April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng frankincense essential oil sa balat o kutis at kalusugan

Gamit at benepisyo ng Frankincense essential oil sa balat

Sharing is Caring

Ang Pilipinas ay Kristiyanong bansa. Hindi na bago sa atin ang salitang ¨Frankincense¨. Alam natin na ito ay isa sa 3 regalo ng 3 Wise men kay Jesus. Ang frankincense ( ganon din ang GOLD at MYRRH ) ay valuable na sa mga tao noon, libong taon na ang nakaraan bago pa man pinanganak si Jesus. Ginagamit ito bilang medisina, gamit sa pang embalsamo, incense, perfume at eyeliner.

Ang frankincense essential oil ay mula sa puno ng boswellia carterri. Para makagawa ng resin, ang puno ay susugatan para magpalabas ng dagta. Ang dagta ay aantaying matuyo at tumigas hanggang ito ay maging resin. Ito ang kukunin at iproproseso sa pamamagitan ng steam distillation para makuha ang essential oil nito.

Mga benepisyo ng Frankincense essential oil sa balat

  1. Anti-aging– ang frankincense essential oil ay ginagamit bilang skin care dahil ito raw ay may anti aging properties. Nakakatulong ito sa skin rejuvenation at regeneration ng balat.
  2. Toner– bukod sa anti-aging properties nito, ang isa pang benepisyo ng frankincense essential oil ay ang astringent properties nito. Makakatulong ito sa enlarged pores o open pores at gawing firm ang balat.
  3. Acne– meron din daw itong anti microbial properties kaya maganda rin itong gamitin ng mga balat o kutis na acne prone.

BENEPISYO NG FRANKINCENSE ESSENTIAL OIL SA KALUSUGAN

Sa kalusugan naman, ang frankincense essential oil ay sinasabing immunity booster. May anti viral properties din daw ito. Ginagamit din ang frankincense essential oil bilang decongestant dahil may kakayahan itong magpalabas at tunawin ang plema. Ito ay sinasabi ring makakatulong sa sakit ng kasukasuan at muscle pain. Ang claim na meron itong anti cancer properties ay sinasabing kulang pa sa mga facts o evidences na ito ay panlaban sa kanser o gamot sa kanser.

Paano gamitin ang Frankincense Essential Oil

  1. Diffuser– idiffuse ang frankincense essential oil. Maraming paraan para mag diffuse nito.
  2. Massage oil– maaaring gumawa ng massage oil. I-dilute ito sa carrier oil at gamiting pang masahe sa dibdib, leeg o likod kung may ubo o sipon o sa parte ng katawan na may sakit. Maaari ka ring gumawa ng balm para solid ang pangmasahe mo.
  3. Steam inhalation– ginagamit din ang frankincense essential pag nagpapausok. Magpainit lamang ng tubig, patakan ng frankincense essential oil, magtalukbong.

Paano ginagamit ang Frankincense Essential oil sa Skin Care

Kagaya ng iba pang essential oil na may mga benepisyo sa balat at buhok, hahaluan mo lang ito ng carrier oil at ito ang ipapahid sa balat. Haluan mo lang ng 3-5 drops ng frankincense essential oil ang 10ml na napiling carrier oil. Patakan mo ng vitamin e, alugin. Meron ka ng frankincense essential oil serum.

Ang ginamit kong carrier oil sa video ay Jojoba oil na napakarami ring benepisyo sa balat. Madali lang itong i-absorb ng kutis.

Makakatulong ang diy facial serum na gawa sa frankincense essential oil sa mga balat na may edad na. Para mabawasan ang wrinkles o pangungulubot ng balat o kutis o pangingitim. Dahil sa anti aging properties nito at kung maganda ito sa matured skin, pwede at magbebenepisyo rin ito sa younger skin.

Ito ay nakakatulong din sa peklat. Ipahid ito sa patuyo ng sugat. Gamitin ito kagaya ng paggamit ng sebo de macho.

Maaari mo ring gamitin ito pag nag facial steam ka. Makakatulong ito sa pores dahil ito ay astringent. Kung may oily skin ka naman, maganda ring gawin ang facial steam gamit ang frankincense essential oil.

Paano gamitin ang Frankincense essential oil sa DIY skin and hair care

Sa paggawa ng mga DIY skin care paroducts sa bahay, isasama mo lang ang frankincense essential oil sa formula. Maaari mo itong isama sa mga sumusunod;

  1. Cream, moisturizer lotion
  2. Serum
  3. Hair care products
  4. Gel
  5. Balm o ointment
  6. Perfume

Gabay sa paggamit ng FRANKINCENSE Essential Oil

INCI– Boswellia carterii oil

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit

Notes– base note

Color & Texture– yellowish

Ginagamit sa– skin care products, aromatherapy, meditation

Benepisyo– read above

Spiritual & Magical use– spiritual strength & connection

Protective measures/Contraindications– hindi iniinom at hindi direktang ina-apply sa balat.

Storage– brown bottle o colored bottle at malayo sa sinag ng araw at ilaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *