April 22, 2024
Eyeshadow na gawa sa bahay o DIY gamit ang iba't ibang uri ng MICA

Paano gumawa ng Eyeshadow sa bahay

Sharing is Caring

Ang eyeshadow ay isa sa mga makeup na kinagigiliwan ng mga kababaihan. Ito kasi yung colored makeup na ginagamit para i complement ang ibang kulay na ginamit sa mukha at pati rin ata sa kulay ng damit. Nakakatulong ang eyeshadow na mabigyan ng buhay ang mata, nagmumukha itong attractive, napapalaki ang maliit na mata at pwede ring magpaliit sa malaking mata. Marami itong nagagawa para ilabas ang kagandahan ng isang babae.

Madali lang gumawa nito. Imbes na bumili ka ng mga mumurahin na eyeshadow palette, gumawa ka nalang ng sarili mo.

Bago maglagay ng kulay, gagawa muna ng base ng eyeshadow. Pag meron ka ng base, maaari mo na itong lagyan ng kulay. Pwede mo rin itong gawing loose eyeshadow o pressed eyeshadow.

Paano gumawa ng BASE ng Eyeshadow sa bahay

Para sa pinaka BASIC na BASE ng eyeshadow na maaaring gawin sa bahay.

MGA SANGKAP para sa 3 grams base

  1. Mica ( silk )- 2.79g
  2. Titanium dioxide– 0.03g
  3. Magnesium stearate- 0.18g

Paraan ng paggawa ng BASE ng eyeshadow

  1. Paghaluin ang silk mica at titanium dioxide. I grind ito gamit ang mortar & pestle o coffee grinder. Maaaring panoorin ang video kung paano mag grind ng mga minerals at pigment.
  2. Pag tapos na sa pag giling, ilagay ito sa isang bowl at ihalo ang magnesium stearate. Haluing mabuti.

Ang base ng eyeshadow ay ready na! Maaari na itong lagyan ng kulay na gusto mo.

Mga FILLER sa paggawa ng BASE ng EYESHADOW

Maraming mga kumpanya ang gumagamit ng filler sa paggawa ng eyeshadow. Kadalasan ay talc ang kanilang ginagamit. Sa article ko tungkol sa baby powder, natalakay ko dito kung bakit nagdudulot ng cancer ang ingredient na ito. Kung ayaw ninyong i take ang risk, OK lang dahil marami kayong maaaaring gamitin;

  1. Arrow root powder
  2. Cornstarch
  3. Kaolin clay
  4. Iba pang starches

Paano gumawa ng loose eyeshadow at pressed eyeshadow sa bahay

Para sa kulay, ang napili ko dito ay copper mica. Gagamitin itong pang kulay sa base para makagawa ng loose eyeshadow at pressed eyeshadow.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG EYESHADOW

  1. Copper mica- 2g
  2. Jojoba oil
  3. Vitamin e- 2 drops

MGA KASANGKAPAN SA PAGGAWA NG EYESHADOW

  1. Container para sa pag alog ng mixture.
  2. Dropper- gagamitin sa pagpatak ng langis sa powdered ingredients.

PARAAN NG PAGGAWA NG LOOSE EYESHADOW

  1. Ilagay ang 1g eyeshadow base sa garapon at 2g ng copper mica. Maaari ring gumamit ng ratio na 1:2. Takpan at aluging mabuti. Pag sigurado ng fully mixed na ang base at mica, ilagay ito sa isang mangkok.
  2. Patakan na ng langis na jojoba oil at 2 drops ng vitamin e. Dahan dahan sa pagpatak ng langis. Mapapansin mo na ready na ang homemade loose eyeshadow pag medyo heavy na ang mixture ng pulbos. Panoorin ang video para malaman ang aking ibig sabihin.
Paggawa ng makeup eyeshadow sa bahay na copper color. Gamit ang mica, colored mica, titanium dioxide, magnesium stearate, jojoba oil. Pressed at loose eyeshadow.

PARAAN NG PAGGAWA NG PRESSED EYESHADOW

Kung gusto mong gawing pressed ang loose, itutuloy mo lang ang paglagay ng jojoba oil. Patak patak rin lang ang gagawin at huwag biglaan. Ang loose powder ay maaari ng i press kung may pagsasama sama nang nagaganap.

Para gawing pressed ang loose na DIY eyeshadow, literal na ipri-press mo ito. Lagyan ng diin o pressure ang hinlalaki at hintuturo. Malalaman mong ready na ito pag mukhang solido na ang eyeshadow sa container.

Maaari kayong mag experiment ng kulay na gusto nyo. Maaaring mag combine ng iba’t ibang kulay ng mica. Habang nag prapractice ng color combination, try nyo munang gumamit ng cornstarch o gawgaw bilang base.

Mga substitute na maaaring gamitin sa paggawa ng DIY Eyeshadow

  1. MICA– maaaring gumamit ng arrowroot powder bilang substitute ng silk mica. Ang disadvantage nito, kung after kayo sa eyeshadow na may shimmer, hindi na lalabas na makinang. Konting kinang nalang ang makukuha mula sa gagamiting colored mica.
  2. Titanium dioxide– ang zinc oxide ay maaaring gawing substitute ng titanium dioxide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *