April 22, 2024
Lipstick na gawa DIY, homemade o gawa sa bahay gamit ang simpleng paraan at simpleng mga sangkap o ingredients

Paano gumawa ng LIPSTICK sa Bahay

Sharing is Caring

Ang paggawa ng lipstick sa bahay ay isa sa mga DIY’s na medyo na test talaga ang patience ko. Maraming bagay ang kailangang i consider, consistency ng base, concentration ng pigment, baka mag DORA the explorer ang kulay, gaano katagal ito sa labi. Dahil nga limitado ka sa ingredients. Dahil hindi naman lahat ng sangkap para makagawa ka ng maganda at quality na lipstick ay mabibili mo online. Merong mga company na nagbebenta pero hindi ini-entertain ang mga dIY’ers na kagaya ko.

Kaya swerte ka kung nasa isang bansa ka na madali mo lang maaccess ang mga sangkap na magbibigay sa produkto ng kalidad ( in all aspect & form ) na lipstick.

Pero kahit limited ang sangkap na maaari kong gamitin, kahit papaano ay nakagawa naman ako ng isang simple at basic na lipstick sa bahay.

Sa lahat ng makeup o cosmetics, parati tayong may base. Merong base sa paggawa ng cream blush. Merong base sa paggawa ng lipbalm. Merong base base sa paggawa ng mga creams, moisturizers o lotions. Merong base sa paggawa ng eyebrow cream. Ito ang pundasyon ng ating gagawing produkto. Kaya bago maglagay ng kulay, gagawa muna ng base ng lipstick.

Paano gumawa ng BASE ng Lipstick sa Bahay

Sa paggawa ng base, para ka lang gumawa ng base ng lipbalm.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG BASE NG LIPSTICK

  1. Castor oil 25g
  2. Olive oil 5g
  3. Shea butter 11g
  4. Beeswax 6g
  5. Carnauba wax 4g
  6. Vitamin e 1 gel capsule

PARAAN NG PAGGAWA NG BASE NG LIPSTICK

Pagsama samahin ang lahat ng sangkap bukod sa vitamin e. Ipainit ito para matunaw ang beeswax at carnauba wax. Haluing mabuti. Pag tunaw na ang mga waxes, tanggalin ito sa apoy. Haluing mabuti ang tinunaw na mga sangkap. Pag bumaba na ang temperatura sa 40c and below, ilagay ang anti oxidant na vitamin e. Haluing muling mabuti.

Base ng lipstick na gawa sa bahay o homemade

Kung hindi kayo kontento sa texture at consistency ng kinalabasan ng base, maaari nyong i adjust ang wax o langis.

Pag gawa na ang base, maaari na itong lagyan ng kulay o pigment.

Paano gumawa ng LIPSTICK sa Bahay

Mga sangkap sa paggawa ng basic lipstick

  1. Base 4.65g
  2. Magnesium stearate 0.25g
  3. Mica ( dark cherry )- 0.06g
  4. Iron oxide, red- 0.04g
  5. Vitamin e- 2 drops

Paraan ng paggawa

  1. Paghaluin ang base ng lipstick, magnesium stearate, at red iron oxide.
  2. Tunawin ang base at haluing mabuti para maihalong mabuti ang red iron oxide.
  3. Tanggalin sa apoy o init pag wala ng makikitang bahid ng iron oxide.
  4. Ilagay ang mica at haluing ulit mabuti.
  5. Lagyan ng 2 drops ng vitamin e

Ready na ang LIPSTICK!!

Basic na lipstick na diy na maaaring gawin sa bahay

Very light lang ang lipstick na yan. Kaya kung hindi kayo kontento sa concentration ng kulay, maaari nyo pang dagdagan ito hanggang sa makuha nyo ang concentration na gusto nyo.

Ang iron oxides ay maaari ring haluan ng iba pang mga ginagamit na pangkulay kagaya ng, carmine, mga D&C at iba pang pangkulay.

Ang mga ingredients na ginamit sa paggawa ng LIPSTICK

  1. Olive oil– although nourishing ang olive oil sa labi, ang langis na ito ay may tendency na madaling masira. Pero yung base na ginagawa ko hindi ko pa na experience na masiraan ng base. Nauubos ko ito ng more than 2 years. Pero kung hindi kayo confident sa olive oil, gumamit ng ibang langis.
  2. Carnauba wax- importante ang carnauba wax sa lipstick dahil sa mataas ang melting point nito. Kung nasa lugar kayo na sobrang mainit, i test muna ang texture ng base bago lagyan ng kulay. Maaari ring gumamit ng iba pang uri ng wax na may mataas na melting point.
  3. Castor oil- ang castor oil ay isa rin sa importanteng langis na hindi maaaring mawala sa sangkap sa paggawa ng base. Nakakatulong ito sa consistency at texture ng lipstick.
  4. Magnesium stearate– tumutulong ito sa texture at ganda ng pahid sa labi, makakatulong din sa pagdikit ng produkto sa kutis para tumagal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *