April 22, 2024
extra virgin olive oil na gamit sa pagkain at hair and skin care products.

Mga benepisyo ng Olive Oil sa buhok at balat

Sharing is Caring

Ang olive oil ay isang vegetable oil o tinatawag ding fixed oil o carrier oil. Isa itong langis na ginagamit sa pagluluto. Kasama raw ang olive oil sa diet ng mga tao na mula sa mediterranean countries dahil sa mga benepisyong hatid nito sa kalusugan ng katawan. At kung sa dami ng consumption ng langis na ito, ang bansang Greece at Italy ang nangunguna sa paggamit sa langis na ito. Marami kang makukuhang benepisyo dito gamitin man internally o ipahid sa buhok o balat.

Isa ito sa mga uri ng vegetable oil na madaling mahanap, abot kaya sa bulsa at madaling gamitin sa skin and hair care routine.

Ano ang iba’t ibang uri ng Olive oil

Maraming iba’t ibang uri ng Olive oil. Ang uri ng mga ito ay nakadepende sa purity at quality ng langis na nakuha sa olive fruit.

  1. Pure olive oil– ito ay refined oil. Ibig sabihin, tanggal na ang lasa, amoy at mga properties nito kagaya ng antioxidant. Ang úri ng langis na ito ang pinakamura at may pinakamababang kalidad.
  2. Light olive oil– meron ding tinatawag na light olive oil. Ito ay parang pure olive oil-refined oil.
  3. Virgin olive oil– ito naman ang uri ng olive oil na mas mataas ang kalidad sa 2 uri ng olive oil na nabanggit. Nakuha ang langis ng olive mula sa second pressing.
  4. Extra virgin olive oil– ang extra virgin olive oil ang pinakamataas ng kalidad sa apat ng uri ng olive oil. Ang langis nito ay mula sa unang piga ng mga prutas ng olive. Ginamitan lang ito ng banayad na pressure at tamang temperatura ng init para masiguradong hindi masira ang mga nutrients at properties nito. Hindi rin ito ginamitan ng anumang kemikal sa proseso ng extraction.

At sa Extra Virgin Olive oil naka focus ang blog na ito. From time to time, maaaring magamit ko ang olive oil pero ang ibig sabihin ko dito ay ang extra virgin olive oil.

OK?

At bago natin pag-usapan ang benepisyo ng Extra virgin olive oil sa buhok at balat at kung paano ito gamitin sa skin care routine at paggawa ng cosmetic products sa bahay, tignan muna natin ang benepisyo nito sa ating kalusugan.

Benepisyo ng Extra virgin olive oil

Ang extra virgin olive oil ay sinasabing nakakatulong sa mga sumusunod;

  1. Healthy digestion
  2. Reduce risk of heart disease
  3. Lower the risk of stroke
  4. Prevents Cancer
  5. Lower the risk of diabetes
  6. Lowers blood pressure
  7. Lowers bad cholesterol
  8. Increases good cholesterol
  9. Improves bone health

Kung plano ninyong isama sa inyong diet ang extra virgin olive oil, importante na ikonsulta ito sa inyong doktor lalo na kung kayo ay may karamdaman. Meron pa rin namang mga doktor diyan na magbibigay ng advice gamit ang mga natural na lunas. Kung yung doktor mo walang ka inte-interes sa mga usapin natural na lunas o benepisyo ng pagkain sa pagiwas sa mga sakit, maghanap ng iba.

Importante parin na balanse ang coventional medicine at traditional medicine.

Tignan naman natin ang benepisyo ng olive oil sa buhok at sa balat kung ito ay gagamitin topically.

Benepisyo ng Extra virgin olive oil sa Buhok

Ang olive oil ay may squalene at oleic acid. Ito ay mga components na nagpapalambot at nagpapatibay sa hair follicles.

Kung meron kang extra virgin olive oil sa bahay, pwede mo itong instant remedy sa iyong dry o tuyong buhok. Maglagay lamang ng konting patak sa palad, pagkuskusin ang 2 palad para ma-warm ang langis at ito ang i-apply sa iyong buhok.

Kung may problema naman sa buhok kagaya ng paglalagas o balakubak at dry ang anit, i-apply ang extra virgin olive oil sa anit bago matulog sa gabi. Paliguan sa umaga ng maligamgam na tubig.

Tamang pag-aalaga sa buhok para maiwasan ang pagkalagas at pagkapanot at balakubak

Benepisyo ng Extra virgin olive oil sa Balat

1.Iba’t ibang uri ng skin diseases– ang extra virgin olive oil ay ginagamit sa mga sakit sa balat kagaya ng eczema at psoriasis. Meron itong anti-inflammatory properties na nakakatulong sa pangangati at mga fatty acids na makakatulong sa paghilom ng sugat na sanhi ng sakit sa balat.

2.Antioxidants– ang presensiya ng antioxidants sa olive oil ay nakakatulong na labanan ang free radicals na sanhi ng premature aging kagaya ng wrinkles o age spots.

3.Moisturizing– marami itong taglay na fatty acid na nakakatulong sa nourishment ng balat.

4.Monosaturated fat– meron itong monosaturated fat na importante sa ating balat para sa nourishment nito.

Paano gamitin ang extra virgin olive oil sa balat

Maraming paraan sa paggamit ng extra virgin olive oil sa ating balat o kutis. Maaari mo itong gamiting alternatibo sa iyong binibiling lotion o moisturizer. Pagkatapos mong maligo at bago matuyo ang balat, magpahid ng langis ng olive. Ang disadvantage lang nito ay ang amoy nito. Pero bearable naman.

Pwede mo rin itong gamitin sa mga DIY mask, DIY scrubs.

Marami kang maaaring gawing recipe gamit ang extra virgin olive oil at mga natural na sangkap kagaya ng prutas, spices & herbs, clay at iba pa.

Halimbawa

Basic scrub na may sangkap na Extra virgin olive oil

Ang basic scrub na ito ay maaaring gamitin mula mukha hanggang talampakan.

MGA SANGKAP

  1. Asukal– 2 kutsara
  2. Extra virgin olive oil- 2 teaspoon

Paghaluin lamang ang 2 sangkap sa isang container.

Meron ka ng all around scrub. Maaari mo itong gamitin sa labi, mukha, leeg, katawan, kamay at paa. Kung gagamitin ang scrub sa mukha at leeg, pumili ng asukal na may banayad ang texture. Pwede mo rin itong igiling ng bahagya gamit ang mortar and pestle.

Hiyangan rin lang ang paggamit ng olive oil sa balat, lalo na sa balat ng mukha. Para sa ibang tao, ang langis na ito ay comedogenic pero sa iba naman ay hindi. Kung gumamit kayo ng olive oil sa mukha at medyo nag clog ang pores ninyo, ibig sabihin ang olive oil ay hindi ninyo hiyang. Gumamit ng ibang langis.

Gamitin lamang ang langis ng olive sa katawan.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.

Paggamit ng Olive oil sa Paggawa ng cosmetic products

Maraming mga skin and hair care products, makeup at lipstick ang may sangkap na olive oil. Makikita ninyo ang mga salitang > olea europaea (olive) fruit oil.

Noong nag-uumpisa akong gumawa at mag formulate ng mga homemade cosmetics, ang extra virgin olive oil ang ginagamit ko. Ginagamit ko ito sa iba’t ibang uri ng DIY cosmetic products kagaya ng;

Spices & herbs gamit sa paggawa ng DIY beauty products
  1. Body lotion
  2. Base ng Lipstick
  3. Massage oil o body oil
  4. Face wash- face wash na may kamatis.
  5. Body wash
  6. Shampoo
  7. Hair masks
  8. Scrubs

Hindi ko ito ginagamit na sangkap sa skin care products na ¨leave on¨sa aking mukha dahil nagkakaroon ako ng breakout.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *