawaan, depende ito sa anong klase ng essential oil ang gamit at kung anong lunas ang kailangan mo dito. Kaya mainam na alamin kung ano ang essential oil at paraan ng paggamit at benepisyo nito.

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

  1. Ang pangunahing benepisyo ng pagmamasahe ay sa aspetong Psychological. Sa article ng Reuters, ayon daw sa American Journal of Psychiatry, ang pagmamasahe raw ay nakakatulong na mabawasan ang sintomas ng DEPRESYON.
  2. Nakakatulong ito maibsan ang pagod ng katawan. Kung pagod, maaaring magdiffuse ng essential oil o magpamasahe gamit ang essential oil na may relaxing benefit.
  3. Nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo na kung saan tumutulong itong mabawasan ang ano mang inflammation sa katawan. Kagaya ng arthritis o sakit sa kasukasuan.
  4. Insomia o hirap makatulog- maraming essential oil na may sedative effect. Ang lavender essential oil ay isa lamang sa halimbawa.
  5. Nakakatulong sa may sakit na Fibromyalgia na kung saan ay nababawasan ang sakit sa katawan.
  6. Isa pang benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil ay nakakatulong itong maibsan o mawala ang galit ng isang tao. Alam natin na ang ”galit” at may epektong hindi maganda sa katawan ng isang tao. Bukod sa nakakagawa ng hindi maganda ang isang taong galit, ito ay may epekto rin sa kanyang kalusugan, kagaya sa Puso at sa Blood Pressure.
  7. Nakakatulong  sa mga pasyente ng cancer partikular sa mga bata na nakakaranas ng chemotherapy-induced nausea na isang negatibong epekto ng chemotherapy. Ayon sa article , ang masahe daw ay nakakabawas sa problemang ito. Pero siempre bago gamitin, ikonsulta ito sa mga professional.
  8. Nakakatulong itong maibsan at malunasan ang sakit ng ulo.
  9. Lumalamig na si Mister? OK lang yan! Paamuhin si mister gamit ang langis. Gumawa ng massage oil na maaaring makatulong para painitin ulit si mister.

At para lalong marelax ang isang taong minamasahe at lalong mapakinabangan ang benepisyo ng essential oil at aromatherapy, magdiffuse gamit ang isa sa mga paraan ng pag-diffuse ng essential oil.

Sa paggamit ng essential oils sa pagmamasahe, huwag kaligtaan na alamin ang gabay sa paggamit at kung bakit importanteng i-dilute ang essential oil kung gagamitin sa balat.

Paano gumawa ng pangmasaheng langis gamit ang essential oil

1. Ang unang hakbang sa paggawa ng massage oil ay kung anong benepisyo ang gusto mong makuha dito. Para ba sa sakit ng katawan, sakit ng ulo, pang romantic massage ;D o simpleng pang relax lang na pangmasaheng langis. Maaari kang gumamit ng combination ng iba’t ibang uri.

2. Pumili ng carrier oil na siyang magda-dilute ng mga gagamiting essential oil.

3. Ang gagawin mong massage oil na may essential oil ay dapat sa babasaging bote at dapat ito ay de color.

Ganyan lang kadali ang formulation ng isang simpleng massage oil.

Ang kadalasan maaari mong gawing massage oil ay ang combination ng lemon essential oil at lavender essential oil.

Massage oils gamit ang essential oils at carrier oils para pang pa relax.
Panoorin ang YOUTUBE Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *